Tuesday, October 9, 2012

big day Sunday!

3:25 pm (sok)

Gaya ng sinabi ko kagabi ang kwento sa selebrasyen ng Kaarawan ni Mama at Bunso.

Buti na lang at naadjust ang oras namin nung Linggo dahil may down time ang system namin dahil sa upgrade. kaya 1pm pa lang eh nakalabas na ako sa opisina.

Maingay na ang bahay nung dumating ako dahil nandun na ang bestfriend at malayong kamag-anak ni Mama at ang ibang mga pinsan nila. Habang pinagsasaluhan nila ang pansit, inihaw na bangus, bico, macaroni salad at maja blanca ay walang puknat ang tawanan nila.

Naisip kong ilabas ang non-bake na cake na ginawa ko. Dahil nakalagay ito sa microwaveable na container eh akala ng mga bisita ay graham cake ito... Gusto ko umiyak dahil sa di mukang cake ang ginawa ko. Sabi ko na nga ba dapat nang hiram ako ng baking pan para doon ko na nilagay yung para mukang cake talaga.






 Ito ang mga mixture na pinaghalo-halo ko at ilalagay sa pinaka base ng non-bake cake.







at ito naman ay nung naihalo ko na ang mixture sa dinurog na tea biscuits tapos nito ay walang kamatayan halo hanggang sa maging maging even ang lahat ng sangkap at maging consistent ang texture nila (wow! ako na ang chef... tyarose!).








Ito naman ang dark chocolate syrup na i-spread sa ibabaw ng non-bake na cake at id-drizzle pag ise-serve na sya.




ito ang finish product nya... di ko magawa ang magandang plating para sa cake na ito kaya ito na lang ang kinuhanan ko ng picture.




Infareness nagustuhan naman ng mga bisita ang lasa kaya kahit paano ang lumubag ang loob ko.

Ika-4 na ng hapon ng mapansin kong wala pang bisita si Bunso, kaya tinanong ko sya kung may pupunta ba syang bisita pagbanggit ko nito sa kanya ay may tumawag agad sa kanya sa pinto, tama bisita nya nga. Sabi ni Bunso mamaya pa daw ang iba... Patay pang derby ang mga bisita nya, pero ok lang.

Ika-7 na nga gabi ng isa isa nga nagsusulputan ang mga kaibigan ni Bunso, nagtanong ako sa kanya kung iluluto ko na ang suntok sa buwan kong putahe na dun ko pa lang iluluto sa buong buhay ko. Binigyan na ako ng hudyat ni Bunso... Oras na para iluto ang "Nachos ala Taco" ko (pasensya dala ng pagod ko eh di ko na sya nagawang kuhanan ng litrato)

Habang nag hahanda ng nachos eh napansin ko na parang naumay sila sa dami ng pansit kaya inalok ko sila ng panghimagas nagulat si Bunso kasi bukod sa salad eh may iba pang panghimagas... Binigay ko sa kanya ang isang piling na saging at naglabas ng chocolate fondue (yung chocolate syrup ng non-bake cake, may hinalo ako dun at niluto ko ulit). Sabi ko sa kanila wala kaming chocolate fountain kaya magkasya na lang sila sa pagsawsaw ng saging sa chocolate fondue na nakalagay sa isang bowl.

Natuwa naman ang mga kaibigan ni Bunso dahil patok ang gimik ko. Sabi nya na nag accept na kami ng order para sa mga desserts na ganyan (business minded si kolokoy). Matapos ko maluto ang pangunahing sangkap ng nachos ay naglatag ako ng nacho chips sa isang malaking pinggan at nilagay ko ang taco mixture na ginawa ko at nilagyan sya ng malapot na chiz dip. Di alam ni Bunso kung san ko nakuha yung chiz dip, syempre ginawa ko din ahahahaha. Sabay abot din ng isang pitsel ng The Bar Strawberry na hinaluan ko ng kalamansi juice. Nagulat sila kasi ngayon lang daw nila natikman yung halo na yun, trip daw nila ang lasa kasi parang juice lang daw at di nila nararamdaman ang alcohol. Sabi na lang ni Bunso wag na sila magtaka kasi sanay daw ako mag imbento ng halo ng mga alak kasi nag aral ako ng wine mixing (totoo naman na nag-aral ako nito noong nagkaroon ng join project ang munisipyo ng Taguig at Tesda, pero trip trip lang ako kung maghalo ng alak at nakakachamba naman ng masarap na timpla).

Success story daw ang Nachos ala Taco sabi ng mga kaibigan ni bunso, muka nga dahil halos di na pwede hugasan ang pinggan dahil malinis ito... Buti na lang nag tabi ako para sa amin ni Paping ng matikman naman namin.



Ganito ka dirty ang dirty kitchen nung nag hahanda kami nung araw na iyon ahahaha.

Sabi ni Paping at ni Bunso mukang markado na ang mga putahe na ihahanda sa mga susunod na handaan sa bahay pero sabi ko wag muna magsalita ng tapos malay nila may madagdag nyahahahaha.

Salamat nga pala kay Sir Archie (na manglilibre daw sa amin ni Ms.Pink sa bora) at kay Ms. Pink (na lumalablyp kay beyken) sa malalang kulitan sa chuwiter kanikanina lang...

O gang dito po muna... God bless po en kip seyp po :)


- It's my opinion... so? -

6 comments:

  1. Patikim ng iyong Nachos mo. Sarap mo pala magluto :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir Archie tenks, actually di ako nag luluto ang iimbernto lang ako ng putahe nagkakataon naman na edible pa rin yung kinalalabasan :).

      Delete
  2. patikim naman nyang mga ginawa mo..bet ko rin lalo na yung non-bake cake...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure Ms. Pink pag may pagkakataon why not... walang pintasan ha ehehehe..

      Delete
  3. Replies
    1. hihi sige po tutal taga pque ka lang pwede ka tumambling dito nyahaha

      Delete

hansaveh mo?