Gaya ng title ng entry ko, ito ang guling post ko this year...
Sa totoo lang di ko alam kung ano ang pakulo na gagawin ko sa huling entry ko para sa 2012 pero gagawin ko na lang itong casual tulad ng dati.
Tulad nyo sa kanya kanya ninyong mga pahina ay sinubok din ang aking kakayahan, hangganan, pasensya, at tiyaga.
- Tinuruan ako ng taon na ito na harapin ang isang bagay na kinatatakutan ko ang mawalan ng minamahal sa buhay ng kunin ng lumikha ang Mama ko noong nakaraang pasukan. Ako ang sumubok na irevive si Mama bago namin sya itakbo sa hospital. Parang unti unting gumuho ang lupang kinatatayuan ko sa hospital ng marinig kong sabihin ng doctor na dead on arrival na si Mama. Madami pa kaming plano ni Mama pero tinuldukan iyon ng sakit nya. Kahit na sobrang bigat sa pakiramdam ko ay sinubukan kong maging matatag at lumabas sa comfort zone ko para sa family ko, para kay paping, Diko at kay Bunso.
- Madalas ay ako ang nasa so-so grid nung malipat ako sa bago kong account ko ngayon. Naghahangad man ako na marecognize ako pero di ko ginawang maging sobrang bibo dahil ayoko magexpect dahil baka ako rin ang malungkot dahil sa di ko mameet ang expectation ko kaya ginawa ko lang ang lahat ng makakaya ko. Nagbunga din ito ng minsang maging "Agent of the Month" ng queue namin, yun nga lang nabaon na yata sa limot ang certificate ko (o baka chinarot lang ako ng TL ko).
- Konti na lang ay mapapatid na talaga ang pisi ng pasensya ko sa dati kong TL dahil sa sobrang kunsumisyon ko. Sya pa ang naging dahilan nga pagkakaroon ko ng stress related na hair loss ko na awa naman ng Diyos ay unti unti na ring nagiging ok ngayon dahil nalipat na kami sa bagong TL. Salamat sa pagdinig ng dasal ko Lord... tyarot!
- Ni sa hinagap ay wala talaga sa isip ko ang gumawa ng sarili kong blog, pero ngayon... tiganan mo nga naman ang pagkakataon at ngayon ang busy na ang mga daliri ko sa pagtipa ng mga letter sa keyboard ng laptop ko para gumawa ng mga entry.
Salamat kay Erin na nagencourage sa akin na subukin ang pag gawa ng blog. Ganun din kila Kulapitot, Archie at Arline dahil sila talaga ang mga nauna kong mga nakakulitan sa asylum ko kaya naman nadagdagan ng nadagdagan ang mga entry ko at ngayon ay lumilevel up na ang itsura dahil na rin sa matiyaga kong pinagaaralan ang mga bagay na bago sa akin ganun din sa pagtuturo ng mga nabanggit kong mga tao.
Mataas ang expectation ako sa Year of the Water Snake lalo pa at sinabi ng mga Intsik na swerte daw ang mga taong pinanganak sa taon ng Aso (disclaimer - di hawak ng mga bituwin ang ating kapalaran, gabay lamang sila may sarili tayong free will, gamitin natin ito-- Zenaida Seba? nyahaha). Sana ay matupad ang mga gusto kong gawin... ito yun oh:
1) Bumalik sa pagpapapayat - tumaba nanaman kasi ako
2) Out of town - Gusto ko pumunta ng Baler, Aurora at itry mag-surf.
3) If kaya ng budget, Out of the country - gusto ko ma-try maging back packers.
4) Mag-aral uli - Balak ko kumuha ng another course.
5. Magkaroon ulit ng Dog - Yung Dog kasi na mahal na mahal ni Mama ipinaampon namin sa kapitbahay. Di na kinaya ni Paping na kunin ulit kasi naaalala nya si Mama :(
2) Out of town - Gusto ko pumunta ng Baler, Aurora at itry mag-surf.
3) If kaya ng budget, Out of the country - gusto ko ma-try maging back packers.
4) Mag-aral uli - Balak ko kumuha ng another course.
5. Magkaroon ulit ng Dog - Yung Dog kasi na mahal na mahal ni Mama ipinaampon namin sa kapitbahay. Di na kinaya ni Paping na kunin ulit kasi naaalala nya si Mama :(
Salamat sa 2951 views sa asylum ko (base sa huling silip ko po ito, at alam ko na 1951 dyan ay kagagawan ko). Sa 31 na pasyente ko na nagtyagang basahin ang post na wala namang talagang sustansya (actually isa sa mga winish ko ay umabot man lang sa 30 ang mga pasyente ko bago matapos ang taon hihihi). At sa wakas na meet ko rin ang goal ko na 60 entries bago ang year end dahil ito na ang pang 60th entry ko...
Kahit na medyo marami ang mga entry na yan ay may mga gusto akong entry na gawa ko ngayon taon at ito ay:
- Trick or Treat - dahil dito ko sinubukan nagumawa ng isang entry isinama ko ng wagas ang mga piktiyur sa kwento.
- Fruit Magic sa Milk - Ito ang pinaka-paborito kong entry na nuknukan ng kalokohan.
- Fruit Magic sa Milk - Ito ang pinaka-paborito kong entry na nuknukan ng kalokohan.
- Himala - Una sa lahat di talaga ako Norian (para yan kay Archie na ubod ng kulet, blee). Kaya isa ito sa naging paborito ko ay dahil sa napataob nito ang Aliw sa Liliw dahil naungusan nito ang number of views ko dahil sa pinost ang entry ko na ito sa mga funpage ng mga Noranians sa pesbuk at nakikijamming sila sa pagcomment sa entry na yan hihihi.
Hanggang sa susunod na taon, sana ay madagdagan ang pasyente ko at maging mataba ang utak sa mga susunod pang entry... Teka wala nga pala akong utak kulet ko. Bili na nga ako sa Divisoria, Tyarot!
Ingat po sa mga magpapaputok, tandaan mahirap kantahin ang sampung mga daliri kung kulang kulang na ang mga daliri mo. Ang mga paputok na may pulbura po ang pinapaputok di po ang sariling amoy, ligo ligo din tayo Chareng! Mag-ingat din lalo na sa mga kasama sa inuman na malakas mang-asar dahil kung hindi kayo eh baka ang kainuman nyo ang puputok na labi dahil sa sapok, panget ang may kaaway sa simula ng taon.
Mula po sa pamunuan ng asylum na ito, ay masaya ko kayong binabati ng Propero AƱos Y Felicidad!!
P.S.
Bago ko po tapusin ang entry ko na ito ay nagpapasalamat po ako kay Olivr na bagong pasyente at kay Fiel-Kun at Lawrence na mga bagong mambabasa ng mga kemerut barurut ko sa asylum ko hihihi...
- Enjoy the celebration and God Bless -
Nakaka sad naman ang nangyari sa mama mo. Alam ko happy siya saan man siya naroon ngayon.
ReplyDeleteHappy din ako na napadpad ako sa asylum mo... wish ko rin na matupad yang mga paln mong tuparin.. lalo na ung pagpapapayat...
Happy Happy New Year!
Yep, yan din ang iniisip namin Jon. Ahaha uu nga yung 1 sa listahan ko talaga ang pinakagusto kong ma-achive ng bongga :)
DeleteSorry bago pa lang akong pasyente dito at ngayon ko lang nalaman about your mother and it was very sad part of your life. But, life must go on. anyway, I feel na you are a strong person naman at jolly guy ka rin. Napapatawa ako lagi sa pagbasa ng post mo.
ReplyDeleteKeep striving, believing and God will be with you.
Happy New Year:)
Marami pala akong post na dapat i back read:)
Thanks Ms. Joy. Yep ganun talaga ang buhay sabi nila di ka magiging matatag kung di ka dadaan sa nakakawindang na pagsubok. tenchu po :)
DeleteBInasa ko na ang " About me" post mo at nag comment din ako don. Nag enjoy rin ako sa don at tumawa. YOu can really make people smile:)
ReplyDeleteHehehe siguro po ganun talaga kapag inborn ang pagiging loko loko :)
DeleteNaging maganda ang iyong taon... Sana ma-beat ng 2013...
ReplyDeleteI hope to read more posts from you.
Happy New Year!
sana nga! cross legs, este cross stitch... nuba, mali uli... cross fingers pala.
Delete*hugggzzz* Para kay mama mo. Good dahil nakamove on kana.
ReplyDeleteCongrats sa pagiging agent of the month at sa naabot mong goal for this year. Pati narin sa blog mo :)
Uy, Noranian ka. Tanggapin mo na. Di talaga ako susuko hanggang matanggap mo. Kailangan mo ng tulong friend. Nandito lang ako. dyuk!
Happy New Year sayo Rix :)
Hwag kana palang magpapayat. bagay sayo ang chubby. lol
DeleteRecently ko lang ay natanggap ko na kahit anong mangyari ay di na babalik si mama pero kahit kailan ay di naman sya nawala sa isip namin. Tenchu, sabi ko nga kahit wala ng cert eh feel ko pa rin naman ang lagi akong agent of the month (habog mutts lungs). Di nga ako Noranian eh tsehhhh!
DeleteNooooooooooooo, kelangan ko pumayat ahahahaha.
Deletekung mataba ka rix, ano nalang kaya ako! hahaha
Deleteok lang yan sabi nila in na daw ang chub ngayon.... pero gusto ko parin pumayat!!!!!ahahaha
DeleteAyaw din naman ni Mama mo na malulungkot ka, kaya cheers na pare. Congrats sa iyong mga achievements sa taong ito at sa mga pagsubok, tiwala lang kay God. Salamat sa asylum na ito at sa iyo. Vilmanian ako, bleeh!
ReplyDeleteHappy New Year. Mix ka uli 'nung GSM na kulay Iced Tea. :)
Tnx tnx! Nyahaha di ko wala sa dalawa ang gusto ko. half pea no heir din... Iba na ihahalo ata ngayon... the bar ata c",)
Deleteang daming nangyari sa 2012 mo:-)
ReplyDeletehappy new year
Happy New year din po Phioxee :)
DeleteHello 2013 saiyo, mas marami pang mangyayari na maganda at blessing sa life mo. (maniwala ka lang) Happy new year.
ReplyDeleteappy new year din jessica at tenchu mutts!
Deleteunang basa ko pa lang about sa mama mo, todo iyak na ako, its the same thing happened to my mom, only lang kasi na sa hospital siya ne-revive at lasted for a week sa icu and she died, alam ko ang pakiramdam mo. mahirap and lagi ng may kulang pero lahat naman tayo pupunta doon, nauna lang sila pero kulang na kulang na talaga. kahit anong gawin kong pilit na i have to live my life kung ano ang meron ngayon its not easy pa rin. sana sa darating na mga taon pa, mas dahan2x nating matanggap ang buhay na wala na tayong mama. ang importante ngayon, masaya ka, may pangarap ka, naabot mo, dyan pa paping mo, at may darating na tao na magmamahal sayo ng walang hanggan (ganyan) marami pang mangyayari sa buhay natin, lets live on that. happy new year gwapong rix!
ReplyDeleteI know that Mama is happy wherever she is right now. Sa lugar na di na nya mararanasan ang sakit at hirap na pinagdaanan nya same as you Mom... Happy new year Lala.
Deleterix iputok mo na yan! happy 2013 sayo ha!
ReplyDeletenyahaha :) happy new year din kulapitot..
Deletehappy new year with love. <3
ReplyDeleteHappy new year din :)
DeleteHappy New Year Rix!
ReplyDeleteNa lungkot ako nung nabasa ko na wala na si Mama mo..hugs..pero I'm sure angel na sya ngayon at lagi nya kayo binabantayan :)
More blessings to come at i-push yang mga plan mo for 2013! God bless :)
Push hard, harder and hardest nyahaha. Thanks Zai and happy new year to you as well :)
Deletehays di kakayanin yan kung ako nasa luagr mo
ReplyDeleteelibs ko sayo!
abangan ko progress mo sa goals mo next year ha
anyways, thank you for making my 2012 even more wonderful!
I enjoyed your blog this year looking forward for more this coming year
Happy New Year
sana nga cross fingers *winx, winx*
DeleteWell, hindi ka man Noranian, dapat mo pa ring panoorin ang "Thy Womb" para man lang sa pagka-Pilipino mo at maitaas ang level ng panlasa ng mga kabataan sa pagpili ng mga pelikulang tinatangkilik nila, hindi yung puro SisterChakas, Enteng, No More Try at Sorry Problems ang pinipilahan nyo.
ReplyDeleteSuggestion lang mga ineng.
lol, natawa ako sa dito. hindi ko pa napapanuod ang thy womb at hindi naman siguro nakakawala ng pagiging makabayan ang panunuod ng sisterakas at one more try. sa hirap ng buhay ngayon, malaking bagay na ang 1 oras na pagtawa sa sisterakas.
DeleteI'm dittoing Anthony's! Boom!
Deletehihihi
Deletemagpakilala sana yang makabayan na yan! mapanghusga... bumalik ka nga sa womb... walang basagan ng trip!lol...
ReplyDeletepeace put!
peace out pala...
Deletehihihi
DeleteSobrang nalungkot ako nun mabasa ko yun about sa mom mo, ngayon ko lang nalaman yun e, hugs! Buti I feel na masayahin ka din at baliw tulad ko.. For fun lang ang horoscopes saken, hindi ako naniniwala dyan, haha.. Pero one thing's for sure, si God laging andyan para saten..
ReplyDeleteHappy New Year, Rix!
chrew! sabi nga ni zenaida hindi hawak ng mga bituwin ang ating kapalaran hihihi. Happy new year din joanne :)
DeleteHi there! I could have sworn I've been to this site before but after browsing through some of the posts I realized it's new to me.
ReplyDeleteRegardless, I'm certainly delighted I found it and I'll be book-marking it
and checking back frequently!
My webpage :: exercise to stop premature ejaculation