Wednesday, October 31, 2012

Kwentakotan!


6:05pm (sok)


Kung ang lahat ay may halloween special papakabog ba ako? Oh, heto na ang kwento ko....

Third eye, marami ang nagsasabi na kapag bukas ang pangatlong mata mo ay mararamdaman mo ang bagay na di nararamdaman ng ordinaryong tao.

Ordinaryo lang ang araw na iyon para sa akin sa pagkakatandan ko, Walang masyadong bago. Dahil sa bagot ko ay nagpasya akong lumabas ng opisina at magpunta sa malapit na tindahan para bumili ang ano man ang maibigan ko.

May naunang bumili sa akin na bata, biscuit na Hiro ang binili nya. Dahil sa inggit ay iyon na rin ang binili ko saka di ko gusto ang isa pang biscuit na nakita ko sa estante dahil matamis ang panlasa ko sa Cream O. Habang kinakagat ang biscuit na binili ko ay napansin ko ang batang nauna sa aking bumili na nakikipag laro sa madungis na pusa dahilan para sa maging madungis din sya. Tinignan ko ang relo ko at nakita ko ang oras. Alas tres na ng hapon. Inilagay ko ang natirang Hiro sa likod ng pantalon ko at nagsimula ng tahakin ang opisina namin ng biglang.... BLAG!!!!


kahit na maingay ang jackhammer sa paligid dahil sa ginagawang gusali ay dinig ko parin ang malakas na kalabog ng galing sa likuran ko. Nilingon ko ito at nakitang nagkagulo ang mga tao. May nasagasaan ata, bata, ito ang pagkakarinig ko dahil sa medyo maingay ang paligid. Ilang minuto din akong napako sa kinatatayuan ko at nag oobserba lang. Dahil sa di ko talaga ugali makiusyoso lalo na sa mga nasagasaan dahil sa ayoko makakita ng mga lasog lasog na katawan ay nagpasya na akong bumalik sa opisina namin na may makita ako... Ang batang naunang bumili sa akin ng biscuit, nakatingin sa akin, duguan...

Kahit di ko nakikita ang sarili ko ay alam kong namutla ako. Nagmadali akong lumakad papunta ng opisina, di ko mapigilan ang sarili ko, dahil sa sinasabi ko na guniguni ko lang ito ay lumingon ako pabalik at nakita ko na sinusundan ako ng bata. Dahil sa takot ko ay tinakbo ko na ng gusali kung saan naroon ang opisina namin. Humahangos ako ng marating ko ang opisina namin. "Ok ka lang ba? anong nangyari sayo?" tanong ng kaopisina ko. "ah, wala. May nakita akong dati kong kakilala eh hinabol ko para kamustahin" ang tanging naging palusot ko.

Akala ko ay doon na matatapos ang panggugulo sa akin ang batang iyon pero hindi pala. Paglabas ko ng opisina ay nakita ko sya na parang naghihintay. Nakatingin pa rin ang duguang bata sa akin. Sa takot ko ang sumabay at humalo ang sa mga taong nag lalakad kasabay ko. Mukha namang nagtagumpay ako. Yun ang akala ko. Komportable na ako sa bus ng mapalingon ako sa likurang parte nito at nakitang nakatingin ang bata sa akin. Ipinikit ko ang mga mata ko at tumungo at umusal ng dasal hanggang sa makarating ako sa bababaan ko. Aligaga ako sa paglalakad habang tinatahak ang bahay namin. Pagpasok ko ng bahay ay pininid ko agad ang tarangkahan at ang pinto namin. Nakita ko pa rin ang bata na nakatingin sa direksyon ko. "Hoy ano nagyayari sa iyo?" Tanong ng Mama ko, nagulat man ako sa tanong nya at sinabi ko na wala naman iyon. Di ko maintindihan dahil di naman pumapasok ang duguan bata sa bahay kaya kahit paano ay kampante ako ngunit di sya umaalis sa tapat ng bahay dahil sa nandun sya tuwing sisilip ako sa labas. Takot man at kinikilabutan ay nagpasya na akong matulog tumabi ako sa kapatid ko, iniisip ko na kung ano man ang mangyari ay di ako masyado matatakot dahil sa nandyan ang kapatid ko. Kinaumagahan, mukang napagod na sya kakasunod sa akin. Wala na ang bata nung lumabas ako ng bahay.

Medyo inaantok pa ako kaya pupungas pungas pa sa bus at sa muling pagkakataon, palingon ko sa likurang parte ng bus ay nandun pa rin ang bata. Nilukuban na ako ng takot at kaba. "bakit di ako tinatantanan ng batang ito? wala naman akong ginawang masama" ito ang sigaw ng utak ko na umaalingawngaw... Bumaba ako sa sunod na babaan at nag pasyang mag-taxi na lang. Nakarating ako ng opisina ng walang sumusunod na bata sa akin. Di ako lumabas o bumaba ng opisina dahil sa takot ko na baka nandun ulit ang batang kinatatakutan ko.

Takot man ay buo na ang isip ko, kailangan kong kausapin at tanungin ang bata kung bakit ayaw nya ako lubayan kung makikita ko ulit sya nag matapos ang oras ng trabaho ko. Di ako nagkamali naghihintay pa rin ang bata sa tapat ng gusali kung nasaan ang opisina namin. "Ano bang kailangan mo sa akin? bat ayaw mo akong lubayan? Wala naman akong kasalanan at ipinagdasal kita ng maraming beses" sambit ko habang naginginig ang tuhod ko. "yung biscuit" sagot ng bata sa akin. Namumutla na ako, ito ang pakiramdam ko ng biglang tapikin ako ng sikyu na naka-duty. "hoy, anong nagyayari sayo?" tanong nya. "Yung bata po? nakikita nyo ba?" sagot ko. Tumawa ng nakakalokong tawa sikyu. Di ko maintindihan ang ngyayri "kahapon may nasagasang pusa, iyon ay alaga ng isang bata. Matapos masagasaan ng pusa ay tinabi nya iyon" sabi ng sikyu. Nagtataka ako kung ano ang koneksyon ng kwento kahapon. "Iyan ang batang iyon" sabay nguso ng sikyo sa bata. "Kuya, akin na lang po yung biscuit na di nyo naubos. Yung nilagay nyo sa likod ng pantalon nyo" sabi ng bata....







At iyan ang kwentong fibisco ko.











Kayo anong kwentong fibisco nyo?










PS. habang ginagawa ko ng entry kong ito ay kinakain ko ang Hiro na ginamit kong props hihihi.



Sa mga dadalaw po ng puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay, ingat po tayo. Sa mga busy at walang oras pumunta sa puntod ng mahal nila sa buhay just text DALAW to 2366 at sila mismo ang dadalaw sayo. hihihi

God bless us po :)



- It's my opinion... so? -

Friday, October 26, 2012

Trick or Treat!!!

5:48pm (sok)

Nagulantang ako dahil sa maya maya ay may pasulpot sulpot na mga bata sa opisina namin na karga karag ng kani-kanilang magulang. Ang cute nila suot ang iba't ibang klase ng custome. Naalala ko, malapit na pala ang undas at dahil di lang ang pag alala sa mga mahal natin sa buhay na nasa mabuti ng lugar ang ginugunita natin, ay ito rin ang panahon para mag enjoy ang baget sa kani-kanilang customer at mag.... TRICK OR TREAT!!!!!

Kapag pupunta sa mga kasiyahan na ganito at kailangan nyo mag costume, siguraduhin din na ang costume nyo ay maayos at may dating, yung tipong mapapa-wow yung makakakita ng suot nyo, di yung basta na lang na nag-costume tulad nito....






















Syempre pag may kasayahan eh di maiiwasang may salo-salo, ingat nga lang sa pagkain ha, kasi baka sila ang makain nyo...





















at isa pa ito.....










Make sure lang na nakapila kayo ng maayos para mabilis ang distribution ng pagkain at ng mga candies dahil kung hindi magagalit sya at baka mapugutan kayo ng ulo....



















Di ko alam kung bakit ba lagi na lang ang costume or effects ng mga sumasali sa halloween party ay puro madudugo tulad nito.....















Crap! mali pala ako ng nalagay na picture.... ito pala ang ibig ko sabihin....

















Pero ok na rin, iyan ang gusto nila eh. Walang basagan ng trip di ba Master Yoda?























Kung iyan ang trip mo suportahan tah ka.... kagaya ng mga costume nila na nakakapanghilakbot....





At nito pa,



















eh ito?


















naku ito ang walang effort sa costume at sya lang ang nag-iisang ganito....
























Scary ba? tyars!








Disclaimer: ang mga litrato na ito ay kinuha sa web at ginamit bilang katuwaan lamang...


God bless us all and Happy Weekend :)


- It's my opinion... so? -

Wednesday, October 24, 2012

Good luck! good luck!

8:07pm (sok)

"Ay! sya ba yun? naku... "

Yan ang una kong comment ng malaman ko na si Toffee Dator ang magiging mentor ko at ng ka-wave ko sa account ko ngayon... aktwali medyo sarkastik ang pagkakasabi ko hihihi, masungit kasi ang dating sa akin.

(heto ang peg nya)

Halos dalawang linggo din syang nag assist at nag monitor sa mga trabaho namin at nag evaluate kung papasa kami ng gradbay. Dahil me tinatago namang galing si water eh pasok sa banga ang peg ko kaya inembrace ako ng hover hardest level... (teka hard daw??? ano yun??? charuts!).

Dahil sa nagsisimula pa lang kami at totoong nganga kami a floor, sobrang na-appreciate ko nung isinend nya sa email namin yung mga canned notes na ginagamit namin para sagutin ang mga inquiry ng mga requestor namin, ang effect eh, edit edit ng notes para mag mukang kami ang gumawa at magmukang sobrang teki sa trabaho namin kahit na sa totoo lang di madigest ng kakarampot kung utak ang mga kaganapan. Pero deadma lang kasi kinlaim ko naman na magiging magaling din ako nyahahaha lakas noh?

Magaling at mabilis magtrabaho ng cases si Toffee madalas nga nage-endorse ako ng case sa kanya yung mga mahirap at di ko na kaya gawin at be four eye nose eat... tapos na ang case na inindorse ko... hong goleng da buh???? Eventually di na rin ako nagpapakabog sa kanya kasi mabilis na rin ako magprocess ng mga cases :).

Mas naging kasundo ko si Toffee dahil sa naging participants kami sa recreation event ng account namin. Ang peg ng event..... GLEE! o di ba di ako nakatakas sa sayaw sayaw at kanta kanta na eksema? Kumanta kanta pa ako dun sintunado naman tapos may part na sayaw sayaw kami pero in all fairview kami ang umuwing wagi. Nasundan pa ito ng isa pang recreational event na sinabay sa Christmas Farty. Um-Adele naman kami sa pagkakataong ito. After ng "Crawling in the deep" (parang may mali sa tittle) ay uminterpritative dance keme kami ng "Someone like you" ang ending kami pa rin ang wagi....

Doon ko na laman na may pagkamaldito sya sa mga di nya ka-close ngunit, subalit datapwat kapag naging ka-close ka naman nya ay very supportive naman.

Last kwarter ng taon nang maging ka-teammate namin sya dahil ang queue na sinusopport nya ay hawak ng aming nagiisa at walang katulad na bisor ahaha (Toffee alam mo na ang ibig ko sabihin hihihi). Mas naging close kami kasama ng mga teammate namin dahil parang iisa lang ang iniisip namin at parang magka utotang dila lang (eww ng term noh?).

Henny waist! dumating ang sobrang laking break sa kanya, nakapasa sya sa pagiging school admin sa.... Malay mo, Malay ko, Malay nya, Malay nating lahat...... Malaysia. Ngayon ay nakaterminal leave sya at ini-enjoy ang bakasyon nya bago lumipad papuntang Johor, Malaysia (san ka kumuha ng pakpak? nakuha mo ba yan nung nanood ka ng tiktik? yung totoo? ahaha).

Toffee, ang maliit na espasyo ng blog ko na ito ay ang regalo ko sayo. Nagbigay ng regalo sa iyo yung iba nating teammate ako wala, at dahil sa paminsan-minsan ay sinisilip mo rin ang asylum ko, ay naglaan na rin lang ako ng isang pahina nito gaya ng pangako ko na bago ka umalis ay magpapasalamat ako sayo sa mga tulong na binigay mo sa akin bilang isang kaibigan at mentor sa account natin. Galingan mo doon at pagbalik mo ng Pinas, tagay tagay din ha nyahahaha...

Hinihintay ka na ng bago mong opisina....

(scroll down.....)







































Tuloy ka na, hinihintay na nya na maupo ka.......



Ahahahaha kala mo seryoso noh? di ka pa nasanay sa akin... :)



Bago ko tapusin ang entry na ito, gusto ko na rin pong isingit ang pasasalamat sa bagong tambay sa asylum ni Rix, Maraming salamat po sir JonDmur

Maulan nanaman, ingat ingat po ang lahat at God bless!


- It's my opinion... so? -

Tuesday, October 23, 2012

Sintang Paaralan...

5:40pm (sok)

"kami ay dumating ng salat sa yaman, hanap na dunong ay iyong alay"

Iyan ay galing sa linya ng hymn ng unibersidad na pinanggalingan ko, ang Polytechnic University of the Philippines.

Di kami nakakaluwag sa buhay kaya ang pag pasok namin ni Diko sa kolehiyo ay isang sakit sa ulo sa mga magulang ko. Idagdag mo pa ang pagaaral ni Bunso na nasa private school.

Gusto ko sana sa Manila pumasok ng kolehiyo pero ginawa namin ng magulang ko ang lahat ng magagawa namin para makapasok ako sa PUP dahil apat na kandirit at 3 cartwheel lang sa bahay ang paaralang ito, inshort ubod ng lapit.

Kinumpara ko ang matrikula ng PUP laban sa matrikula ng mga kamag-aral ko nung high school at sobrang layo ng distansya ng matrikula ko sa kanila. Libo libo ang sa kanila samantalang sa akin at daan daan lang ang usapan.

Dahil sa naging aktibo ako sa pag-sali sa mga organisasyon sa loob ng unibersidad gaya ng PUP Dance Troupe sa loob ng 4 na taon (dati po talaga eh sumasayaw ako, pero matagal na yun... utang na loob hihi), naging staff ng student council ng isang taon, sumali sa Teatro (opo nag theater ako pero lumabas ako sa isang play lang. Ibinigay ko na ang opportunity sa mga bagong member after a year at naging taga-pamalita ng organisasyon ng 2 taon) ay nabigyan ako ng oportunidad na makakuha ng tulong pinansyal sa aking matrikula.

Dahil sa pinagsumikapan ko rin na di bumagsak sa mga subjects ko (Isa lang po ang 3 na grade ko (pasang awa) nung college at iyon ay Taxation nung freshman pa lang ako ahaha) ay na meynteyn ko ang general weighted average na requirement para sa financial assistance kaya naman sobrang laki ng tulong sa amin na P21.00 lang ang naging matrikula ko kada semester sa loob ng 3 taon. Opo, twenty one pesos only ehehe.

Di naman nagpapahuli ang paaralan namin sa mga academic na competition dahil naguuwi din naman ang mga participants namin ng karangalan at karamihan sa mga kakilala ko na produkto ng university namin ay matagumpay. Isa pa sa spirit ng isang PUP-ian na ikinatutuwa ko ay kahit saan mo makasalubong ang taga-PUP at nalaman nila na wala ka pang work ay sila mismo ang nagbibigay ng contact number nila para tulungan kang makapasok sa trabaho na naranasan ko nung nagsisimula pa lang akong i-establish ang carrer ko.

Nakakatuwang malaman na ang unibersidad na nagbigay sa akin ng dunong (meron nga ba? puro kalokohan ang alam ko eh... tyarls!) ay kabilang sa "Top 20 schools in the Philippines".

Sabi nila na ang kahulugan daw ng PUP ay pekeng UP, wala akong pakialam sa sinasabi ng mga paaralang iyon dahil sa may pruweba na kami na di nagpapakabog ang PUP sa ibang unibersidad hihihi.

(Pang 15 nga kami pero come on, yung ibang school pareho lang magkaiba lang ng lugar di ba? hehehe)

At ayan na, ang PRC at Ched na ang humatol sa dapat hatulan. Dapat magkaroon ulit ng human rainbow at kabugin ang unang record natin sa Guinness world records nyahahaha.

God Bless everyone!

- It's my opinion... so? -

Monday, October 22, 2012

Mahaba habang Celebration!

2:23pm (sok)

Friday pa lang ng gabi ay nagusap na kami nila Paping at Bunso sa mga gagawin namin sa Sabado. Sa sleeping quarters ako ng opisina matutulog dahil sa nagpa-slide shif, half day ako at 3:30 ng umaga ang sinula ng shift ko.

Ok naman ang lahat ng inaasahan ko sa shift ko at di ko pa ineexpect na nameet ko yung case count ko sa regular ko na shift. Di ko ipinapaalam sa mga katrabaho ko na birthday ko dahil nga sa mas gusto ko na secret lang ito (ewan ko ba? pero simula pa noon ay di ko ugali ipagkalat ang birthday ko). Nagulat na lang ako ng matapos ang shift ko at nag paalam sa TL ko na uuwi na ako ay binati nya ako ng ubod ng lakas kaya kinantahan ako ng mga tao sa paligid namin, yung traditional birthday song ng account namin na happy birthday to the tune of ave maria. Matapos ko magpasalamat ay lumabas na ako at nagmadaling umuwi.

Di ako binati ni Paping pero deads lang anticipated ko nanaman kasi na casual lang sa amin iyo. Sakto ang pagbaba ni Bunso at binati ako sa kaarawan ko nang maalala ni Paping ay niyakap nya ako at binati din sa kaarawan ko (parang eksena lang sa teleserye, tyarls!).

Nagayos at naglinis muna kami ng mini mini sa bahay bago kami naggayak para pumunta sa mall at kumain sa "eight hall you can" ngunit pagdating namin sa G5, ay sarado at nakapull out ang restaurant na kakainan namin huhu.. Peyld ang flans namin! Nagtanong na lang ako kung saan nila gusto kumain. Napadaan kami bigla sa food court ng Glorietta habang nagiisip, dahil sa di naman mahirap i-please at simpleng tanghalian lang naman ang gusto ni Paping at Bunso ay nagpasya na sila na maghanap na lang ng kakainan dun (kahit na gusto ko sana ay sa medyo bunggacious na resto kami kumain). Cozy ang Lugar na napwestuhan namin may couch sya na parang sa restaurant din ang style.

Pinapili ko sila kung saan at ano ang gusto nila kainin, Nanalo ang World of Chicken. Sabi ni Paping babalik na sya sa upuan dahil baka may kumuha kaya kami na lang ni Bunso ang nagdeside ng kakainin namin.

Nang makaorder na ay bumili kami ng inumin sa Gong Cha at mini Sanrival na Cake sa Mary Grace...


(Sa ganitong peg lang ay solve na si Paping at Bunso)

After kumain ay nagikot ikot kami sa mall dahil sa matagal na rin namang di nakakapag libot sa mall ang dalawa at naghanap na rin kami ng anti-virus para sa malalang tama ko sa utak, charut! syempre sa laugh tough namin ni Bunso.

Maynakita akong stuff toy, ang hasteg nya gusto ko yun ito sya oh..


Hanggang dibdib ko sya at napaka flofffyyyyyy! hihihi.. di naman ako mahilig sa stuff toy pero na-amaze lang ako sa kanya kasi ang laki ng bear na ito.

Natapos na kaming makapagbonding, nanood ng palabas sa activity area ng mall, window shop, nakabili ng anti-virus at more kwentuhan. Balak sana namin manood ng sine pero di nila bet ang mga palabas. Tyusi! nyahaha. Nagpasya na lang kami magkape.

(si Paping while reading nus pepper at pa sip-sip ng frap, kunan ko daw sya ng pic para gawing DP sa fesbuk)

Sakto ala-sinco ng hapon ng dumating kami sa bahay at nabasa ang text ni Erin sa akin. Celeb daw ng bornday ko punta daw ako. Di na sana ako pupunta kaso lang baka magtampo si Erin, pinayagan naman ako ni Paping kaya nagpalit lang ako ng damit at umalis na rin.

Alas nuwebe na ng umalis kami sa Starbucks Araneta para pumunta sa bahay nila Alvin (yung kasama nain sa Pampanga) dun daw kami mag house party sa kanila. Bago ako umalis at binigay sa akin ni Erin ang regalo nyang cake. hongsweet talaga ng kaibigan ko nyahahaha.

Dahil na rin sa pagod ko sa byahe at ginawa ko ng maghapon ay di tumagal ang powers ko sa celebration na iyon dahil pagpatak ng alas dos ng umaga ay kusang nag auto shutdown ang katawan ko (buti nakapwesto ako agad sa kutson). Alas-otcho na ako gumising di ko alam kung ano pa ang ginagawa namin at 10 pa kami umalis kila Alvin. Pagdating sa kanto ay kanya kanya pa silang hithitan ng yosi hanggang sa magyaya pa si Erin mag goto at ito pa ang huli naming ginawa..


Nagpiktyure taker pa sila para daw may remember. Nasa byahe pa lang ako pauwi ay panay na rin ang text sa akin ni Toffe ang ka-officemate ko dahil may movie gimik din kami ng araw na iyon. Sa totoo lang kahit may tulog ako nun eh parang lumulutang pa ang utak kong sabaw. Pinaguusapan nila sa group text kung ako ang panonoorin dahil sa parang ayaw na daw nila panoorin ang Tiktik kaya ang ending eh This guy is inlove with you mare na lang daw ang panoorin para laugh trip. Ok lang naman sa akin kung ano panoorin, ayoko na rin kasi mag-isip kasi nga di pwede sa akin iyon kasi wala naman talaga akong isip bwahaha.

Enjoy ang movie na iyon sobra, pakiramdam ko nga eh nagkakabag ako sa katatawa. Medyo madaming tao sa labas ng ticket are nung lumabas ng cinema 2. May premier night pala, yung Movie nila Derek, Gabby at ni Anne yung kabit uli ang tema... Nakipagsiksikan lang muna kami ng kaunti after noon ay naghanap na kami ng kakainan.

Giligans G5 ang bagsak namin, marami kasing tao sa halos lahat ng parte ng Glorietta 1,2,3 at 4. Habang kumakain eh nirerecall namin ang masasayang linya at eksena sa pelikula.


(Kami ang Team A)


(Sila ang Team B)

Nasa 2 picture si Toffe sya naman daw ang referee. Kems! After kumain ay nag-usap muna sila kung saan ang sunod na thumbling nila. Di ko na yata kayang sumugod pa kung saan sila dadalhin ng mga paa nila pero di na talaga kaya ng katawang lupa ko ang makipagsabayan sa mga chakra nila kaya nagsabi na rin ako na di na ka makakasama sa kanila.

Nagpaalaman na kami ng makalabas ng G5. Kung kaya pa siguro ng katawan ko eh malamang extended ang kwento na ito hanggang sa pagvi-videoke na kasama sila hehehe.

Bago ko tapusin ng entry na ito... Salamat po sa bagong kampon ng baliw na si Rix... Welcome po sa asslum Cynon :).

Have a safe week everyone at sana ngayong week magkaroon ako ng weekend talaga ng makapagpahinga na ako.


- It's my opinion... so? -

Ninong?



11:41pm (sok)

Nakausap ko ang isang kaibigan ko ay sinabi nya na gagawin nya daw akong ninong ng anak nya sa Pasko. Madadagdagan nanaman ako ng inaanak, at dahil dyan nag-abiso na ako sa mga close kong kaibigan na kapagkukunin nila akong ninong ay may mga requirements na ako (yung simbahan nga may mga requirements din eh di ako din):

1) NSO copy of birth certificate
2) 2 Valid government issued IDs (company ID, SSS IDs, GSIS ID, PRC License, Passport, etc)
3) Proof of billing (Meralco bill, Telephone bill, Credit Card Statement, MWSS/Maynilad water bill)
4) NBI Certificate
5) Police Clerance
6) Baranggay Clerance
7) Picture (ebidensya na close talaga tayo para maging ninong ako ng anak mo)
8) Mirrage Certificate (mahirap na baka ako pa maging instant tatay ng anak nyo hihihi)
9) Essay na nagsasabi kung bakit dapat akong maging ninong ng anak mo (250 words, size12, tahoma font, legal size bond paper with margin)
10) Lakipan ng any proof of purchase ng kahit anong products ng participating sponsors:

a) 3 tsupon ng mimiflow feeding bottle.
b) 5 empty wrapper ng pampers any size.
c) 2 resibo ng BonaKid milk.
d) 1 Bote ng Gerber.
e) 4 na dropper ng Tikitiki

Ihulog lamang sa tapat ng bahay, bahala na si Paping doon hihihi.

Maraming salamat!

----> Dahil wala pa akong pahinga at pagod pa ako, isang entry nanaman na puno ng kalokohan ang nagawa ko.

----> Bukas na ako mag kkwento ng nagyari sa birthday ko.

---> Ingat po ang lahat, God Bless us..


- It's my opinion... so? -

Thursday, October 18, 2012

Pabili ng "Pahinga".

7:10pm (sok)

Di maganda ang gising ko kanina, late na kasi ako nakauwi kagabi dahil pinuntahan namin ang isang kaibigan na dinala ang sarili nya sa Manila Adventist Hospital sa Pasay City para magpa-confine dahil sa may dengue sya... Tama po kayo sa nabasa nyo, dinala nya ang sarili nya sa hospital.

Walang immediate na member ng pamilya si Jed sa Manila kaya bukod sa mga housemate ay mga officemate at mga marami raming kaibigan lang ang meron sya dito.

( yung naka-pula si Jed, yung nasa  tapat ko eh kilala nyo na siguro hehe )


Buhat ng bumalik ako galing sa out of town gala namin sa Pampangga eh halos wala pa akong matinong tulog kaya nga bukod sa muka na akong haggard eh pakiramdam ko ay sooner or later ay magkakasakit na ako...(wak naman po huhuhu, crossfingers pati sa paa).

Di ako pwede magkasakit ngayong linggo na ito lalo na sa Sa-beer-day (yun ang bornday ko), Ayokong di matuloy ang plano namin ni Paping at Bunso. Kakain pa kami sa "eight hall you ken" kesehodang masira ang diet ko, next week na lang ulit ako mag trim down ng timbang ahaha hongtokow lungs. After nun ay maghapon na bonding sa kanila.

Sa Linggo naman ay nag nagyaya ang iba kong mga kaopisina na manood ng pelikula at wait but wait, di kinaya ng mga baby fats ko at napundi agad ang bumbilya ng left aorta ko (wow! porong motolino lungs eh wala namang saksakan ng bumbilya sa ugat) sa gusto nilang panoorin, "Tiktik, the aswang chronicles"... Omeygas! bakit iyon? Fan naman ako ng mga horror na palabas pero yung poster pa lang ng pelikula ang nakita ko eh wala na syang dating sa akin (sorry sa mga fans ni dingdong, peas po). Mukang mapapasubo ang 200 pesos ko, pero "TING!"mang-aasar na lang ako sa kanila sa buong movie para masulit ko yung binayad ko. Ang ebil lungs ng plen hihihi.

Sa Lunes naman ay naka schedule ang reunion ng barkada ko nung college dahil darating ang kaibigan namin na nagttrabaho sa........ sing ka, sing ako, sing sila, sing tayong lahat......Singapore! 5 araw lang daw ang leave nya kaya sobrang jampack ang lahat ng gagawin nya sa 5 araw.

Makapag pahinga pa kaya ako ng maayos neto? hong hogordenia lungs.... Kala mo umaartista sa listahan ng commitment at schedule. Pero seryoso gusto kong maging oso kahit isang araw lang na walang gagawin kung di matulog pagtaglamig... Teka? kasing katawan naman ako ng oso tapos malamig na ang panahon, eh di GO! matutulog na ako..... ZZZzzzZZZzzzZZZzzz!!!!....

Teka bago ko po ituloy ang tulog ko, mag ingat po ang lahat at sana ay may enough kayong pahinga... Mahal magkasakit sabi nga ng komersyel *winx*.

God Bless sa lahat!

- It's my opinion... so? -

Monday, October 15, 2012

Hello Florida!

11:54 pm (sok)

Kauuwi ko lang galing ng Florida! Florida Blanca, Pampanga para maki-beer day sa isang kaibigan.

Sa totoo lang ngayon ay hagardenia pa ako pero ok lang naman sobrang saya naman.

Magdadalawang isip pa sana ako kaso nasabi ko sa sarili ko, "isang isip nga wala ako, magdadalawa pa", Tyarose!

Di ako pwedeng di pumunta, nandun si Erin kaya pagdi ako pumunta kakatayin ako nun..


(hong signature post ni Erin kasama ako (hagard na ako)

Sumunod ako sa Pampanga, nandun na kasi yung iba pang mga kaibigan namin, ito nga sila oh ...



( from left to right si Rodman, Alvin, Kevin (ang beer-day boy), Erin, Ako at si Lui )


8:46 na ng gabi ako ng nakarating sa bahay nila, Akala ko naman ay maaga ako makakasama sa kasiyahan, yung tipong wala pang 7 ng gabi, kaso naghirapan ako maghanap ng bus at jeep na sasakyan papunta sa Florida Blanca.

Nagulat ako sa mga boses nila kasi mas malala pa sa palaka kung magsalita. Nalaman ko na mag-a-ala-sais na ng umaga ng natulog sila dahil magdamag sila nag-inom at nag-videoke. Gumising daw sila ng wala pang 8 ng umaga para ituloy ang pagvi-videoke nila.

Bago ako makipag sabayan sa kanila eh kumain muna kami. Dahil di ako kumakain ng kanin eh yung tokwa at baboy, laing, inihaw na isda at palitaw ang nilantakan ko (ginawa kong kanin ang tokwa't baboy).

Matapos nun ay umupo na ako sa table nila at tinagayan na rin ako. Nagulat ako kay Erin dahil sa puro Adele ang sinalang na kanta, patidan ng litid? yebah! Andyan na ang minash up namin ang mga kanta para maging masaya ang videoke dahil ito ang madalas naming trip, pero habang tumatagal ay lalong lumala... Dear Lie ng TLC, Bilango ng Rizal Underground, Tuyo ng damdamin ng Silent Sanctuary ang mga sumunod kong kinanta kaya bigla akong kinausap ni Erin at tinanong kung may pinagdadaanan ako... pero syempre di ko na ikkwento yun bleeehhh!

Dahil sa pagod at puyat ay unang bumagsak si Erin hanggang sa isa isa ng hinihila ng gravity ang mga mata namin pababa...

Pagod na rin ako kaya nag pasya na akong matulog. Kung di ako nagkakamali ay lagpas alas-dos na ang umaga ako napunta sa silid na pinahiram sa amin para makapagpahinga.

Mag-a-alas nuwebe na ng umaga ng nagising kami, pagtapos kumain ng agahan nagulat ako dahil...


















Pak! videoke at di lang basta videoke.... tinagayan agad kami ng beer. Homayst! Parang bata pa ako para maging isang sunog baga. Chut!


Heto ang malalang eksena...


Ang duet. At feel na feel namin ang kantang pagbigyan muli ni Erik Santos. Sabi ko alalayan ko lang si Erin pero it turn out na talagang duet sya. Oha!

Pagtapos ng 3 oras na makapatid litid at ngalngalan sa microphone ay sumuko na kami dahil boses gremlin na kami kaya nag pasya na kaming maligo at mag-gayak pabalik ng Manila.

Dumaan muna kami sa SM Pampanga para kumain at magkape. Pasado alas-ocho na ng sumakay kami sa bus pa-Manila. Mag-a-alas diyes na ako ng dumating sa bahay at dahil sa di pa naman ako inaantok ay nagdesisyon na akong ikwento ang pagdayo ko sa lugar ang nila Kevin.








THANKS! THANKS! THANKS!


Bago ko tapusin ang entry na ito gusto kong pasalamatan ang mga bagong slight (slight long nomon) tambay sa asylum ng baliw na si Rix. hihihi!



-- Ang isa sa pinakapaborito kong blogger, si Sir Mots.


(Sir ito lang po yung pics na nakuha ko sa google+ mo ehehe, kahit mejo malusog ka sa peg na ito. gwapo ka pa rin naman kaya dont worry.. Apir!)





-- Si Jo-mar na naengganyo na gumawa din ng blog dahil na rin ata sa akin???? di ako sure eh.


(salamat sa pagmensyen mo ng pangalan ko sa blog mo.)





-- Si Sir Denggoy. Sir tinry ko po kumuha ng pic na mas malaki dito pero ito lang yung nakuha ko. Tinry ko i-edit pero lumabo yung pic eh sorry po huhu


( Salamat po Sir and enjoy po sa pagtambay. )





-- At si Sir Thirdy, wala po akong nakuhang pic nya na may muka... ang tanging nakuha ko lang ay ang asteg nyang tatoo :)


(Angas ng dregen ehehe)




Marami pong solomot sa inyo at sana po ang nageenjoy kayo kahit uber slight lungst..

Di sana ganun ka stressful ang week na ito para sa lahat... God bless :) 


- It's my opinion... so? -

Tuesday, October 9, 2012

big day Sunday!

3:25 pm (sok)

Gaya ng sinabi ko kagabi ang kwento sa selebrasyen ng Kaarawan ni Mama at Bunso.

Buti na lang at naadjust ang oras namin nung Linggo dahil may down time ang system namin dahil sa upgrade. kaya 1pm pa lang eh nakalabas na ako sa opisina.

Maingay na ang bahay nung dumating ako dahil nandun na ang bestfriend at malayong kamag-anak ni Mama at ang ibang mga pinsan nila. Habang pinagsasaluhan nila ang pansit, inihaw na bangus, bico, macaroni salad at maja blanca ay walang puknat ang tawanan nila.

Naisip kong ilabas ang non-bake na cake na ginawa ko. Dahil nakalagay ito sa microwaveable na container eh akala ng mga bisita ay graham cake ito... Gusto ko umiyak dahil sa di mukang cake ang ginawa ko. Sabi ko na nga ba dapat nang hiram ako ng baking pan para doon ko na nilagay yung para mukang cake talaga.






 Ito ang mga mixture na pinaghalo-halo ko at ilalagay sa pinaka base ng non-bake cake.







at ito naman ay nung naihalo ko na ang mixture sa dinurog na tea biscuits tapos nito ay walang kamatayan halo hanggang sa maging maging even ang lahat ng sangkap at maging consistent ang texture nila (wow! ako na ang chef... tyarose!).








Ito naman ang dark chocolate syrup na i-spread sa ibabaw ng non-bake na cake at id-drizzle pag ise-serve na sya.




ito ang finish product nya... di ko magawa ang magandang plating para sa cake na ito kaya ito na lang ang kinuhanan ko ng picture.




Infareness nagustuhan naman ng mga bisita ang lasa kaya kahit paano ang lumubag ang loob ko.

Ika-4 na ng hapon ng mapansin kong wala pang bisita si Bunso, kaya tinanong ko sya kung may pupunta ba syang bisita pagbanggit ko nito sa kanya ay may tumawag agad sa kanya sa pinto, tama bisita nya nga. Sabi ni Bunso mamaya pa daw ang iba... Patay pang derby ang mga bisita nya, pero ok lang.

Ika-7 na nga gabi ng isa isa nga nagsusulputan ang mga kaibigan ni Bunso, nagtanong ako sa kanya kung iluluto ko na ang suntok sa buwan kong putahe na dun ko pa lang iluluto sa buong buhay ko. Binigyan na ako ng hudyat ni Bunso... Oras na para iluto ang "Nachos ala Taco" ko (pasensya dala ng pagod ko eh di ko na sya nagawang kuhanan ng litrato)

Habang nag hahanda ng nachos eh napansin ko na parang naumay sila sa dami ng pansit kaya inalok ko sila ng panghimagas nagulat si Bunso kasi bukod sa salad eh may iba pang panghimagas... Binigay ko sa kanya ang isang piling na saging at naglabas ng chocolate fondue (yung chocolate syrup ng non-bake cake, may hinalo ako dun at niluto ko ulit). Sabi ko sa kanila wala kaming chocolate fountain kaya magkasya na lang sila sa pagsawsaw ng saging sa chocolate fondue na nakalagay sa isang bowl.

Natuwa naman ang mga kaibigan ni Bunso dahil patok ang gimik ko. Sabi nya na nag accept na kami ng order para sa mga desserts na ganyan (business minded si kolokoy). Matapos ko maluto ang pangunahing sangkap ng nachos ay naglatag ako ng nacho chips sa isang malaking pinggan at nilagay ko ang taco mixture na ginawa ko at nilagyan sya ng malapot na chiz dip. Di alam ni Bunso kung san ko nakuha yung chiz dip, syempre ginawa ko din ahahahaha. Sabay abot din ng isang pitsel ng The Bar Strawberry na hinaluan ko ng kalamansi juice. Nagulat sila kasi ngayon lang daw nila natikman yung halo na yun, trip daw nila ang lasa kasi parang juice lang daw at di nila nararamdaman ang alcohol. Sabi na lang ni Bunso wag na sila magtaka kasi sanay daw ako mag imbento ng halo ng mga alak kasi nag aral ako ng wine mixing (totoo naman na nag-aral ako nito noong nagkaroon ng join project ang munisipyo ng Taguig at Tesda, pero trip trip lang ako kung maghalo ng alak at nakakachamba naman ng masarap na timpla).

Success story daw ang Nachos ala Taco sabi ng mga kaibigan ni bunso, muka nga dahil halos di na pwede hugasan ang pinggan dahil malinis ito... Buti na lang nag tabi ako para sa amin ni Paping ng matikman naman namin.



Ganito ka dirty ang dirty kitchen nung nag hahanda kami nung araw na iyon ahahaha.

Sabi ni Paping at ni Bunso mukang markado na ang mga putahe na ihahanda sa mga susunod na handaan sa bahay pero sabi ko wag muna magsalita ng tapos malay nila may madagdag nyahahahaha.

Salamat nga pala kay Sir Archie (na manglilibre daw sa amin ni Ms.Pink sa bora) at kay Ms. Pink (na lumalablyp kay beyken) sa malalang kulitan sa chuwiter kanikanina lang...

O gang dito po muna... God bless po en kip seyp po :)


- It's my opinion... so? -

Monday, October 8, 2012

Bonding Bonding..

10:09pm (sok)

Di nanaman ako makakagawa ng seryosong entry sa blog ko.

Nakita ko ang 2 bote ng the bar na strawberry na natira kahapon sa celebration nung nag hahanda ako ng hapunan kanina at nginitian ko ang si Paping sabay kantyaw kay Bunso na magkaroon ng bonding bonding. Ako tumambling sa sagot ni Paping, push daw.

Pagtapos ko hugasan ang mga nga ginamin namin ng hapunan ay lumabas si Paping pagbalik ay may dala na itong chips at yelo... Patay seryoso nga si Paping.

Sabi ko ay di na kailangan yun kasi may sangkap pa para makagawa ako ng Nachos, agad ko nilabas yun ang nag simulang iprepare pati na rin ang the bar at tinimpla ko na. Maya maya pa ay handa na ang lahat.

Parang juice lang daw ang timpla ko sabi ni Bunso, habang pinaguusapan namin ang mga ngyari kahapon ay di namin na pansin na paubos na ang pitcher ng the bar at paubos na din ang pampu namin. tumayo si bunso para kumuha ng cheeze dip at ako naman para ilagay ang ilang mga gamit sa sink ng maramdaman namin ni Bunso na umiikot na ang mundo namin.

Bukas na lang ako mag kkwento ng ngyari nung Linggo, pakiramdam ko naman ay di naman ako bibisitahin ni amats bukas ehehehe.

Nyt nyt ebli juan!


- It's my opinion... so? -

Friday, October 5, 2012

Malungkot na gunita..

8:24pm (sok)

Gaya ng aming napagkasunduan, pagtapos ng oras ko sa trabaho honda jazz ako at agad agad na lumabas ng building namin. Sa tapat ng aming opisina ay may byahe na ng bus papuntang Baclaran kaya ito na ang route na pinili ko. Almost an hour and a half din ang byahe ko bago marating ang tagpuan namin ni Paping at Bunso.

Wala kaming inaksayang oras, halos nag uunahan kami sa pagtahak sa lugar na dapat naming pinuntahan. Bago pa man kami pumasok sa gate eh halata na namin na hinahanda na ang lugar para sa magiging okasyon sa susunod na buwan. Bumili kami ng kandila ngunit nalugkot ako dahil walang mga bulaklak at sinabi ng nagtitinda na alanganin ang panahon kaya wala silang bulaklak na tinda. Matapos nun ay binagtas na namin ang maliliit na kalye para marating ang pakay namin.

Agad agad ay nilinis namin ang mga dumi sa paligid. Inilatag ko ang mga kandila at sinimulan ko itong sindihan isa isa. Hinawakan ko ang marmol na animo'y dingding na nagpapaalam sa amin na ito ang lugar na hinahanap namin, umusal ako ng dasal. Sa aking panalangin ay binati ko sya. kung kasama namin sya sana ay 59 na taong gulang na sya. nagpasalamat ako sa kanya sa lahat ng sakripisyo nya at pagmamahal.

Nagulat ako dahil may isang batang ipinanganak na di normal na tulad ng iba na lumapit sa amin. Pamilyar ang muka nya dahil paligid ligid lamang sya sa loob ng lugar na iyon, may inabot syang punpong ng mga bulaklak at sinenyasan kami na ilagay na namin ito sa lalagyan.

Natuwa ako dahil sa wakas kahit iba ito sa bulaklak na inaasahan ko na ibigay sa kanya eh kahit paano may bulaklak pa rin na nagbigay ng buhay sa partikular na lugar na ito. Matapos namin ilagay ang bulaklak ay agad na tumalikod ang batang ito at naglakad palayo s amin. Muli ay medyo tahimik kami at naguusap lamang ang mga mata.

Naalala ko na may pakiusap ang Diko namin na nasa ibang bansa, agad ko ulit hinawakan ang marmol at sinabi ang habilin nya. Matapos nito ay nagsabi akong kukuha ako ng kaunting litrato dahil naipangako ko din na kukuha ako ng litrato at ipapadala sa kanya gamit si Watson.

Nagusap muna kami kung kailan kami muling babalik sa lugar na ito, nung naplansta na ang petsa ay nag paalam na kami.

Habang nasa byahe pauwi, dito naging seryoso ang usapan namin ni Diko sa YM (di ko na ma-screenshot kasi biglang naputol ang connection ni Watson). Buong oras na nasa lugar na iyon ay nanatili ako matapang at matatag, Medyo nakaalalay nga lang ako kay Paping dahil sa nakita kong bago kami umalis ay hinawakan niya ulit ang marmol at nakipagusap ng mataimtim. Matapos nun ay nakita kong medyo basa ang mata niya ay medyo basag ang boses nya habang kinakausap kami, subalit di ko rin nakaya dahil habang nasa jeep na kami at binabaybay ang daan pauwi at habang kausap si Diko ay di mapigilang maging basa din ang mata ko at naramdaman ko na lang na may gumuguhit ang tubig galing sa mata ko. Di maiwasan ni Diko ang malungkot sya dahil sa isa itong special na araw para sa mahal nyang magulang pero di namin sya kasama. Bumalik ang pang hihinayang nya at kalungkutan dahil sa wala sya sa tabi nito sa mga panahong kailangan din sya nito.

Di ko maiwasang mas maging malungkot para sa kanya dahil sa tanging boses lang ang naririnig nito sa kanya sa loob ng 1 taon bago ito nagdisisyon na sumuko. Pinipilit ko na pakalmahin sya at ipinaintindi ang sakripisyo ng bawat isa sa amin nung mga panahong binayo kami ng pagsubok na di ko ata makakalimutan.

Di ako ang sinungaling kay Diko, sinabi ko sa kanya na nalulunod ang mga mata ko sa luha at umaagos ang mga sobrang tubig sa mga ito. Alam kong nakita ako ni Paping kaya naman umiiwas din sya ng tingin sa akin dahil alam nya na baka di nya rin mapigil ang sarili nya (ang akward lang, sa dami lang lugar sa jeep pa na may mga pasahero).

Nang nasa bus na kami ay nag desisyon si Paping na pumunta sa isang pucho puchong restaurant para magpaluto ng pansit malabon, kami naman ni Bunso ay pumunta ng convenient store para bumili ng inumin.

Tahimik naming pinagsluhan ng handa sa birthday ni Mama. Malungkot dahil sa birthday nya nagyon pero wala sya para kasama naming ipagdiwang ang special nyang araw. Iniwan na nya kami. Kung kasama pa namin sya, malamang ay nakiki-comment din sya sa pagkaing ninakain namin. Nakikipag kulitan at nakikipag tawanan.

Kahit wala na sya ay napagdesisyunan namin ang ipagdidiwang pa din namin ito kahit ano mang mangyari. Sa totoo lang ay may pagdiriwang talaga na nakalaan para sa kanya sa Linggo at isasabay na sa silebrasyon ng kaarawan ni Bunso.

Namimiss ko na si Mama, sana magparamdam sya o makausap ko sya kahit sa panaginip lang.


( di ko maintindihan kung bakit 7 candles lagi ang binibili namin basta daw may nagsabi, kaya ayan)



( ito na ang itsura ng condo ni Mama kasama ang bulaklak na bigay sa amin ng bata)


(kahit hagard na kami ume-emot pa rin sa peg)


(ang pinaghati-hatian namin sa birthday ni Mama) 

P.S.

Happy Teacher's day sa lahat ng Guro na maaring makabasa nito, dahil kasabay ng teacher's day ay ang birthday ni Mama.

Wag nyo rin kalimutang pasalamatan ang mga Nanay nyo dahil sila ang pinakaunang naging Maestra natin..


- It's my opinion... so? -

Thursday, October 4, 2012

Fruit Magic sa Milk!!!

8:43pm (sok)

May naisip na sana akong bagong entry sa asylum ko ngunit tila ata hinigop ng trabaho ko lahat ng pagka-saltik ko at nearly brain dead na ako... teka wala pala akong brain, so di applicable ang brain dead sa akin.. tyarose!

So ito na nga punta ako sa website na pinupuntahan namin ng brudir ko para manood ng anime, haweber habang pinanonood ang unang part bago ang que ng entrance song (parang graduweysyen lungst) ay di ko agad naintindihan ng nagaganap kaya malakas ang sabi ng vertud na di ko maiintindihan ang buong palabas. Sayang ang kuryente.

Tumakbo ako sa kusina para tignan kung may bagay na interesante pero failed, naisip kung guluhin ang buong kusina at ayusin ulit sya, pero dahil pagod ako ay tinamad akong gawin yun hanggang sa buksan ko ang pridyeder (lakas maka pelikula. lewls) ay may kakaibang bagay akong nakita. Pumukaw sa atensyon ko at nasabi kong..... "Gusto ko ito!".

Dali dali akong ng init ng tubig.... hinanda ang peyborit kong plain white mug, nilagyan ng karampot na asukal ang peyborit kong plain white mug, nilagay ang nakita ko at nakipag tyat ng mini mini sa mga kaibigan sa pesbuk habang hinihintay na uminit ang tubig.

TING! mainit na ang tubig. Agad kong nilagayan ng mainit na tubig ang hinanda ko at ilang segundo lang,




















Viola! Handa na ang aking Milk Magic Instant Melon Milk, ang magic ng prutas na nasa gatas...

















Ang gatas may tunay at natural na flavor ng Melon!

Itry nyo ng mapatunayan nyo ang sinasabi ko, sugod na sa mga suking tindahan...

and CUT!.......... and now! back to regular programming....

Akala nyo seryoso ang entry na ito noh? ito po ang script ng bagong commercial ng Milk Magic... TYARLOTS LUNGS! di papasa ng entry na ito as commercial dahil puro kalokohan lang nyahahahaha.

Enjoy da nyt mga palowers en bee seyp.


- It's my opinion... so? -

Tuesday, October 2, 2012

Whats wrong with the world?

9:18pm (sok)

Hayzt!

Yan lang ang nasabi ni water dahil sa mukang di nagtagumpay ang sambayanan sa ipinagmamaktol nila. Mukang nasayang ang ininvest nilang miles at nilangaw lang sa pinakatagong parte ng palengke.

Kasi naman eh parang ano.... yun bang..... kasi nga..... eh di ba?...... (di makapagsalita ng maayos?!?) nyahahahaha.

Di ko din matanggap na pati si Britney Spears ay nagsalita sa issue ng very trending at very kontrobersyal na iskempertush sa bayan ni Juan Dela Cruz ngayon... aminin nyo yan! Nawindang ako at medyo natagalan makarecover ng nabasa ko ang retweet na yan habang binabasa ko ang mga message sa tweeter ko. Natatakot naman ako pumatol kasi baka mamaya may electronic warrant of arrest ako courtesy of PNP pag-sumagot ako. Totoo nga ba? Its not fun in the Philippines na ba? Eh di sa text na lang tayo mag palitan ng mga punto de vista tutal uso pa rin naman ata ang group message di ba? so old school.

Kung makukulong man si water sa Manila City Jail eh ok lang, basta nandun lahat ng crush ko (pa-sweet peg, hawi ng hair at beautiful eyes) Ha nova? Seryoso! mukang tumaas ang hairline ko nung nalaman ko na simula bukas (October 3) ay simula ng mag rakenrol ang, ang, ang ....ttttoooottt.... (ahaha di masabi? eh wag na nyo ako pilitin baka matuluyan ako phullleeesss???)

Hay wish ko lang kung ano man ang adhikain nyan, ay magtagumpay yan ng wagas ha.. sana ay kumita sila ng full blush dyan at itulong nila para madagdagan ang mga pasilidad sa paaralan nila Ser Mots (sana nababasa nya ito kaso di nya ako pinapalow. lewls), Mapagyaman pa ang mga tourist spot na pwedeng rampahan ni Ms. Pink at Ser Kulapitot, mas murang renta sa publication office ng Bart Attack at murang amilyar sa kastilyo ni Ser Archie at higit sa lahat... dagdag na gamot at nurse sa asylum ko nyahaha.

Wait, but wait!!!!!!!!! Welcome po sa bagong tagasunod ng baliw na si Rix, hi po Ms. JESSICA, sana po kahit paano ay magenjoy ka sa pagtambay mo sa hospital ko (hospital talaga? chareng!)..

O sya tinatawag na ako ng kama ko, at gusto na ng mga unan ko na yakapin ko sila (sana yung mahal ko na lang yung unan, umaarte pa oh!). Dahil umuulan ngayon, sigurado mag-tutunggali nanaman kami ng kama bukas dahil sa twing babangon ako ay tiyak na hihilahin nya ako pabalik sa kanya ahaha...

Olweyz tek cer guys c",)


(Ito ang pinili kong DP sa pesbuk ko, lakas maka-Lando no? "Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim")

- It's my opinion... so? -