Kauuwi ko lang galing ng Florida! Florida Blanca, Pampanga para maki-beer day sa isang kaibigan.
Sa totoo lang ngayon ay hagardenia pa ako pero ok lang naman sobrang saya naman.
Magdadalawang isip pa sana ako kaso nasabi ko sa sarili ko, "isang isip nga wala ako, magdadalawa pa", Tyarose!
Di ako pwedeng di pumunta, nandun si Erin kaya pagdi ako pumunta kakatayin ako nun..
(hong signature post ni Erin kasama ako (hagard na ako)
Sumunod ako sa Pampanga, nandun na kasi yung iba pang mga kaibigan namin, ito nga sila oh ...
( from left to right si Rodman, Alvin, Kevin (ang beer-day boy), Erin, Ako at si Lui )
8:46 na ng gabi ako ng nakarating sa bahay nila, Akala ko naman ay maaga ako makakasama sa kasiyahan, yung tipong wala pang 7 ng gabi, kaso naghirapan ako maghanap ng bus at jeep na sasakyan papunta sa Florida Blanca.
Nagulat ako sa mga boses nila kasi mas malala pa sa palaka kung magsalita. Nalaman ko na mag-a-ala-sais na ng umaga ng natulog sila dahil magdamag sila nag-inom at nag-videoke. Gumising daw sila ng wala pang 8 ng umaga para ituloy ang pagvi-videoke nila.
Nagulat ako sa mga boses nila kasi mas malala pa sa palaka kung magsalita. Nalaman ko na mag-a-ala-sais na ng umaga ng natulog sila dahil magdamag sila nag-inom at nag-videoke. Gumising daw sila ng wala pang 8 ng umaga para ituloy ang pagvi-videoke nila.
Bago ako makipag sabayan sa kanila eh kumain muna kami. Dahil di ako kumakain ng kanin eh yung tokwa at baboy, laing, inihaw na isda at palitaw ang nilantakan ko (ginawa kong kanin ang tokwa't baboy).
Matapos nun ay umupo na ako sa table nila at tinagayan na rin ako. Nagulat ako kay Erin dahil sa puro Adele ang sinalang na kanta, patidan ng litid? yebah! Andyan na ang minash up namin ang mga kanta para maging masaya ang videoke dahil ito ang madalas naming trip, pero habang tumatagal ay lalong lumala... Dear Lie ng TLC, Bilango ng Rizal Underground, Tuyo ng damdamin ng Silent Sanctuary ang mga sumunod kong kinanta kaya bigla akong kinausap ni Erin at tinanong kung may pinagdadaanan ako... pero syempre di ko na ikkwento yun bleeehhh!
Dahil sa pagod at puyat ay unang bumagsak si Erin hanggang sa isa isa ng hinihila ng gravity ang mga mata namin pababa...
Pagod na rin ako kaya nag pasya na akong matulog. Kung di ako nagkakamali ay lagpas alas-dos na ang umaga ako napunta sa silid na pinahiram sa amin para makapagpahinga.
Mag-a-alas nuwebe na ng umaga ng nagising kami, pagtapos kumain ng agahan nagulat ako dahil...
Pak! videoke at di lang basta videoke.... tinagayan agad kami ng beer. Homayst! Parang bata pa ako para maging isang sunog baga. Chut!
Heto ang malalang eksena...
Ang duet. At feel na feel namin ang kantang pagbigyan muli ni Erik Santos. Sabi ko alalayan ko lang si Erin pero it turn out na talagang duet sya. Oha!
Pagtapos ng 3 oras na makapatid litid at ngalngalan sa microphone ay sumuko na kami dahil boses gremlin na kami kaya nag pasya na kaming maligo at mag-gayak pabalik ng Manila.
Dumaan muna kami sa SM Pampanga para kumain at magkape. Pasado alas-ocho na ng sumakay kami sa bus pa-Manila. Mag-a-alas diyes na ako ng dumating sa bahay at dahil sa di pa naman ako inaantok ay nagdesisyon na akong ikwento ang pagdayo ko sa lugar ang nila Kevin.
THANKS! THANKS! THANKS!
-- Ang isa sa pinakapaborito kong blogger, si Sir Mots.
(Sir ito lang po yung pics na nakuha ko sa google+ mo ehehe, kahit mejo malusog ka sa peg na ito. gwapo ka pa rin naman kaya dont worry.. Apir!)
-- Si Jo-mar na naengganyo na gumawa din ng blog dahil na rin ata sa akin???? di ako sure eh.
(salamat sa pagmensyen mo ng pangalan ko sa blog mo.)
-- Si Sir Denggoy. Sir tinry ko po kumuha ng pic na mas malaki dito pero ito lang yung nakuha ko. Tinry ko i-edit pero lumabo yung pic eh sorry po huhu
( Salamat po Sir and enjoy po sa pagtambay. )
-- At si Sir Thirdy, wala po akong nakuhang pic nya na may muka... ang tanging nakuha ko lang ay ang asteg nyang tatoo :)
(Angas ng dregen ehehe)
Marami pong solomot sa inyo at sana po ang nageenjoy kayo kahit uber slight lungst..
Di sana ganun ka stressful ang week na ito para sa lahat... God bless :)
- It's my opinion... so? -
ey, rix, cool one. hahaha. kse andito ako. lols. alak pa!
ReplyDeletedi ko na kaya Sir! humihilab ng malala ang sikmura ko ahaha.
DeleteAy wala ako T.T joke lang. Asumming! Talagang nakared ang bday boy. nice staff. Namimissko yung ganyang gimik with barkada. :)
ReplyDeleteSir archie nagthanks naman ako nung naging tambay ka na rin sa asylum ko, yun nga lang ngayon ko lang kasi naisip ang gimik na ganyan hihihi... Masaya kaya lalo na pag ubod ng kulit ang mga kasama mo hihihi.
Deletemahilig ka rin pala magvideoke? hobby ko yan eh frustrated singer kasi ako...hehe
ReplyDeleteahaha Pinky kapag trip ko mangaway ng kapitbahay yan ng ginagawa ko ahaha.. mahilig ako kumanta pero LQ kami ng mga kanta..
DeleteSige. Mang-inggit ka pa! at kayo! Hahahahaha. I'll update and change my blog na din soon. Tagal ko nang di binibisita kasi..
ReplyDeleteNyahahaha, tinext kita kasi, di ko naman naalala na nawala mo nga pala yung phone mo dapat isasabay na kita eh. sige update mo kami ni Erin.
Deleteteh pwede kitang idemanda under cyber law kinembot.... naipost ang peg ko ng walang paalam????
ReplyDeletelels
good job teh....
pig-a pig-a pa ng creative juices!!!
*siyarowth*
nyahahaha wak po teh fish na po tayou :). di ko makita yung bagong entry mo.
Deletehongtobo ko dito! lol
ReplyDeleteehehe nung time po kasi na pinost ko ito di ko nakita yung entry nyo na may pic ka nung college ka pa po sana yun pala kinuha ko :D
Delete