Monday, October 22, 2012

Ninong?



11:41pm (sok)

Nakausap ko ang isang kaibigan ko ay sinabi nya na gagawin nya daw akong ninong ng anak nya sa Pasko. Madadagdagan nanaman ako ng inaanak, at dahil dyan nag-abiso na ako sa mga close kong kaibigan na kapagkukunin nila akong ninong ay may mga requirements na ako (yung simbahan nga may mga requirements din eh di ako din):

1) NSO copy of birth certificate
2) 2 Valid government issued IDs (company ID, SSS IDs, GSIS ID, PRC License, Passport, etc)
3) Proof of billing (Meralco bill, Telephone bill, Credit Card Statement, MWSS/Maynilad water bill)
4) NBI Certificate
5) Police Clerance
6) Baranggay Clerance
7) Picture (ebidensya na close talaga tayo para maging ninong ako ng anak mo)
8) Mirrage Certificate (mahirap na baka ako pa maging instant tatay ng anak nyo hihihi)
9) Essay na nagsasabi kung bakit dapat akong maging ninong ng anak mo (250 words, size12, tahoma font, legal size bond paper with margin)
10) Lakipan ng any proof of purchase ng kahit anong products ng participating sponsors:

a) 3 tsupon ng mimiflow feeding bottle.
b) 5 empty wrapper ng pampers any size.
c) 2 resibo ng BonaKid milk.
d) 1 Bote ng Gerber.
e) 4 na dropper ng Tikitiki

Ihulog lamang sa tapat ng bahay, bahala na si Paping doon hihihi.

Maraming salamat!

----> Dahil wala pa akong pahinga at pagod pa ako, isang entry nanaman na puno ng kalokohan ang nagawa ko.

----> Bukas na ako mag kkwento ng nagyari sa birthday ko.

---> Ingat po ang lahat, God Bless us..


- It's my opinion... so? -

4 comments:

  1. Grabe naman sa requirement.. parang valid ID lang sa banko. Pwede naman sabihin na wag nalang magninong. bday mo pala ? :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha. yep nung Saturday po, kaya po ako naka halfday sa work :)

      Delete
  2. ang konti ng requirements. sana sinamahan mo na din ng parental consent, kung papayagan ka ng magulang mo na maging ninong ka nga. hehe. Belated happy bday!!! ;)

    ReplyDelete

hansaveh mo?