Tuesday, October 23, 2012

Sintang Paaralan...

5:40pm (sok)

"kami ay dumating ng salat sa yaman, hanap na dunong ay iyong alay"

Iyan ay galing sa linya ng hymn ng unibersidad na pinanggalingan ko, ang Polytechnic University of the Philippines.

Di kami nakakaluwag sa buhay kaya ang pag pasok namin ni Diko sa kolehiyo ay isang sakit sa ulo sa mga magulang ko. Idagdag mo pa ang pagaaral ni Bunso na nasa private school.

Gusto ko sana sa Manila pumasok ng kolehiyo pero ginawa namin ng magulang ko ang lahat ng magagawa namin para makapasok ako sa PUP dahil apat na kandirit at 3 cartwheel lang sa bahay ang paaralang ito, inshort ubod ng lapit.

Kinumpara ko ang matrikula ng PUP laban sa matrikula ng mga kamag-aral ko nung high school at sobrang layo ng distansya ng matrikula ko sa kanila. Libo libo ang sa kanila samantalang sa akin at daan daan lang ang usapan.

Dahil sa naging aktibo ako sa pag-sali sa mga organisasyon sa loob ng unibersidad gaya ng PUP Dance Troupe sa loob ng 4 na taon (dati po talaga eh sumasayaw ako, pero matagal na yun... utang na loob hihi), naging staff ng student council ng isang taon, sumali sa Teatro (opo nag theater ako pero lumabas ako sa isang play lang. Ibinigay ko na ang opportunity sa mga bagong member after a year at naging taga-pamalita ng organisasyon ng 2 taon) ay nabigyan ako ng oportunidad na makakuha ng tulong pinansyal sa aking matrikula.

Dahil sa pinagsumikapan ko rin na di bumagsak sa mga subjects ko (Isa lang po ang 3 na grade ko (pasang awa) nung college at iyon ay Taxation nung freshman pa lang ako ahaha) ay na meynteyn ko ang general weighted average na requirement para sa financial assistance kaya naman sobrang laki ng tulong sa amin na P21.00 lang ang naging matrikula ko kada semester sa loob ng 3 taon. Opo, twenty one pesos only ehehe.

Di naman nagpapahuli ang paaralan namin sa mga academic na competition dahil naguuwi din naman ang mga participants namin ng karangalan at karamihan sa mga kakilala ko na produkto ng university namin ay matagumpay. Isa pa sa spirit ng isang PUP-ian na ikinatutuwa ko ay kahit saan mo makasalubong ang taga-PUP at nalaman nila na wala ka pang work ay sila mismo ang nagbibigay ng contact number nila para tulungan kang makapasok sa trabaho na naranasan ko nung nagsisimula pa lang akong i-establish ang carrer ko.

Nakakatuwang malaman na ang unibersidad na nagbigay sa akin ng dunong (meron nga ba? puro kalokohan ang alam ko eh... tyarls!) ay kabilang sa "Top 20 schools in the Philippines".

Sabi nila na ang kahulugan daw ng PUP ay pekeng UP, wala akong pakialam sa sinasabi ng mga paaralang iyon dahil sa may pruweba na kami na di nagpapakabog ang PUP sa ibang unibersidad hihihi.

(Pang 15 nga kami pero come on, yung ibang school pareho lang magkaiba lang ng lugar di ba? hehehe)

At ayan na, ang PRC at Ched na ang humatol sa dapat hatulan. Dapat magkaroon ulit ng human rainbow at kabugin ang unang record natin sa Guinness world records nyahahaha.

God Bless everyone!

- It's my opinion... so? -

11 comments:

  1. andun ka ba sa largest human rainbow? andun din ako eh..oi teka bat di mo nabanggit kung anong course mo?.. buti ka pa isa lang ang tres ako kasi 3 eh..pero may uno ako haha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinky sa totoo lang may pasok ako nun kaya di ako nakapunta, kung magkakaroon ulit noon sisiguraduhin ko na pupunta na talaga ako. Nagchewit kaya ako hihi, Bus Admin ako. Di pwede magka tres mawawala ang financial aid ko ehehe, ako din may mga uno, dahil dyan Apir!

      Delete
    2. Nandun din ako sa human rainbow :) hahaha lol

      Delete
    3. Kayo na ang matataas ang grade. Ako may binagsak ako. As in singko. Pero dahil dun naranasan ko lahat ng uri ng pagiging studyante. yung bumagsak. lol #Pinagmalaki pa.

      Delete
    4. ay sayang naman rix wala ka sa human rainbow :P

      @archieviner apir tau sa uno sa P.E. hahaha!

      Delete
    5. @Sir archie keri lang kahit may bagsak ang importante grumadweyt ka hihi. In-faiview naman sa akin kahit major na subject eh nakakakuha din naman ako ng 1 kaya kahit paano talo talo na din.

      @Pinky sa restaurant pa ako nagwo-work nun ang di nataon sa restday ko yung event huhu.

      Delete
  2. buti nga school mo anjan sa list. hinanap ko school ko wla eh. lols. ambait mo palang student :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sir thirdy nyahaha. di rin pasaway din ako di lang halata.

      Delete
  3. huwaw! congrats sa ating sintang paaralan. Kabisado mo pang yung hym? ako di na. hehe.
    I'm proud to be PUPian :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Go PUP! hehehe

      Sintang Paaralan tanglaw ka ng bayan
      Pandayan ng isip ng kabataan.
      Kami ay dumating ng salat sa yaman
      Hanap na dunong ay iyong alay.

      Gagamitin ang karunungan mula sayo
      para sa bayan
      ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
      PUP aming gabay
      Paaralang dakila
      PUP pinagpala.

      --> di ko pwedeng di masaulo yan, kada may pagtatanghal ang teatro dapat kantahin muna yan pagtapos ng Pambansang awit.

      Delete

hansaveh mo?