Monday, October 22, 2012

Mahaba habang Celebration!

2:23pm (sok)

Friday pa lang ng gabi ay nagusap na kami nila Paping at Bunso sa mga gagawin namin sa Sabado. Sa sleeping quarters ako ng opisina matutulog dahil sa nagpa-slide shif, half day ako at 3:30 ng umaga ang sinula ng shift ko.

Ok naman ang lahat ng inaasahan ko sa shift ko at di ko pa ineexpect na nameet ko yung case count ko sa regular ko na shift. Di ko ipinapaalam sa mga katrabaho ko na birthday ko dahil nga sa mas gusto ko na secret lang ito (ewan ko ba? pero simula pa noon ay di ko ugali ipagkalat ang birthday ko). Nagulat na lang ako ng matapos ang shift ko at nag paalam sa TL ko na uuwi na ako ay binati nya ako ng ubod ng lakas kaya kinantahan ako ng mga tao sa paligid namin, yung traditional birthday song ng account namin na happy birthday to the tune of ave maria. Matapos ko magpasalamat ay lumabas na ako at nagmadaling umuwi.

Di ako binati ni Paping pero deads lang anticipated ko nanaman kasi na casual lang sa amin iyo. Sakto ang pagbaba ni Bunso at binati ako sa kaarawan ko nang maalala ni Paping ay niyakap nya ako at binati din sa kaarawan ko (parang eksena lang sa teleserye, tyarls!).

Nagayos at naglinis muna kami ng mini mini sa bahay bago kami naggayak para pumunta sa mall at kumain sa "eight hall you can" ngunit pagdating namin sa G5, ay sarado at nakapull out ang restaurant na kakainan namin huhu.. Peyld ang flans namin! Nagtanong na lang ako kung saan nila gusto kumain. Napadaan kami bigla sa food court ng Glorietta habang nagiisip, dahil sa di naman mahirap i-please at simpleng tanghalian lang naman ang gusto ni Paping at Bunso ay nagpasya na sila na maghanap na lang ng kakainan dun (kahit na gusto ko sana ay sa medyo bunggacious na resto kami kumain). Cozy ang Lugar na napwestuhan namin may couch sya na parang sa restaurant din ang style.

Pinapili ko sila kung saan at ano ang gusto nila kainin, Nanalo ang World of Chicken. Sabi ni Paping babalik na sya sa upuan dahil baka may kumuha kaya kami na lang ni Bunso ang nagdeside ng kakainin namin.

Nang makaorder na ay bumili kami ng inumin sa Gong Cha at mini Sanrival na Cake sa Mary Grace...


(Sa ganitong peg lang ay solve na si Paping at Bunso)

After kumain ay nagikot ikot kami sa mall dahil sa matagal na rin namang di nakakapag libot sa mall ang dalawa at naghanap na rin kami ng anti-virus para sa malalang tama ko sa utak, charut! syempre sa laugh tough namin ni Bunso.

Maynakita akong stuff toy, ang hasteg nya gusto ko yun ito sya oh..


Hanggang dibdib ko sya at napaka flofffyyyyyy! hihihi.. di naman ako mahilig sa stuff toy pero na-amaze lang ako sa kanya kasi ang laki ng bear na ito.

Natapos na kaming makapagbonding, nanood ng palabas sa activity area ng mall, window shop, nakabili ng anti-virus at more kwentuhan. Balak sana namin manood ng sine pero di nila bet ang mga palabas. Tyusi! nyahaha. Nagpasya na lang kami magkape.

(si Paping while reading nus pepper at pa sip-sip ng frap, kunan ko daw sya ng pic para gawing DP sa fesbuk)

Sakto ala-sinco ng hapon ng dumating kami sa bahay at nabasa ang text ni Erin sa akin. Celeb daw ng bornday ko punta daw ako. Di na sana ako pupunta kaso lang baka magtampo si Erin, pinayagan naman ako ni Paping kaya nagpalit lang ako ng damit at umalis na rin.

Alas nuwebe na ng umalis kami sa Starbucks Araneta para pumunta sa bahay nila Alvin (yung kasama nain sa Pampanga) dun daw kami mag house party sa kanila. Bago ako umalis at binigay sa akin ni Erin ang regalo nyang cake. hongsweet talaga ng kaibigan ko nyahahaha.

Dahil na rin sa pagod ko sa byahe at ginawa ko ng maghapon ay di tumagal ang powers ko sa celebration na iyon dahil pagpatak ng alas dos ng umaga ay kusang nag auto shutdown ang katawan ko (buti nakapwesto ako agad sa kutson). Alas-otcho na ako gumising di ko alam kung ano pa ang ginagawa namin at 10 pa kami umalis kila Alvin. Pagdating sa kanto ay kanya kanya pa silang hithitan ng yosi hanggang sa magyaya pa si Erin mag goto at ito pa ang huli naming ginawa..


Nagpiktyure taker pa sila para daw may remember. Nasa byahe pa lang ako pauwi ay panay na rin ang text sa akin ni Toffe ang ka-officemate ko dahil may movie gimik din kami ng araw na iyon. Sa totoo lang kahit may tulog ako nun eh parang lumulutang pa ang utak kong sabaw. Pinaguusapan nila sa group text kung ako ang panonoorin dahil sa parang ayaw na daw nila panoorin ang Tiktik kaya ang ending eh This guy is inlove with you mare na lang daw ang panoorin para laugh trip. Ok lang naman sa akin kung ano panoorin, ayoko na rin kasi mag-isip kasi nga di pwede sa akin iyon kasi wala naman talaga akong isip bwahaha.

Enjoy ang movie na iyon sobra, pakiramdam ko nga eh nagkakabag ako sa katatawa. Medyo madaming tao sa labas ng ticket are nung lumabas ng cinema 2. May premier night pala, yung Movie nila Derek, Gabby at ni Anne yung kabit uli ang tema... Nakipagsiksikan lang muna kami ng kaunti after noon ay naghanap na kami ng kakainan.

Giligans G5 ang bagsak namin, marami kasing tao sa halos lahat ng parte ng Glorietta 1,2,3 at 4. Habang kumakain eh nirerecall namin ang masasayang linya at eksena sa pelikula.


(Kami ang Team A)


(Sila ang Team B)

Nasa 2 picture si Toffe sya naman daw ang referee. Kems! After kumain ay nag-usap muna sila kung saan ang sunod na thumbling nila. Di ko na yata kayang sumugod pa kung saan sila dadalhin ng mga paa nila pero di na talaga kaya ng katawang lupa ko ang makipagsabayan sa mga chakra nila kaya nagsabi na rin ako na di na ka makakasama sa kanila.

Nagpaalaman na kami ng makalabas ng G5. Kung kaya pa siguro ng katawan ko eh malamang extended ang kwento na ito hanggang sa pagvi-videoke na kasama sila hehehe.

Bago ko tapusin ng entry na ito... Salamat po sa bagong kampon ng baliw na si Rix... Welcome po sa asslum Cynon :).

Have a safe week everyone at sana ngayong week magkaroon ako ng weekend talaga ng makapagpahinga na ako.


- It's my opinion... so? -

7 comments:

  1. aw bet na bet ko ang world of chicken favorite ko jan yung asian chuva nila sarap.. at nakakatuwa naman si Paping nagpe-fesbuk talaga?hehehe..

    i've seen this guys in love with mare at ang dami ko ring tawa hahaha..

    happy birthday rix..blow out mo naman kami ni archieviner!hehehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pinky, yun yug in-order ko hihi yun at yung pesto ang gusto ko dun. Si paping di pakakabog sa picturan yan lagi magpapapicture yan para gawin dp ahaha. Kinabagan nga ata ako sa movie na yun puro kami tawa ng mga kasama ko. keri lang sa world of chicken nyo ba gusto? sa MOA na lang may sarili silang store dun di tulad sa ibang mall na sa FC lang sila :)

      Delete
    2. sure di naman ako choosy basta libre hahaha... malapit na daw umuwi si Archieviner :P

      Delete
    3. wow kelan yan? nyahahahaha...

      Delete
  2. Nice. Happy birthday kelan naman ang libre namin. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh nasa far far land ka kaya hihihi.... Teka ikaw kaya muna ang mauunang manglibre nyahaha.

      Delete

hansaveh mo?