Friday, October 5, 2012

Malungkot na gunita..

8:24pm (sok)

Gaya ng aming napagkasunduan, pagtapos ng oras ko sa trabaho honda jazz ako at agad agad na lumabas ng building namin. Sa tapat ng aming opisina ay may byahe na ng bus papuntang Baclaran kaya ito na ang route na pinili ko. Almost an hour and a half din ang byahe ko bago marating ang tagpuan namin ni Paping at Bunso.

Wala kaming inaksayang oras, halos nag uunahan kami sa pagtahak sa lugar na dapat naming pinuntahan. Bago pa man kami pumasok sa gate eh halata na namin na hinahanda na ang lugar para sa magiging okasyon sa susunod na buwan. Bumili kami ng kandila ngunit nalugkot ako dahil walang mga bulaklak at sinabi ng nagtitinda na alanganin ang panahon kaya wala silang bulaklak na tinda. Matapos nun ay binagtas na namin ang maliliit na kalye para marating ang pakay namin.

Agad agad ay nilinis namin ang mga dumi sa paligid. Inilatag ko ang mga kandila at sinimulan ko itong sindihan isa isa. Hinawakan ko ang marmol na animo'y dingding na nagpapaalam sa amin na ito ang lugar na hinahanap namin, umusal ako ng dasal. Sa aking panalangin ay binati ko sya. kung kasama namin sya sana ay 59 na taong gulang na sya. nagpasalamat ako sa kanya sa lahat ng sakripisyo nya at pagmamahal.

Nagulat ako dahil may isang batang ipinanganak na di normal na tulad ng iba na lumapit sa amin. Pamilyar ang muka nya dahil paligid ligid lamang sya sa loob ng lugar na iyon, may inabot syang punpong ng mga bulaklak at sinenyasan kami na ilagay na namin ito sa lalagyan.

Natuwa ako dahil sa wakas kahit iba ito sa bulaklak na inaasahan ko na ibigay sa kanya eh kahit paano may bulaklak pa rin na nagbigay ng buhay sa partikular na lugar na ito. Matapos namin ilagay ang bulaklak ay agad na tumalikod ang batang ito at naglakad palayo s amin. Muli ay medyo tahimik kami at naguusap lamang ang mga mata.

Naalala ko na may pakiusap ang Diko namin na nasa ibang bansa, agad ko ulit hinawakan ang marmol at sinabi ang habilin nya. Matapos nito ay nagsabi akong kukuha ako ng kaunting litrato dahil naipangako ko din na kukuha ako ng litrato at ipapadala sa kanya gamit si Watson.

Nagusap muna kami kung kailan kami muling babalik sa lugar na ito, nung naplansta na ang petsa ay nag paalam na kami.

Habang nasa byahe pauwi, dito naging seryoso ang usapan namin ni Diko sa YM (di ko na ma-screenshot kasi biglang naputol ang connection ni Watson). Buong oras na nasa lugar na iyon ay nanatili ako matapang at matatag, Medyo nakaalalay nga lang ako kay Paping dahil sa nakita kong bago kami umalis ay hinawakan niya ulit ang marmol at nakipagusap ng mataimtim. Matapos nun ay nakita kong medyo basa ang mata niya ay medyo basag ang boses nya habang kinakausap kami, subalit di ko rin nakaya dahil habang nasa jeep na kami at binabaybay ang daan pauwi at habang kausap si Diko ay di mapigilang maging basa din ang mata ko at naramdaman ko na lang na may gumuguhit ang tubig galing sa mata ko. Di maiwasan ni Diko ang malungkot sya dahil sa isa itong special na araw para sa mahal nyang magulang pero di namin sya kasama. Bumalik ang pang hihinayang nya at kalungkutan dahil sa wala sya sa tabi nito sa mga panahong kailangan din sya nito.

Di ko maiwasang mas maging malungkot para sa kanya dahil sa tanging boses lang ang naririnig nito sa kanya sa loob ng 1 taon bago ito nagdisisyon na sumuko. Pinipilit ko na pakalmahin sya at ipinaintindi ang sakripisyo ng bawat isa sa amin nung mga panahong binayo kami ng pagsubok na di ko ata makakalimutan.

Di ako ang sinungaling kay Diko, sinabi ko sa kanya na nalulunod ang mga mata ko sa luha at umaagos ang mga sobrang tubig sa mga ito. Alam kong nakita ako ni Paping kaya naman umiiwas din sya ng tingin sa akin dahil alam nya na baka di nya rin mapigil ang sarili nya (ang akward lang, sa dami lang lugar sa jeep pa na may mga pasahero).

Nang nasa bus na kami ay nag desisyon si Paping na pumunta sa isang pucho puchong restaurant para magpaluto ng pansit malabon, kami naman ni Bunso ay pumunta ng convenient store para bumili ng inumin.

Tahimik naming pinagsluhan ng handa sa birthday ni Mama. Malungkot dahil sa birthday nya nagyon pero wala sya para kasama naming ipagdiwang ang special nyang araw. Iniwan na nya kami. Kung kasama pa namin sya, malamang ay nakiki-comment din sya sa pagkaing ninakain namin. Nakikipag kulitan at nakikipag tawanan.

Kahit wala na sya ay napagdesisyunan namin ang ipagdidiwang pa din namin ito kahit ano mang mangyari. Sa totoo lang ay may pagdiriwang talaga na nakalaan para sa kanya sa Linggo at isasabay na sa silebrasyon ng kaarawan ni Bunso.

Namimiss ko na si Mama, sana magparamdam sya o makausap ko sya kahit sa panaginip lang.


( di ko maintindihan kung bakit 7 candles lagi ang binibili namin basta daw may nagsabi, kaya ayan)



( ito na ang itsura ng condo ni Mama kasama ang bulaklak na bigay sa amin ng bata)


(kahit hagard na kami ume-emot pa rin sa peg)


(ang pinaghati-hatian namin sa birthday ni Mama) 

P.S.

Happy Teacher's day sa lahat ng Guro na maaring makabasa nito, dahil kasabay ng teacher's day ay ang birthday ni Mama.

Wag nyo rin kalimutang pasalamatan ang mga Nanay nyo dahil sila ang pinakaunang naging Maestra natin..


- It's my opinion... so? -

10 comments:

  1. Happy birthday sa mama mo :)bakit nga ba 7 candles? gusto mo parin talagang magparamdam sya? hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ser Srchie di ko rin maintindihan, nagtanong naman ako ang sagot sa akin "sabi nila" kaya natanong ulit ako kung sino si "nila" di rin ako sinagot kaya di ko na sila kinulit. Uu ser kung gusto ba ni mama bakit hindi ahaha, wierd noh?

      Delete
  2. makikibati na rin ako... naalala ko tuloy.. sa amin tatlong kandila.. hindi ko alam kung bakit....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sir Jon, wierd noh? sabi din nila yun noh? nakita nyo na po ba si nila? kems

      Delete

hansaveh mo?