"Ay! sya ba yun? naku... "
Yan ang una kong comment ng malaman ko na si Toffee Dator ang magiging mentor ko at ng ka-wave ko sa account ko ngayon... aktwali medyo sarkastik ang pagkakasabi ko hihihi, masungit kasi ang dating sa akin.
(heto ang peg nya)
Halos dalawang linggo din syang nag assist at nag monitor sa mga trabaho namin at nag evaluate kung papasa kami ng gradbay. Dahil me tinatago namang galing si water eh pasok sa banga ang peg ko kaya inembrace ako ng hover hardest level... (teka hard daw??? ano yun??? charuts!).
Dahil sa nagsisimula pa lang kami at totoong nganga kami a floor, sobrang na-appreciate ko nung isinend nya sa email namin yung mga canned notes na ginagamit namin para sagutin ang mga inquiry ng mga requestor namin, ang effect eh, edit edit ng notes para mag mukang kami ang gumawa at magmukang sobrang teki sa trabaho namin kahit na sa totoo lang di madigest ng kakarampot kung utak ang mga kaganapan. Pero deadma lang kasi kinlaim ko naman na magiging magaling din ako nyahahaha lakas noh?
Magaling at mabilis magtrabaho ng cases si Toffee madalas nga nage-endorse ako ng case sa kanya yung mga mahirap at di ko na kaya gawin at be four eye nose eat... tapos na ang case na inindorse ko... hong goleng da buh???? Eventually di na rin ako nagpapakabog sa kanya kasi mabilis na rin ako magprocess ng mga cases :).
Mas naging kasundo ko si Toffee dahil sa naging participants kami sa recreation event ng account namin. Ang peg ng event..... GLEE! o di ba di ako nakatakas sa sayaw sayaw at kanta kanta na eksema? Kumanta kanta pa ako dun sintunado naman tapos may part na sayaw sayaw kami pero in all fairview kami ang umuwing wagi. Nasundan pa ito ng isa pang recreational event na sinabay sa Christmas Farty. Um-Adele naman kami sa pagkakataong ito. After ng "Crawling in the deep" (parang may mali sa tittle) ay uminterpritative dance keme kami ng "Someone like you" ang ending kami pa rin ang wagi....
Doon ko na laman na may pagkamaldito sya sa mga di nya ka-close ngunit, subalit datapwat kapag naging ka-close ka naman nya ay very supportive naman.
Last kwarter ng taon nang maging ka-teammate namin sya dahil ang queue na sinusopport nya ay hawak ng aming nagiisa at walang katulad na bisor ahaha (Toffee alam mo na ang ibig ko sabihin hihihi). Mas naging close kami kasama ng mga teammate namin dahil parang iisa lang ang iniisip namin at parang magka utotang dila lang (eww ng term noh?).
Henny waist! dumating ang sobrang laking break sa kanya, nakapasa sya sa pagiging school admin sa.... Malay mo, Malay ko, Malay nya, Malay nating lahat...... Malaysia. Ngayon ay nakaterminal leave sya at ini-enjoy ang bakasyon nya bago lumipad papuntang Johor, Malaysia (san ka kumuha ng pakpak? nakuha mo ba yan nung nanood ka ng tiktik? yung totoo? ahaha).
Toffee, ang maliit na espasyo ng blog ko na ito ay ang regalo ko sayo. Nagbigay ng regalo sa iyo yung iba nating teammate ako wala, at dahil sa paminsan-minsan ay sinisilip mo rin ang asylum ko, ay naglaan na rin lang ako ng isang pahina nito gaya ng pangako ko na bago ka umalis ay magpapasalamat ako sayo sa mga tulong na binigay mo sa akin bilang isang kaibigan at mentor sa account natin. Galingan mo doon at pagbalik mo ng Pinas, tagay tagay din ha nyahahaha...
Hinihintay ka na ng bago mong opisina....
(scroll down.....)
Tuloy ka na, hinihintay na nya na maupo ka.......
Ahahahaha kala mo seryoso noh? di ka pa nasanay sa akin... :)
Bago ko tapusin ang entry na ito, gusto ko na rin pong isingit ang pasasalamat sa bagong tambay sa asylum ni Rix, Maraming salamat po sir JonDmur
Maulan nanaman, ingat ingat po ang lahat at God bless!
- It's my opinion... so? -
napangiti naman ako sa bagong opisina.. okay ang trono pwede ng upuan hehehe kala ko seryoso na hehehe
ReplyDeleteWelcome din ^___^
Naku po medyo masanay ka na po sir, dahil baliw po yung may ari ng blog eh madalas may twist ang mga entry hiihi..
Deletemay say ang istura ni tofee ah..hindi ba sya beki?hehe...
ReplyDeletePinky si toffee po ay you know na ehehe. inakma ko ang blog na ito sa kanya hihihi.
DeleteOmg!!!! Naiyak ako at natawa ng bunggang bungga!!! Rix, salamat te! Hinding hindi kita mkakalimutan, isang malaking achievement para sakin na gawan ako ng blog na nagmumula sa iyong katalinuhan. Maraming salamat.. Isa ka sa mga mahal at best of friends ko na sumusuporta sa mga gusto at pagiging pasaway ko.. Dadalhin ko to sa Malaysia. Hangad ko rin ang iyong katagumpayan sa iyong buhay.maraming salamat kapatid.. Mabuhay ka! - Toffee
ReplyDeletearti mo ha! ehehe antayin namin nila bino, marj, ton, edmund, macko, sean, gelo, agot, yno. pagdating na pagdating mo ng airport tagay agad yahoooo!!!!
DeleteI smell something fishy. Joke lang :P Kakatuwa mga terms mo. Iyan naba ang sinasabi mo sakin? Goodluck sa kay Toffee :)
ReplyDeleteay sorry po sir, meat section po ito, nasa kanan po ang fish section nyahahaha. yep, new and creative terms po ehehe. papasabi ko po sa kanya.
Deletenagalak at naaliw ako sa bawat salita na binigkas. sadyang pinag-aralan at pinag-isipan ang mga salitang binitawan. isang matalinhagang pagkakadisenyo at pagkakaayos ng artikulo.
ReplyDeleteisa lang ang aking maibabahagi, ang manunulat ay sadyang dalubhasa at ang nababanggit sa artikulo ay kay hirap mawaglit sa isipan.... toffee ang iyong pangalan, hayaan mong mapaglingkuran ka ng habang buhay :)
lubos at mapagkumbaba ko pong ipinagpapasalamat ang pag-a-abala nyo ng munti ninyong oras sa munting espasyo na ipinagkaloob sa akin ng mundo ng teknolohiya upang mag pabatid ng pasasalamat sa isang kaibigan. Ikinalulugod ng inyong abang lingkod na naibigan ninyo ang payak na akdang ito. Lubos ang pasasalamat ko.
Delete