Di maganda ang gising ko kanina, late na kasi ako nakauwi kagabi dahil pinuntahan namin ang isang kaibigan na dinala ang sarili nya sa Manila Adventist Hospital sa Pasay City para magpa-confine dahil sa may dengue sya... Tama po kayo sa nabasa nyo, dinala nya ang sarili nya sa hospital.
Walang immediate na member ng pamilya si Jed sa Manila kaya bukod sa mga housemate ay mga officemate at mga marami raming kaibigan lang ang meron sya dito.
( yung naka-pula si Jed, yung nasa tapat ko eh kilala nyo na siguro hehe )
Buhat ng bumalik ako galing sa out of town gala namin sa Pampangga eh halos wala pa akong matinong tulog kaya nga bukod sa muka na akong haggard eh pakiramdam ko ay sooner or later ay magkakasakit na ako...(wak naman po huhuhu, crossfingers pati sa paa).
Di ako pwede magkasakit ngayong linggo na ito lalo na sa Sa-beer-day (yun ang bornday ko), Ayokong di matuloy ang plano namin ni Paping at Bunso. Kakain pa kami sa "eight hall you ken" kesehodang masira ang diet ko, next week na lang ulit ako mag trim down ng timbang ahaha hongtokow lungs. After nun ay maghapon na bonding sa kanila.
Sa Linggo naman ay nag nagyaya ang iba kong mga kaopisina na manood ng pelikula at wait but wait, di kinaya ng mga baby fats ko at napundi agad ang bumbilya ng left aorta ko (wow! porong motolino lungs eh wala namang saksakan ng bumbilya sa ugat) sa gusto nilang panoorin, "Tiktik, the aswang chronicles"... Omeygas! bakit iyon? Fan naman ako ng mga horror na palabas pero yung poster pa lang ng pelikula ang nakita ko eh wala na syang dating sa akin (sorry sa mga fans ni dingdong, peas po). Mukang mapapasubo ang 200 pesos ko, pero "TING!"mang-aasar na lang ako sa kanila sa buong movie para masulit ko yung binayad ko. Ang ebil lungs ng plen hihihi.
Sa Lunes naman ay naka schedule ang reunion ng barkada ko nung college dahil darating ang kaibigan namin na nagttrabaho sa........ sing ka, sing ako, sing sila, sing tayong lahat......Singapore! 5 araw lang daw ang leave nya kaya sobrang jampack ang lahat ng gagawin nya sa 5 araw.
Makapag pahinga pa kaya ako ng maayos neto? hong hogordenia lungs.... Kala mo umaartista sa listahan ng commitment at schedule. Pero seryoso gusto kong maging oso kahit isang araw lang na walang gagawin kung di matulog pagtaglamig... Teka? kasing katawan naman ako ng oso tapos malamig na ang panahon, eh di GO! matutulog na ako..... ZZZzzzZZZzzzZZZzzz!!!!....
Teka bago ko po ituloy ang tulog ko, mag ingat po ang lahat at sana ay may enough kayong pahinga... Mahal magkasakit sabi nga ng komersyel *winx*.
God Bless sa lahat!
- It's my opinion... so? -
ang daming ganap ah..ikaw na ang artistahin! go lang ng go sabi ng globe...
ReplyDeletehihihi ikaw kaya ang madami ganap,:) musta na si beyken?
Deletemura lng pahinga .. pero pag star ka mhirap yan .. kaw n madming commitments
ReplyDeletehihi Sir Kulapitot saan po na kakabili nun? ewan ba nagkasabaysabay pa sila huhu.
DeleteKamusta na ang friend mo? Ayos naba sya. Ikaw na bumibusy. Maganda ba yung tiktik?
ReplyDeleteang huling balita namin ay bumaba ulit yung platelets nya.. Mejo nga po Sir hihi. Di ko pa na papanood sa Sunday pa kasama ng mga kawork ko :) ichewt ko sayo if maganda hihihi.
Delete