Wednesday, December 26, 2012

Ang bisita galing kumbento...

5:58 pm (sok)

Yeast! its a gloomy and cold day dahil sa umuulan-ulan metro... pero kebs lang yan sa aming bisita na galing sa isang kumbento sa Cavite...

Taon taon ay binibigyan ang isang araw na bakasyon ang mga madre ang Jesus Good Shepherd at madalas ay natataon ito isang araw pagtapos ng Pasko. Ito din ang isang araw na madalas ay pinaghahandaan namin sa bahay dahil ito din ang araw na bibisita ang kapatid ko sa amin... Opo, may kapatid akong nun katulad ng sinabi ko noon sa entry kong And its about me..

At ito sya kasama si Paping na wala sa mood magpakuha ng piktiyur...


(di ba magkakahawig ang mata namin... "kung hei fat choi!")


Kahit busy sya sa mga gawain, pagtuturo sa school na pinamamahalaan ng kumbento nila at sa pagaaral nya (ang alam ko candidate sya sa Cum Laude ng deeper na course ng Theology ) eh nagawa nya pa ring tapusin ito on time para naman magkaroon ng dagdag na mga pang sabit sa dingding ng barong barong namin hihihi...


(nung unang tingin ko kala ko punggok yung paa nya hihihi)


Ang ninong naman ni ate ay nagpadala ng isang malaking sarili nyang litrato bilang souvenir noong nagpunta sya sa College of Cardinals sa Rome, Italy noong November.


(si Cardinal Luis Antonio Tagle ang ninong ni Ate)


(ang regalo ni ate sa akin hihihi)


(ang regalo nya naman sa amin, isang buong taon na guide sa lingguhang misa)

Bago ko po tapusin ang entry na ito ay magpapasalamat po muna sa sa mga sponsors, charut lungs.... Salamat po Lala ng Captured Realities para sa pic greet hihihi...


(thank you sooooooooooooooo muchhhhhhh!!!! hihihi)


At ang pinaka hot na pic greet sa funpage ng PBO.... salamat kay Pao Kun ng To infinity and beyond! Pangkalawakan! para sa ma-effort na pic na ito


(salamat sa paglagay mo ng nakakatawa kong pic... Apir!!!)


Almost 2 weeks na lang ay gaganapin na ang kauna-unahang outreach ng PBO. Sa lahat po ng nagsabi na tutulong at mag vo-volunteer... kita kits po tayo. 


- God Bless Everyone -

43 comments:

  1. you are av very funny man. Salamat at pinatawa mo ako sa post na eto. Anyway, nice seeing your family:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku walang ano man po yun Ms. Joy... Mas maganda na po siguro ang nagpapatawa para po good vibes.. Amen!! hihi..

      Delete
  2. Ang sweet ng sis mong madre. Simple pero ang regalo niya siguro ang pinakamhalaga sa mga natanggap mo, syempre pinaghrapan ni Ate. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama, actually pareho kami maeffort nyan. Gumagawa pa nga ng welcome banner yan at nilalagay sa dingding ng bahay kahit na ang darating sa amin ay sa probinsya lang hihihi...

      Delete
  3. Hala ka rix madre pala ate mo. Umayos ka. Hehehe. Nakaka aliw ka mag kwento. Hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Daddy cool maayos naman po ako *pa-good boy effect*. Thanks at naaaliw ka po ehehe.

      Delete
  4. Ay may madre kang kapatid? Pero bakit ang sama-sama mo. dyuk?

    Kudos kay Ate :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayan tayo Archie eh, may amnesia? nag cowmens ka kaya sa entry ko nun... bleeeh!

      Delete
    2. Natawa ko dito sa comment mo sir Arvin! HAHAH! (as always)

      Delete
    3. halata, all caps tawa mo eh...

      Delete
    4. lol! "sama-sama" kaagad? hindi po ba pwdeng "sama" lang muna? :D dyukpiz!

      Delete
    5. mga loko-loko talaga kayo...

      Delete
    6. hindi ba pwedeng "loko" lang?

      Delete
    7. hindi pwede, dapat lagi redundant nyahahaha

      Delete
  5. Ay ang saya talaga ng reunion ng family pag Pasko! Akalain mong may sis kang madre, hindi halata sayo ah? Haha, joke lang.. Sweet ni ate mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi di lang po ikaw ang na-weirdan dyan hihi. kahit si Arline nagulat eh ahahaha.

      Delete
  6. saya naman nga may madre na sister..buti ako wala kung hindi baka inexorcise na ako, mukha kasi ako laging may sapi. anyways nice that you get to spend a day with her :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. masaya na mahirap... pero kebs lang ahaha..

      Delete
  7. Anong ibig sabihin ng kebs rix? :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Daddy Cool ang ibig sabihin ng kebs is deadma or wapakels... magkakamag-anak po ang mga slang terms na yan hihihi....

      Delete
    2. Ohh. Diba. Natanong ko din yan. San ba kasi galing yan. HAHAHAH!

      Delete
    3. eh di sa kalsada. Slang terms nga eh bleeehhh!

      Delete
  8. Oh, at talagang binabasa ko pati comments ng iba. HAHAH! Chismoso kasi. HAHAHAH!

    Ako walang masabi kundi welcome!

    At natuwa ako sa caption mo sa dad mo ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. saan doon? sa wala sa mood o sa kung hei fat choi? nyahahaha...

      Delete
  9. hang sweet at nakakatuwa naman....

    kaya pala ang bait bait mo ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Jon sana nag-DM ka na lang sa akin nyahahaha.

      Delete
  10. You are lucky to have a sister like her... sweet...

    It runs in the family pala ang sweetness sa inyo except sa pilit na smile ng iyong Paping.

    Happy Holidays!

    ReplyDelete
    Replies
    1. di daw kasi bet ni paping yung shirt nya pero yan ang nadampot ni Bunso at pinagmadali sya magbihis...

      Delete
    2. So alam na....dapat next time, let him choose his own wardrobe...

      Delete
  11. Ang tanong, bakit hindi ka nagpare rix? hahaha.... XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibang level na devotion ang kailangan mo sa kumbento... di ako pasado sa screening pa lang nyahahahaha.

      Delete
  12. Iba talaga ang atmosphere kapag may madre sa paligid, ang swerte mo naman parekoy at may kapatid kang madre--- napaka bless ng family ninyo.

    Mag pari ka na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yun din ang sabi ng mga nakakasabay namin kapagnagsimba na kasama namin sya, na sweter daw dahil sa malapit ang mga prayers namin sa taas dahil may tulay daw kami. Mahirap mag Pari parekoy, sa surendering of youself to him screening pa lang baka bagsak na ako hihihi.

      Delete
  13. wow swerte mo may sis ka na madre,
    at ninong pa nya si cardinal tagle ha.

    nice ung gift ng ate mo sana magamit mo yan every night

    need ko na ipost yung mga natanggap kong ecard!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ehehe mas gusto ko yung gift nya na arm band sa akin na may 7 na tupa nung 2010.. si Cardinal Tagle din ang nag-ordain kay Ate.

      Delete
  14. Merry Christmas po sir Rix!

    New reader here :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas din po Sir fiel-kun and advance happy new year! Sana naman po ay maaliw ka sa asylum ko *giggles*

      Delete
  15. hahahaha natawa naman ako sa post mo nato!! sabi nila, maswerte daw sa pamilya kapag may madre o pari sa pamilya. talagang nakabandera pa ang pic greeting ko!! hahaha salamat at nagustohan mo naman. magsisimula na naman ako para sa new year!! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi nga nila.. mas malapit daw ang connection sa creator..

      Delete
  16. seryoso ninong ni ate Nun si Cardinal Tagle?!... alam mo ba gustong gusto ko sya mag-misa hindi ka talaga aantukin at kahit ayaw mong makinig sa sermon makikinig at makikinig ka! haha..gusto ko nga sana sya ang magkasal samen nung ex ko kaso wala na kami so yung susunod na lang na swerteng lalake wag kang kokontra!

    bakit nga ba singkit kayo?hehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep seryoso na Ninong nya si Cardinal Tagle. May program sya sa Kapatid Channel every Sunday morning eh, reflection sa mga verse ng bible. Di ako kokontra dyan. fwens tayo eh ahaha. Di ko rin alam eh sabi ni Paping eh, basta nakitrending lang mata namin sa Asian invasion ng mga koreano sa Manila. Tyarot!

      Delete

hansaveh mo?