Monday, December 17, 2012

Versatile Blogger Award!

6:08pm (sok)


Thank you Pinky ng the Pink Line for this award na pinagusapan natin ni Archie ng Château de Archieviner at ni Anthony ng FREE TO PLAY kaninang umaga sa tweeter (nice chatting with you guys kanina ehehe).

Nakakatuwa talaga sa blogsphere, hakot award ka sa lahat nga award kahit walang nomination or category hartistang hartista lang ang peg... ispiking of hartista, parang ganung lang ang peg ng award na ito. Pag-artista ka dapat learns ka sumayaw, mag-inate umarte, at mambulahaw kumanta.

Di lang naman artista ang pwedeng i-categorize na versatile dahil sa araw araw eh naipapakita natin ang versatility natin. Kumakain habang naglilinis ng bahay. Sumasayaw habanng nagbubunot ng sahig. kumakain ng apoy habang sinasaksak ng espada ang lalamunan, mabuting anak daw at isang magulang. at marami pang iba.

Napakahaba ng seremonyas ko, ayaw ko pa simulan ang dapat gawin hehehe. Henny waste, ito ang mga hanash ng award na ito:


The Rules:

1) Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
2) Post seven random things about you
3) Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.

7 Thing about me.... honghirap nomon? nyahahaha. sige na nga. pero dahil ramdom naman ito, eh kung ano ang pumasok sa isipan ko... hmmm may mali wala pa la akong isip, tiyars!

1) Nung college ko eh versatile na siguro ako. Napagsasabay ko ang extra curricular activities ko sa pagaaral ko. Ito ang susi kung bat ako nag-karoon ng financial aid. Opo, kahit majubis eh naging member ako ng Dance troupe ng sintang paaralan at naging member din ng teatro na kinawindang ko ahaha.


2) Mahilig ako kumanta kahit na ayaw ng kanta sa akin. Kahit na madalas sila mangingi ng hustisya eh walang habas ko pa ring silang nilalapastangan (panget ng dating ahahaha).


3) Mas gusto ko pa rin ang makipag jamming ng pagkanta sa kumakaskas na gitara kasi ang highscool / college lang ng dating nya.


4) Paginabot ako ng sapak ko ay bigla na lang ako magluluto o gagawa ng putahe na naisip ko na wala naman sa mga cook book at awa ni Lord eh edible pa rin naman ang kinalalabasan nya.



5) Ako din ang official tanggero sa bahay pag nagiinuman kami, kahit na nagaral ako ng wine mixing sa Tesda eh may sarili pa rin akong timpla awa pa rin ni Lord gumigising pa din naman kami kinaumagahan nyahaha.


6) Mas gusto ko ang nagbabasa lang ng article kesa sa magbasa ng libro pero, in-fairview Quezon City, ngayon ay nakakatagal na akong magbasa ng libro. At ang libro na talagang kinumpleto ko pa ay ang mga likha ng isa sa mga idolo kong manunulat na si Bob Ong.


7) Masasabi ko na bi-lingual na ako dahil bukod sa Tagalog at English eh nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng Hiligaynon (dahil sa taga-Bacolod si Mama) at Cebuano (dahil sa taga-Leyte si Paping) pero mas gamay ko ang Hiligaynon kesa sa Cebuano. Bukod dun eh maalam din ako sa slang na beki words dahil sa bpo ako nagwowork at alam naman ang taga bpo na beri beri common ito sa floor nyahahaha.


At ito ang pinakaluging part sa akin dahil di naman ganun ka dami ang tambay sa asylum ko itatag ko na lang kung sino ang pwede ehehehe

Ibinabahagi ko ang award na ito kila:

Keisi ng action star by day, emotera by night.

eArL... ng DaDdy CoOL

janzen.fiesta ng Happy Fiesta


joanne ng joanne's blog

KULAPITOT ng KULAPITOT

Nong Inong ng kumonoy

MEcoy ng MEcoy

D.Gravity ng ExtraOrdinaryGravity

Erin ng  Nutty Thoughts

O sya, mag hahanda na muna ako, magsisimbang gabi kami nila Paping at Bunso hehehe.


- It's my opinion lamang po -











22 comments:

  1. Salamat sa tag. Ay di pala ako nakatag. dyuk! whahaha. Nakatag pala sa intro. Ikaw na dancer, singer, tangerer, reader, cooker, bi-lingualer. lol Ui maranunong na sya magtag. Congrats sa award :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. shhh, secret lang yan. Tagay na nyahahaha.

      Delete
    2. nung binigyan nya kasi ako ng award noon di ko nagawa kasi bukod sa konti yung nagfo-follow sa akin eh di ako marunong magtag. di ba ikaw nagturo sa akin nun ahaha.

      Delete
  2. magkakasundo tayo jan sa #2.. mahilig din akong kumanta kahit na ang boses ko ay pangkubeta.. oha nagra-rhyme.. kumpleto ako ng books ni Bob Ong :)

    minsan patikim naman ng mga luto mo at ng mga minimix mong drinks..

    ReplyDelete
    Replies
    1. alright! ako din simula sa abnkkbsnpl ako hanggang sa lumayo ka nga sa akin nyahaha fan talaga. sure pagdating ni archie sa manila ahaha.

      Delete
  3. dagdag na ako sa asylum mo.. hehe! :)

    at grabe yang mga kanta na yan no? sila na nga ung ginugusto natin pero inaayawan naman tau... choosy pa! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tomooo! mga farsighted sila... ang lapit na nga natin sa kanila sa malayo pa sila tumitingin... nu koneksyen? nyahahaha Thanks po...

      Delete
  4. WHAHAHAH! Bakit nga kaya ayaw ng kanta satin? E gustong gusto naman natin sya?! HAHAHAH!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi nga ni Anne, mga tiyusi sila nyahaha...

      Delete
  5. i love BOB ONG so much. magbasa kapa ;-) nakaka pogi yan eh. hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi, kapag nakakakita ako ng interesanting libro (para sa akin) binabasa ko po :)

      Delete
  6. ang galing multi-talented ka pala... I hope to know you more... dami pala nating similarities...

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku po sinyor di naman. sapat lang po :).

      Delete
  7. Ang lagay eh ganun na lang? Wala bang sampol diyan ng kanta? Sampol, sampol! :D Syempre, ang mga aral ni Bob ang mga tunay na aral. Lol. Astig ang dati mong nawiwika. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Papi wak na maganda ang panahon ngayon baka umulan nyahaha...

      Delete
  8. fact: magaling kumanta yang si ate rix....
    alam mo yung sa choir? yung may tenor, alto, suprano and bass?
    pag kumantan yan si ate rix kaya nyang kumanta ng sabay sabay using 4 types of voices na yan... taray ng vocal folds di ba?

    itanong nyo sa akin kung anong favorite EMO song nyang si teh rix....ahahahahaha
    ibubulong ko senyo dali!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sira ulo ka ate Erin nyahaha... ikaw kaya magaling dyan di ba nakaya mo nga magconcert ng 24 hours.

      Delete
    2. tseeee ka!!!
      hindi kinaya ng peypakwa ang 24-hours na concert... wag ka nga jan!!!
      pahumble ka pa eh.....

      Delete
    3. oist di ako pahumble no nyahahaha..

      Delete
  9. wow salamat naman sa pag tag hehe sumasaya ako pag may nakakaalalang magtag sakin neto
    kaso ito din ung first award ko bale naipost ko na to hmm
    pero salamat talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. awts churi hihihi di ko cha nakicha eh hihihi.

      Delete

hansaveh mo?