Thursday, December 20, 2012

Trip na food trip!

5:53pm (sok)


Nung isang araw ay nagtawag ng spaghetti party si Erin sa kanyang helipad (yun lang nawala sa isip ko na kumuha ng piktiyur para mapost ko). One week in the making ang party na ito kaya di pwedeng di matuloy dahil kung hindi... mangamatay kami sa kuda nya ehehe.

Ika-pito ng gabi ang call time namin sa aming tambayan, past 5 na ako ng umalis sa bahay dahil alam ko na medyo matrafic. Nawala sa isip ko na may bagong scheme na pala ang MMDA kaya naman imbes na sa Mantrade ako bumaba ay sa Pasay Road na, Nganga! yan ang peg ko dahil malayo ang nilakad ko papunta ng MRT. Buti na lang at medyo maluwag ang MRT kaya naman nakasakay ako agad kahit na nakatayo but huweyt! Nung kami ay nasa Guadalupe station eh jampak na agad, kaiirita ako sa mga taong makasandig sa akin eh akala mo unan ako. Grrrr!

Henny waste, heto na nga 30 minutes pa bago ang call time namin eh nasa far far farmers na ako so, ikot ikot din naman muna ako dahil maaga pa naman. Di ko masyado tinitignan ang ketai ko dahil alam ko naman na makakarating ako ng maaga sa tambayan pero biglang nakalimutan ko ang lahat ng makita ko ang bancheto sa Araneta Center.

(Giant Christmas tree ng Araneta Center)



Biglang nagkaroon ng maningning na bituin sa mga mata ko sa nakita ko, fogkoen!!! Medyo nakakaramdam na ako ng gutom ng mga oras na iyon, alam kong medyo matatagal pa ang pagluluto ng stapegi ni Erin kaya naman umikot ikot ako ng beri beri hard at sinipat sipat kung ano ang meron doon sa mga kiosk nila... at ito ang mga entry ng bawat kiosk.... kemerah puhleess

(Masarap ang Shawarma na ito pwamis!)


(keyk ang eksena na ito, 2 for 150 ang berry cakes at 3 for 100 ang ibang keyk)

(ihaw ihaw naman ito, squid, fish, tengga, isaw na baboy at manok,betamax atbp.)

(mga kwek kwek, balot, penoy naman ito)


(takoyaki, siomai, siopao naman ito)


(mga Italian ang pasta na ito)

(lechong kawali naman ito at ang katabi nya ay tapsihan)

(kwek kwekan din ito pero may burger at lumpiang toge silang kini-cater)

(korean foodams naman ito)

(ito ang pinakabonnga, pasta na parang nasa crust ng pizza)

(Italian to Pinoy style pasta naman dito sa kiosk na ito)

(ito gusto kong iihaw ahahaha)

Gusto ko sana itry ang mga pasta nila pero pasta din ang kakainin namin later kaya di na ako kumain pero sa amoy pa lang nito ay sobrang nakakahalina so mutts.

Nauwi ako sa shawarma, Medyo matagal na din ang huling kain ko nito kaya ito ang binili ko. Masarap, malasa at malinamnam ang shawarma na nabili ko (yung nasa taas, King's yung name ng kiosk nila) idagdag mo pa ang condiments nila na mukang ordinary pero naenhance nito lalo ang lasa ng mala-barbique na peg ng karne. Nagsettle na din ako sa mixed fruits with milk na inumin.

(ang mixed fruits with milk nila)

 Dahil watery din naman ang mga fruits na nandoon ay pakiramdam ko, naitulak din nya ang nagsisiksikan  na shawarma mula sa bibig ko from the esophagus hanggang sa sikura.

(kahit may shawarma pa ang bibig ko, piktiyur piktiyur din hihihi)

Medyo busog na ako mero nakakagana ang mga pagkain sa lugar na ito, Buti na lang ay naalala ko na tignan ng ketai ko at nakita ko na sumasabog na ang inbox ko sa message. 11 minutes na akong late kaya nagmadali na akong pumunta ng tambayan namin nyahahaha.

Mukang makakabalik ako dito sa 29, pero sana bago pa ang a-29 ay makabalik na ulit ako, honggono lungs komoen ahahaha.


God Bless po!

- It's my opinion lamang po -

24 comments:

  1. Nakakagutom naman... I've been there and sobrang mura at masarap ng food... Pang-resto ang quality...Sarap talagang mag-pig out dyan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tomooo! isang rason para mas lalong madagdagan ang timbang. Sirang sira ang diet.

      Delete
    2. tsaka na yang diet na yan....may next year naman...

      Delete
    3. naku di pwede kapag mabilis ka jumubism dapat ay disiplina sa pagkain, Charot!

      Delete
  2. Galing ako dito 'nung isang araw. Mura ng food. Nakain ka din nung shawarma? Sakin nagpadagdag pa ako ng chili, hehe.

    Parekoy maraming salamat pala sa iyong like sa blog ko. Mwah mwah tsup tsup! Hehe. Paulit ulit, kelangan pala eh ila-like din yung mismong facebook page. Inupdate ko na yung steps sa post ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang sarap ng shawarma pwamis!uki like ko na lang din parekoy.

      Delete
    2. Diba may paluto din dun? May pusit pa kaya? Lol.

      Delete
    3. uu meron nga. Madami pusit dun nyahaha malaki pa kakagutom :)

      Delete
  3. haha ikaw na magana kumain!... anong lasa ng shawarma? di pa ko nakakatikim..parang nakakatakot kasi hehehe...isana mo naman ako jan pagbalik mo tapos libre mo ko :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. iba yung lasa ng shawarma dito parang barbi-que na nilagay sa pita bread. Yung iba kasi dry yung karne na alam mong ginrilled lang talaga :)

      Delete
    2. parang alam ko yung dry na karne na yan ah, :D

      Delete
  4. Nakakamiss at nakakatakam ang food dito.. wagas ang last pictyur!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi nagmamadali yan kasi late na ako sa usapan kaya kahit nginangasab no pa yung huling subo ng shawarma eh nag-picture na ako.

      Delete
  5. walang pic si ateng rihanna?
    ahahahaha....

    ReplyDelete
  6. Ayy ayun! Parang sarap ng pasta na nagpupumizza! HAHAH! :))

    ReplyDelete
  7. umuulan ng foods ha,
    sasarap tignan nakakagutom
    haha
    anyways spaghetti party talaga
    fav ko spag kahit isang bandehado kaya ko ubusin kaya lugi mga makaksama ko sa ganyng party kung sakasakali

    ReplyDelete
    Replies
    1. sa totoo nga lang sumuko kami sa spag! masarap ang gawang Italian spag ni Erin eh hihihi.

      Delete
  8. Bongga talaga sa Banchetto - dapat Bonggachetto ang pangalan nyan e :) Dami food! At ang laki naman ng hipon na gusto mong iihaw, baka di mo maubos, penge kami ha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha uu nga noh, kahapon pa ako nag iisip ng pangalan ng entry na ito di ko naisip yan. Dahil mahilig ka kumain sigurado mageenjoy ka dito :)

      Delete
  9. Namiss ko ang Banchetto. Buhay pa pala yan. Kain lang kain. pataba ka ah. dyuk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu naman, kaso iba ito ha di ito sa ortigas sa cubao ito... Taba na nga huhuhu.

      Delete

hansaveh mo?