Wednesday, December 19, 2012

Handog ng Pinoy Bloggers....

6:57pm (sok)

Opo, inaamin ko na sadyang bagito ako sa larangan ng pagpapahayag ng aking sarili sa larangan ng modernong pamamaraan subalit di ito hadlang upang isulong ang isang magandang adhikain ng mga taong tulad ko rin.

Di po ganun kalaki ang espasyo ko sa mundo ng pagbblog, subalit alam ko na sa tulong ng entry na ito ay maipapahayag sa iba pang mga tao na tulad ko at tulad ng mga tao sa grupong ito na magbigay ng munting kasiyahan sa mga kabataan ng White Cross Children's Home.

Isang malaking prebeheliyo ang isali ako sa grupong ito di lamang upang lumaki ang sirkulo ng kaibigan sa mundong ito kundi ang suportahan na din ang layunin nila sa ating kapwa lalo na sa panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

Sa ngayon ay araw araw na nakikipag-ugnayan ang mga miyembro ng grupong ito upang maisaayos ng proyekto na gagawin sa unang linggo ng Enero.

Mga Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Kabarkada, Kaque, Kabisyo, Kabagang, Kaututang dila, Kaclose, Katwetter, Kafacebook, Kafreindster (meron pa ba? tyarose!) at kung ano ano pang "ka" yan, kung nais po ninyong makibahagi, sumali, tumulong at makiisa ay maaari po kayong mag iwan ng mensahe sa entry na ito o makipag ugnayan din kay Archie ng Château de Archieviner.

Makiisa, makialam at sumuporta, dahil ang kaligayanhan ng mga musmos na bata ay di lang nakasalalay sa aming mga kamay.. Ang isang bagay na mukang imposible ay nagiging posible kapang nagtutulong tulong ang bawat isa.

Ngayon pa lang ay napapasalamat na ako in behalf of the group.

God Bless us po.

UPDATE: Ang event po ay gagawin sa ika-8 ang Enero 2013 (2-4:30 ng hapon).



- It's my opinion lamang po -

20 comments:

  1. Huwaw maraming salamat rix sa iyong suporta :)

    ReplyDelete
  2. wow buti ka pa meron ng na blog about dito hehehe ^^

    ^_____^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi po kasi ni Archie tumulong po ako sa pagpromote ng project kaya po gumawa ako ng entry :)

      Delete
  3. ay ang galing! BTW, on April ang exam namin, by January e magstart na ko ng review! ^^
    I'll support pa rin naman! :)) Magsisimula na ko sa pag gawa ng tarp bukas! Chos! :) Pero ttry ko talaga! ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. nag gigitara ka naman Pao eh, tugtog ka tapos kakanta si Pinky :)

      Delete
  4. sasali ka rin sa piso project koyah? hehehe magandang plano ito nila archie, pweding pagsimulan sa maliit na bagay muna, maliit na pagtitipon hanggang lalaki na.

    ReplyDelete
  5. ang saya... i would love to support... kaya lang kakahiya kasi I am a newbie din... I hope someone could tell me how to help...

    ReplyDelete
    Replies
    1. walang kaso if your a newbie, like you im a newbie as well. There is no newbie if you want to help :) Punta ka sa link na ito para naman po magkaroon ka ng idea kung ano ang mga planes http://www.facebook.com/groups/121728994657582/

      Delete
  6. pwedeng "KAMUKHA"????
    ahihihihi....

    alam mo na ang diskarte jan Rix????
    (note: hindi na "teh rix" ang tawag ko sa kanya... nagmamaasim kasi!!!)
    ahahahaha

    ReplyDelete
  7. Mahalaga ay naishare mo ang mabuting balita na ito :)

    ReplyDelete
  8. I wish na makatulong ako sa napaka gandang proyekto na yan,
    hahays kung financially capable ako okay na sana haha
    peo i'll think of a way para mag participate

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang yun mecs sama ka na rin pwede naman ang presensya :)

      Delete
  9. Salamat sa suporta, sana andyan din kaming malalayo makapagparticipate pero kahit malayo 100% naman ang presensya ng mga puso namin. Go na to sa January 8, 2013!

    ReplyDelete
    Replies
    1. tomoo! share pics na lang at kung may vids sana di ganun ka laki para mashare sa funpage sa FB.

      Delete

hansaveh mo?