Ilang oras na lang ay matatapos na ang abentesingko ng Disyember. Sa totoo lang eh ayoko pa matapos ang araw na ito dahil tinatamad pa ako pumasok bukas. May holiday jetlog pa ako
Maayos ay payak naman ang Christmas namin nila Paping at Bunso. Pinilit kong huling matulog ng 23 ng gabi dahil sa gusto kong masupresa ang 2 kinaumagahan. Kahit na nagkakaroon na ng sariling buhay ang mga mata ko dahil pumipikit na sila ng kusa at hinihila na sila ng gravity at pinilit kong maging gising. Sinisigawan ko ang sarili ko ng tahimik, nagjujumping jack ako sa isip ko, nagbu-bungee jumping ako ng nakaupo para lang maging gising... O di ba? Hirap pilitin ng sariling maging gising. Charut!
Nagtagumpay naman ako, kung dati ang Christmas tree namin ay nagso-solo ngayon ay mga ka-jamming na syang mga gifts. Ito ang peg nya....
(yung iba di na kinaya kasa nasa taas ng aparador namin nyahaha)
Dahil sa pare-pareho kaming naging biktima ng colds eh simple na lang ang niluto namin para sa noche buena at nagpadeliver na lang kami ng lunch dahil sa di masyadong maganda ang pakiramdam namin. At ang dinner at courtesy ng....
(Nag-Christmas bucket meal na lang kami sa KFC)
After naming magligpit ay naghanda na kami sa misa para sa pasko, Maganda ang sinabi ng pari during the mass kaya naman di ko napansin ang oras. Bago pa kami umuwi ay dumaan muna kasi sa convenient store para bumili ng pampu namin dahil bago ang Pasko ay handa na ang tatagayin namin.... kampay!!! hihihi.
Pagdating sa bahay ay binuksan ko lang ang laptop ako at sinimulan ko ng ang seremonyas ko...
(documented ang paghahalo ang iinumin ehehe)
Sa mga oras na ito din ay nagkaroon nanaman kami ng virtual inuman session sa tweeter with Anthony, Pao Kun, Archie, JonDMur at humabbol si Pinky.
Ang tatagayin namin ay ito...
Malungkot si Archie kaya sa kanya ang unang tagay pero dahil wala sya sa mood ay nag pass sya at bilang natulog iniwan kami sa ere nyahahaha chars lungs.
(ang tagay ni archie na napunta kay JonDmur ahaha)
Dahil late dumating si Pao at ang dalang pulutan ay leche flan daw sya ang sumunod na tagay nyahahaha kulet lang namin :).
Maya maya lang ay nagkanda walaan ang mga nagiinuman kaya naman tunay na inuman an ang hinarap ko, si Paping at si Bunso.. Hinihintay talaga ni Bunso mag 12am dahil eksoyted sya sa regalo ko...
(Ang regalo ko kay Paping, Diko at kay Bunso)
Isang klase na lang ang binigay ko sa kanila para di na ako mahirapan mag isip at di na mag inggitan pa nyahahaha. Nung pumatak na ang 12 ng umaga kanya kanya na silang bukas ng regalo nila...
Sad ako wala man lang akong natanggap mula sa kanila huhuhu. Pero ok lang naman sa akin dahil sa naging sobrang saya ko naman nung nakita ko ang mga mukha nila na sobrang saya at excited sa nakuha nilang pamasko galing sa akin. Di mo nga sila makausap at maistorbo eh...
(naka-loptop na yan naka-BT headset pa)
(Nagse-senti pa si Paping)
Dahil sa di ko sila makausap eh idinaan ko na lang ang lahat sa kanin ng chicken sopas at siopao...
(3 lang kami sa bahay pero ang niluto ay pang 8 servings kamusta naman)
Bukas ay dadalaw naman ang kapatid kong Nun, yep bukas ay papayagan sila ng kumbento na dumalaw sa mga taong gusto nilang puntahan kaya naman stess sa preparation.
Bukod sa embutidong Batangas na o-orderin na lang namin eh magluluto si Paping ng Sweet and Sour na tilapya at ako naman ay ang version namin ng Estofado na recipe ni Mama...
(ito ang itsura nya bago ko ilagay ang huling mga sangkap at i-simmer )
Sana ay naenjoy nyo ang Christmas nyo, ok lang na puro kain ang gawin tutal naman its the season to be chubby hihihi.
Good bless every one c",)...
P.S.
Anthony ito ang bagong avatar ko sa Dragon Nest... Unahan kita mag-post ng video game character nyahahaha...
(si Axzelle ang Mercenary ko. Kanina ko lang sya ginawa )
may pic greeting ako sayo. nasa blog ko. merry christmas rix!!
ReplyDeleteMeery Christmas din Lala :) Kunin ko sya ha ehehe.
Deleteayan pala yung ininom naten..hehehe..mukang masaya ang lahat sa gift mo..merry christmas rix :)
ReplyDeleteuu di nga nila ako pinapansin eh huhuhu
Deletesama niyo ako sa dragon nest na yan hahaha gusto kong idownload yan but ayaw ata ng laptop ko! hahaha
ReplyDeletebaka yung specs requirement ng game di compatible sa laptop... ewan lang nag mamarunong nyahahaha.
Deletemiss pink line, made a pic greeting for u also. check mo nalang sa blog ko. merry christmas again.
ReplyDeleteKayo na ang adik sa video game. dyuk!
ReplyDeletePainumin ba naman ako ng mantika ng baboy kaya di ko tinagay. hahaha. Saya nun.
Ako sana'y na din ng hindi nakakatanggap ng gift twing pasko. Ako rin taga bigay ng gift sa mga kapatid ko.
Merry Christmas sayo Rix. :)
Ok lang kahit alang geps, mas maraya naman na nakikita silang masaya sa binigay mo... Yabang di mantika yun hmpft! bleeeeehhhh.... Merry merry din ahahaha
Deletepareho tayo...nakakatamad na may pasok na ng 26th....tsk...
ReplyDeletehappy naman ang Xmas mo... wala man silang gift sayo, for sure they made you happy na rin...
ayoko pang pumasok talaga kasi nararamdaman kong maraming urgent dahil mag e-end of the year transaction nanaman sa office tsk!
DeleteMerry Christmas! :)) Nakapag log in din! :D Mamaya ako naman mag popost. Di mo sinama yung cake na dala ni ate Arline! Pulutan yun! HAHAH!
ReplyDeleteAno ipopost mo ahahaha... Bat di ako nakakain ng cake? si Jon bumili lang ng andoks nawala na rin nyahahaha.
DeleteHaha natuwa ako sa pagsesenti ng iyong paping! haha
ReplyDeleteayos kahit simple lang ang selebrasyon basta masaya! :)
daming regalo ha. hehe. mas mataas na ata kesa sa Christmas tree niyo haha
ninanamnam nya yung paggamit ng headset nya na blutut.
Deleteui parekoy sorry nakalimutan ko include ung ecard mo for me sa post ko kahapon
ReplyDeletenagmamadali kasi ako nun,
anyways aun oh my character ka na
foukona name ng character ko dyan
pinapalaro ko sa tropa ko haha
No problem ehehe. Uu dati na ako nag lalaro ng DN. Elem Lord, Mercenary, Acrobat at Alchem ang avatar ko sa DN ehehe...
DeleteKulay kape talaga pare. Ahehe, ano bang hinalo mo 'dun? :P Ayun oh, pinost na ang character sa DN. Astig!
ReplyDeleteSekreto parekoy, pero walang amats yan nyahahaha. Yung isa lang yan wala yung 3 kasi tinatamad ako mag pa-level nyahaha.
DeleteHehehe! natuwa naman ako habang binabasa to... mah hang over pa ba hehehe
ReplyDeletesa new year ulit... magputukan tayo hehehe ^^
wala naman, di naman ako nagkahang ober hihihi. putukan sa new year??? hmmmm nyahahaha PUSH! :)
Deletesimple pero kasama ang family, perfect na Christmas na yan! Bongga ng estofado, hindi tinipid sa pinya ha! nag uumpaw sa pinya haha :) Saya ng gifts mo sa family okay lang nga wala matangap, sulit na makita masaya sila :)
ReplyDeletetapos na Christmas, advance Happy New Year na! :)
Gusto ko kasi ang pinya dyan ehehehe. Yep, gift na ang makita silang masaya sa bigay ko... Yep advance happy new year!!!
DeleteAnsaya naman ng inuman session nyo, sayang at di ako naka-join, busy busy kasi e! Sowsyal ng gift mo sa family ah! Sarap ng sopas..
ReplyDeleteehehe habang nagkakagulo ang lahat ay busy naman kami sa virtual inuman. Ang regalo na yan ay pinagipunan ko dahil 3 ang binili ko nyahahaha.
Delete