Bakit nga ba kare-kare ang pangalan ng entry na ito? wala lang trip ko eh (tinamaan nanaman ako ng sapak hihihi). Dahil halo-halo ang entry na ito kaya naisip kong parang kare-kare lang, may halong gulay, halong karne, may mani at may bagoong...
*** PASALUBONG ***
Iba ang naging saltik ng girlfriend ni Diko, nakiusap sya kay Paping na ipadala sa Iloilo ang photo album ni Diko para ipakita sa parents nya. Tutal ang GF naman nya ang nag ayos ng photo album na iyon eh pinadala na lang namin sa kanya via LBC ang hari ng padala (sino kaya ang reyna nya? tyarose!).
Matapos ang 5 araw may kumatok sa pinto, akala ko na mamasko sabihan ko sana ng patawad dahil nagsesebo pa ako sa pawis dahil nage-general cleaning ako ng ward ko este ng bahay pala...Nagulat ako dahil isang taga-LBC ang nasa labas ng gate at may hawak na kahon. Akala ko ay return package ito pero nagtataka ako kung bakit medyo malaki ang box.
Nalaman ko na binalik na pala ng future sister-in-law ko yung photo album ni Diko at may kasama pang... tendenenen..............
(masarap na goodies from Iloilo)
Sayang naman, wala ang isa sa pinakapaborito ko ang butterscotch. Pero ok na rin yun, dapat ay magpasalamat pa rin kesa wala.
*** SOPRESANG KAHON ***
kahapon ay may dumating din na package. Uso na nga talaga ang padalahan ng package. Akala ko nga eh para sa akin iyon. Iniisip ko na ito na ata yung padala ni Arvin Erick pero sobrang laki ata nga para sa postcard. Yun pala para kay Diko ito.
(ang kahon para kay Diko)
Dagdag pala ito sa mga koleksyon nyang Gundam Model kit, at di lang isa, di lang dalawa kun di tatlo sya...
(ito ang mga dagdag sa koleksyen ni Diko)
*** PAGDALAW ***
Napagpasyaan namin ni Paping at ni Bunso na bago pa sumapit ang pasko ay pupuntahan namin si Mama sa condo nya.
(Dilaw yung bulaklak na nabili namin, di ko alam kung kanino galing yung kalachuchi na pink pero di nanamin tinanggal baka magtampo si Mama, at as always 7 candles)
(Trip lang namin ni Bunso mag-picture taker para may remember, bagong tabas ako hihihi)
(kamera shy si paping ngayon)
Bukas ay may pasok na ako, tinatamad pa ako pumasok kaso kailangan kumita para sa mga inaanak ko huhuhu. Henny waste medyo eksayted din ako dahil sa may spaghetti party akong pupuntahan mamaya hihihi.
At gaya ng tradisyon sa asylum ko, eh magpapasalamat muna ako bago ko tapusin ang entry na ito dahil sa may bago nanaman po akong pasyente.
Samamat po kay Anne at Senyor Iskwater sa pagtambay sa asylum ko. Kung di na po kasya sa ward eh ililipat ko na lang po kayo, tiyaruths lang hihihi. Enjoy enjoy po..
God bless po sa lahat at isang mainit na hapon...
- It's my opinion lamang po -
Okay ah! na miss ko na ung product ng Iloilo... lalo na ung biscocho (tama ba spelling ko hehehe)
ReplyDeleteNakakatuwa talaga pag nakakatanggap ng package... sana may dumating sa akin na isang malaking kahon hahaha....
Ako naman di pa nagpapadala ng package sa Pinas... sabi kasi ng mother ko pera na lang hehehe
yep tama ang spelling nya. Sarap kaya nun kapag sinawsaw sa kape ehehe. Uu nga mas praktikal at di kasi hustle kapag pera ang ipapadala kesa sa package na mejo mahal ang freight charges.
Deletewow dame blessings share naman haha joke
ReplyDeletesasarap naman nyan kakatakam dame mo pang gundam,
im sure happy si mom mo mag pasko kasama si god sa heaven :)
ehehe yung mga model kit ni Diko na iba nasira dahil sa bagyo ngayon ang sisimula ulit sya mag-collect 7 na lahat ng mga model kit nya.
DeleteGrabe...condo talaga? lol at nainggit naman ako ng bigtime sa delivery packgage. Yan talaga yung wish ko nung bata pa ako na magkaroon ng sariling gundam kit. specially yung Wing Gundam at Gundam 00.
ReplyDeleteYep dahil po condo type po yan nakasanayan ko na pong tawagin sya na condo. Meron pong ganun si Diko yung translucent na ang pakpak nya ay ga-ruler ang lapad kaso kasamang sinira nung bagyong melenyo :(
Deletemasarap ang feeling na may nagpapadala sayo kaya inggit ako...hihi
ReplyDeletexx!
ehehe tomooo ka dyan :)
DeleteHala ipapakulam si diko mo pag di pinakasalan si GF. lol dyuk lang. Di pa ako nakakatikim ng mga products from iloilo. Mukhang masarap. Ayos ang bisyo ni diko mo ah. At talagang binuo ang pangalan ko. Pwede naman blog name ko nalang. lol Nakakatuwa at hindi nyo nakakalimutan si mama nyo :)
ReplyDeleteYep usapan namin na di dapat kalimutan si mama kahit anong mangyari. Masarap ang deli nila if you have time pag uwi sa manila punta ka ng market market dahil may stall dun na nagbebenta ng deli nila. Mahal ng bisyo noh? ahaha.
DeleteSarap ng mga goodies mula Iloilo!, uso na nga padalhan ng package sa ganitong panahon sana may magpadala din sa akin bago mag pasko haha. tiwala lang.
ReplyDeleteyep crosslegs este crosfingers pala ahahaha.
DeleteSalamat sa mention na you shoudn't have coz I enjoy your post... Hindi ako updated about 7 cancles but I'll try to find out and I will get back to you... Mas Happy ang LBC package kung may kasamang La Paz Batchoy... Saaaarrrraaaap nun kung from Ilo-ilo...Ubos na ba 'yung pasalubong? Penge naman...
ReplyDeleteHehehe tradisyon na kasi sa asylum na magpasalamat SOP ng mngt hihihi masarap talaga ang batchoy nila dun unportunneytly nasa sikmura na namin ni Bunso hihi.
Deletesalamat sa pag-attend sa spaghetti party last night.....
ReplyDeletealam mo na kung anong sikreto ko sa pagluluto?
ahahahaha...
sa totoo lang ayokong ishare yung secret recipe ko... ahahahaha
tagdamot ako noh!!!
*bleh*
ahaha uu nga sayang di ko nakuhaan ng piktiyur ang spag party natin para sana nagawan ko ng entry
DeletePastilyas ba iyon? Penge. :D Ayun pala ang condo niya, im sure masaya siya sa inyong pagdalaw. :))
ReplyDeleteWow, gundam kit. Yung fren ko nagco-collect din nyan, gumagawa din siya ng mga model gundam sa cardboard, as is carton. Gayang-gaya pa na tila eh from the box pa. Ang tiyaga nga nun...
barquillos po yun yung may pulboron sa loob ehehe. Yep i know masaya si Mama. Si Diko lang ang matyaga magbuo nyan. 2 araw nya buohin yan kapag di nya ginagawa ng tuloy tuloy ehehe.
DeleteSarap ng biscocho nila! (Naalala ko lang pag kabasa ng comment ni kua jon.) HAHAH! At same tayo paborits ko din ang butterscotch. At wag ka ng choosy kuya. HAHAH!
ReplyDeletethanks at sinama mo kami sa pag dalaw sa mommy mo...
have a good day! ^^
Nung sa Makati pa kami nakati ra buwan buwan may supply kami kasi yung kasama namin sa compound taga-Iloilo ay yan ang business nila. Ahaha ikaw na talaga ang may sweettooth :). No problem hehehe.
Delete