11: 15pm (sok)
Yeast oh, yeast!
9 days to go and its Christmas na.. Tama nga siyam na araw na lang. Unang araw ng Misa de galleo kanina at simula na ng siyam na araw ng novena bago dumating ang Pasko. Malapit na rin ang climax ng adbento, ang 4 na linggong paghahanda sa pagdating ng sanggol na galing sa lipi ni David (hihihi nakikinig ng maigi sa katekista ko noong bata pa ako).
Sumakit ang bangs ko ng sobra dahil sa nung magpunta kami ni Paping sa simbahan ay nalaman namin na bukod sa gagawin ang simbang gabi sa iba't ibang simbahan at kapilya sa komunidad namin eh iba iba rin ang oras ng misa, kaya ang ending eh nganga kami ni Paping.
Maaga akong bumangon kanina upang makiisa sa unang araw ng simbang gabi. Gaya ng taon taong kong inaasahan, jampak nanaman ang simbahan. Kakaunti lang ang litrato nanakuha ko dahil sa una di naman ang pagkuha ng litrato para sa entry na ito ang ipinunta ko dun at pangalawa sa sobrang dami ng tao nakakatakot idisplay si Watson (ang bb ko) baka mamaya eh huling pagkikita na namin iyon.
(jampak ang parokya namin)
Kakaiba ang unang araw ng simbang gabi ko ngayong tao. 2 beses nagkaroon ng power failure sa simbahan kahit madilim eh tuloy lang ang misa. Dahil na rin siguro sa dami ng tao at siksikan ay mayroon ding nag pass out dahil sa di kinaya ang init.
Kita ko sa kinatatayuan ko ang advent candles hehehe nakakatuwang syang tignan. Ang wreath na bilog ang hugis ay sumisimbulo ng eternity, ang mga dahon naman ay sumisimbolo ng pagasa at pagbabago. Ang 3 kandila na kulay ube ay sumisimbolo ng pagasa, pagmamahal at kapayapaan at ang kulay rosas na kandila naman ay kaligahayan.
(di po ito yung actual na advent candles sa parokya namin)
Kapag simbang gabi ay may 3 uri ng tao sa loob ng simbahan. 1) talagang nagsisimba at inuunawa ang sermon ng pari 2 ) Nagsisimba para lang masabi na nakapagsimba at para magwish dahil nakumplete ang simbang gabi kahit di naman naintindihan ang sinabi ng pari (sabi kasi ng marami eh pwede ka daw mag-wish at magkakatotoo ito kapag natapos mo ang simbang gabi) 3) yung mga nagsisimbang tabi o simbang landi, ito yung mga magkakabarkada na magsisimba para lang umispat ng pwedeng lablyp or kasama si lablayp para magmoments at kebs talaga sa misa.. Sana ay di na lang sila nagsimba kasi yung karamihan sa kanila ay nakakasira ng konsentrasyon ng mga gustong makinig ng sermon ng Pari.
Simula na rin ng Chirstmas project ng mga kabataan na aktibo sa spiritual na bokasyon. Ang Puno ng buhay, puno ng buhay (tree of life, full of life). Magsasabit ka ng Christmas box na bibilhin mo sa kanila, may papel na kasama ang gift na ito at doon mo isusulat ang wish mo sa Pasko, pagtapos noon ay isasabit mo ang Christmas gift sa puno na ginawa nila. Ito ay iipunin at sa bisperas ng pasko ay ibbless ng kura paroko namin. Ang malilikom na pondo ay ibibili nila ng mga in kinds na pwedeng gamitin ng mga pamilya sa komunidad namin sa kanilang noche buena. O di ba? bongga ng naisip ng mga bagets. At least halos lahat ng pamilya sa komunidad eh nagno-noche buena. 8 Taon ko ng sinusoportahan ng proyekto ng mga bagets na ito ehehe.
(ito ang Chritmas tree nila)
(dyan lang nakasabi banda yung mga Xmas gift na binili ko)
(o di ba? parang kakanin lang yung Xmas gift hihihi)
Sa buong buhay ko 3 beses ko pa lang nakukumpleto ang simbang gabi at inaasahan ko na sana ay makumpleto ko sya ngayong taon (cross stitch, ay cross fingers pala hihi).
Bago ko po tapusin ang entry na ito ay nagpapasalamat ako sa pagdagdag ng isa pang pasyente. Maraming salamat po Nong Inong at nawa ay magenjoy ka sa pagtambay sa asylum ko hihi.
Isang mapayapang gabi po sa lahat... c",)!
- It's my opinion lamang po -
nice nakaka dalawa na kong simba naun,
ReplyDeletekakatuwa tagal ko na di ngsisimba nakokonsensya ako
at natamaan sa sermon ng napakagaling na pari dito samin haha
Tama! Yan ang maganda magaling ang nag sesermon na pari dahil nakakawala ng antok.. 7 days pa kaya yan...
Deletenice, buhay na buhay ang simbang gabi... ako sa tanan ng buhay ko, wala pa ako nakumpleto.. ewan ko nga ba! hehe
ReplyDeletetiyaga tiyaga lang jess kaya yan hihihi
DeleteGood luck sayo sana makompleto mo ang simbang gabi. Ano ba ang winiwish mo? Naks pampasko rin background sa asylum mo. hehe
ReplyDeleteTnx hihihi. Good health for the whole year of 2013 ang wish ko. Uu nga eh para naman daw dama ang season hihi...
DeleteMay bago kang pasyente papi :)))
ReplyDeleteOo nga, Ako kasi ang wish ay bagong car. Lol. Yamot talaga yang mga nagsisimbang tabi or simbang landi na iyan. Hindi na ginalang ang banal na misa. Sa loob pa ng simbahan nagyayakap! Tapos may mga maiingay pa na bata -__- Okey yung ideya na yun na Tree of Life, ang liliit ng box ^_^
Wow nakakariwasa sa bagong car hihi. Tomo ka dyan, lakas makawala ng concentration ang 3rd type na church goers na yan. ehehe kyut ng gips mo?
Deletenakaka miss ang simbang gabi.... kaso di pa ako nakakakompleto.... hehehe
ReplyDeleteSabi nga pag na complete mo matutupad ang wish mo...
ehehe sana next time makakumpleto mo sya :)
Delete