Gaya ng title ng entry ko, ito ang guling post ko this year...
Sa totoo lang di ko alam kung ano ang pakulo na gagawin ko sa huling entry ko para sa 2012 pero gagawin ko na lang itong casual tulad ng dati.
Tulad nyo sa kanya kanya ninyong mga pahina ay sinubok din ang aking kakayahan, hangganan, pasensya, at tiyaga.
- Tinuruan ako ng taon na ito na harapin ang isang bagay na kinatatakutan ko ang mawalan ng minamahal sa buhay ng kunin ng lumikha ang Mama ko noong nakaraang pasukan. Ako ang sumubok na irevive si Mama bago namin sya itakbo sa hospital. Parang unti unting gumuho ang lupang kinatatayuan ko sa hospital ng marinig kong sabihin ng doctor na dead on arrival na si Mama. Madami pa kaming plano ni Mama pero tinuldukan iyon ng sakit nya. Kahit na sobrang bigat sa pakiramdam ko ay sinubukan kong maging matatag at lumabas sa comfort zone ko para sa family ko, para kay paping, Diko at kay Bunso.
- Madalas ay ako ang nasa so-so grid nung malipat ako sa bago kong account ko ngayon. Naghahangad man ako na marecognize ako pero di ko ginawang maging sobrang bibo dahil ayoko magexpect dahil baka ako rin ang malungkot dahil sa di ko mameet ang expectation ko kaya ginawa ko lang ang lahat ng makakaya ko. Nagbunga din ito ng minsang maging "Agent of the Month" ng queue namin, yun nga lang nabaon na yata sa limot ang certificate ko (o baka chinarot lang ako ng TL ko).
- Konti na lang ay mapapatid na talaga ang pisi ng pasensya ko sa dati kong TL dahil sa sobrang kunsumisyon ko. Sya pa ang naging dahilan nga pagkakaroon ko ng stress related na hair loss ko na awa naman ng Diyos ay unti unti na ring nagiging ok ngayon dahil nalipat na kami sa bagong TL. Salamat sa pagdinig ng dasal ko Lord... tyarot!
- Ni sa hinagap ay wala talaga sa isip ko ang gumawa ng sarili kong blog, pero ngayon... tiganan mo nga naman ang pagkakataon at ngayon ang busy na ang mga daliri ko sa pagtipa ng mga letter sa keyboard ng laptop ko para gumawa ng mga entry.
Salamat kay Erin na nagencourage sa akin na subukin ang pag gawa ng blog. Ganun din kila Kulapitot, Archie at Arline dahil sila talaga ang mga nauna kong mga nakakulitan sa asylum ko kaya naman nadagdagan ng nadagdagan ang mga entry ko at ngayon ay lumilevel up na ang itsura dahil na rin sa matiyaga kong pinagaaralan ang mga bagay na bago sa akin ganun din sa pagtuturo ng mga nabanggit kong mga tao.
Mataas ang expectation ako sa Year of the Water Snake lalo pa at sinabi ng mga Intsik na swerte daw ang mga taong pinanganak sa taon ng Aso (disclaimer - di hawak ng mga bituwin ang ating kapalaran, gabay lamang sila may sarili tayong free will, gamitin natin ito-- Zenaida Seba? nyahaha). Sana ay matupad ang mga gusto kong gawin... ito yun oh:
1) Bumalik sa pagpapapayat - tumaba nanaman kasi ako
2) Out of town - Gusto ko pumunta ng Baler, Aurora at itry mag-surf.
3) If kaya ng budget, Out of the country - gusto ko ma-try maging back packers.
4) Mag-aral uli - Balak ko kumuha ng another course.
5. Magkaroon ulit ng Dog - Yung Dog kasi na mahal na mahal ni Mama ipinaampon namin sa kapitbahay. Di na kinaya ni Paping na kunin ulit kasi naaalala nya si Mama :(
2) Out of town - Gusto ko pumunta ng Baler, Aurora at itry mag-surf.
3) If kaya ng budget, Out of the country - gusto ko ma-try maging back packers.
4) Mag-aral uli - Balak ko kumuha ng another course.
5. Magkaroon ulit ng Dog - Yung Dog kasi na mahal na mahal ni Mama ipinaampon namin sa kapitbahay. Di na kinaya ni Paping na kunin ulit kasi naaalala nya si Mama :(
Salamat sa 2951 views sa asylum ko (base sa huling silip ko po ito, at alam ko na 1951 dyan ay kagagawan ko). Sa 31 na pasyente ko na nagtyagang basahin ang post na wala namang talagang sustansya (actually isa sa mga winish ko ay umabot man lang sa 30 ang mga pasyente ko bago matapos ang taon hihihi). At sa wakas na meet ko rin ang goal ko na 60 entries bago ang year end dahil ito na ang pang 60th entry ko...
Kahit na medyo marami ang mga entry na yan ay may mga gusto akong entry na gawa ko ngayon taon at ito ay:
- Trick or Treat - dahil dito ko sinubukan nagumawa ng isang entry isinama ko ng wagas ang mga piktiyur sa kwento.
- Fruit Magic sa Milk - Ito ang pinaka-paborito kong entry na nuknukan ng kalokohan.
- Fruit Magic sa Milk - Ito ang pinaka-paborito kong entry na nuknukan ng kalokohan.
- Himala - Una sa lahat di talaga ako Norian (para yan kay Archie na ubod ng kulet, blee). Kaya isa ito sa naging paborito ko ay dahil sa napataob nito ang Aliw sa Liliw dahil naungusan nito ang number of views ko dahil sa pinost ang entry ko na ito sa mga funpage ng mga Noranians sa pesbuk at nakikijamming sila sa pagcomment sa entry na yan hihihi.
Hanggang sa susunod na taon, sana ay madagdagan ang pasyente ko at maging mataba ang utak sa mga susunod pang entry... Teka wala nga pala akong utak kulet ko. Bili na nga ako sa Divisoria, Tyarot!
Ingat po sa mga magpapaputok, tandaan mahirap kantahin ang sampung mga daliri kung kulang kulang na ang mga daliri mo. Ang mga paputok na may pulbura po ang pinapaputok di po ang sariling amoy, ligo ligo din tayo Chareng! Mag-ingat din lalo na sa mga kasama sa inuman na malakas mang-asar dahil kung hindi kayo eh baka ang kainuman nyo ang puputok na labi dahil sa sapok, panget ang may kaaway sa simula ng taon.
Mula po sa pamunuan ng asylum na ito, ay masaya ko kayong binabati ng Propero AƱos Y Felicidad!!
P.S.
Bago ko po tapusin ang entry ko na ito ay nagpapasalamat po ako kay Olivr na bagong pasyente at kay Fiel-Kun at Lawrence na mga bagong mambabasa ng mga kemerut barurut ko sa asylum ko hihihi...
- Enjoy the celebration and God Bless -