Check-up Time: 7:47pm
Haluuuu...
I ken si yur haluuuu, haluuuuuuuhuhuhu...
I ken si yur haluuuuuuu hu huuuuuuuu...
kanta kanta minsan... halu yan ni Beyonsi... u nose her? Charlie Sheen lungs!
Nabagabag ba kayo sa last post ko? Im sure hindi... Ang bet nyo chismis... Charice pempengco lungs! Well hindi tungkol dyan ang ichechever ko sa inyo nyahahaha.. Ito ay kwento ng 3 kolokoy hihihi...
Abril ng taon ito ng sobrang mabored ako sa asylum na ito gusto ko ng something new... something different... Something exciting ganyan...
Dahil sa napansin ko na 2 sa mga blogger na naging kaibigan ko ay pareho ng past time ko. Nasabi ko kay Fiel ng
Fiel-kun's Thoughts at Anthony ng (dating) Free to Play ang balak ko. excited ang lahat subalit, ngunit, datapwat mukang hindi pa napapanahon ang balak namin at na postpone ito....
Napostpone man ang balak namin eh hindi natapos doon ang madalas na kulitan namin sa sarili naming chatroom sa FB. Kadalasan dito kami nakakakuha ng mga update sa kapwa namin bloggers, nakakakuha ng balita sa lipunan, nakikibalita sa mga activities ng mga buhay buhay namin at walang katapusang palitan ng point of view sa bawat bagay na mapagusapan namin may social relevance man o wala. Sa totoo lang bilib ako sa dalawang iyan dahil hindi rin nauubusan ng mga insights sa buhay.
Dito ko nasabi na ang buhay talaga ng tao ay mag continuous learning. Hindi sapat ang mga bagay na alam mo na at mga bagay nanatututunan mo sa paaralan dahil sa interaction sa ibang tao na ma-opinion din eh matututo ka... So ano ang pinaglalaban ko dito? Wala! Mahanash lang ako... Charlie and the chocolate factory lungs!
Pero seryoso kung ang mga bagay man na pinaguusapan namin ay seryoso eh wag kang pakakasiguro dahil sa gitna ng usapan nyo ay mag biglang aatakeng kalokohan nyahaha. Well we are used to it na kaya naman alert ako lagi sa chatroom namin nyahaha.
Rants? nyahaha hindi yan ang masyadong pinaguukulan namin ng pansin ang pinaguukulan namin ng pansin is ang observation namin sa mundong ginagawalan namin...
Hay ang haba ng intro ko.... Napagod na ba kayo kakabasa?
Well lets jump to the main topic nyahahaha.
2 weeks in the making ang planong meet up namin nila Tonio at Fiel. Araw araw siguro wala kaming ginawa kundi i-remind sa isa't isa sa gm man namin o sa FB chat ang araw ng meet-up kaya naman kahit na may Company Christmas party ako eh hindi ako sumama dahil once in a new moon lang ang ganitong pag kakataon.... once in a new moon? lolz.
Nagkita kami ni Tonio sa Mcdo, Masinag sa L.A. (Lower Antipolo) ng bandang alas-nuwebe ng umaga nagkwentuhan muna kami ng very very very very light lang after an hour ay kinita namin si Fiel sa Pure na Pure na establishment, PureGold San Mateo!!!!
Pag kakita namin eh wala kaming inaksayang panahon... chika dito, chika doon... kwento dito, kwento doon... hanash dito, hanash doon... chever dito, chever doon... hanggang sa napansin ni Tonio na parang nag lalaro kami ng hunger games dahil patatagan kami ng gutom.. So ano pa nga ba ang gagawin namin sumugod kami sa Jolibee..
Habang kumakain ay wala pa rin humpay ang kwentuhan namin pero this time tungkol sa mga kurso, pinag-aaralan, buhay estudyante naman ang topic namin hanggang sa napansin namin na wala pa kaming picture taker... para may remember, so tawag kami kay kuya crew at nagrequest ng isang photoshoot kembot... Charles Darwin lung! Simple picture lang para naman may remember kami sa amin meet up... remember? lolz again...
Kinaaliw naming tatlo ang mga comment ng mga tao sa FB nung ipost ko ng pic na iyon sa FB, dahil nga sa lumantad na si Fiel sa madla nyahaha.
|
Ito ang naturang litrato nyahaha. |
Inabot kami ng 4 na oras sa Jolibee.... Take note lunch yun ha. Muntik pa kami mag snack doon. Sabi ko pa naman sa kanila isang linngo bago ang meet up namin na gusto ko mag palipad ng guryon sa bukid kaya nag tanong ako kung may mga bukid sa San Mateo... Yep, tama ka po sa nabasa gusto ko mag palipad ng guryon... Wag nyo na basagin ang trip ko please lolz. Pero makulimlim kaya failed ang plano namin na mag-guryon ang ending balik kami ng pure na pure na establishment, PureGold San Mateo (lolz) at this time ang topic naman namin mga Anime na interested kami at pinapanood namin...
Inabot na kami ng alas sais y medya ng gabi sa kwentuhan, madilim na din sa San Mateo kaya nagpasya na kami na mag run-away bride na papunta sa kanya kanya namin tahanan.
Sa totoo lang nag enjoy ako sa walang kamatayan namin kwentuhan... Iba talaga kapag kausap mo ng personal ang tao... More kwento, more fun.
Ang tanong ko ngayon....
Ilang pangalan ang ginamit ko pamalit sa salitang charot? lolz.
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!