Tuesday, December 31, 2013

Happy New Year, Im signing off...

Check-up Time: 1:16pm (30-Dec-2013)

Hey!

Hey-pie nu nyer sa inyo mga kapwa ko baliw!!!! Nyorots lungs!


Marahil eh naloka, nabagabag, napaisp, nawindang o keri boom boom lang naman ang lahat nung napansin nyo ang post ko sa FB kanina lang, ito po yun:








Yeast itch chrew!!!! After using it in a month I swear kumapal ang buhok ko sa kili kili... Hanzaveh? labo kausap ahahaha.


Seriously, I have to bid goodbye sa asylum ko, my sweet home... Tulad ng last entry ko before this nasabi ko na maraming kwento ako naibahagi sa lahat ng mga taong naglaan ng kanilang munting oras sa pahina ko... Ginawa ko ang lahat ng magagawa ko upang kahit paano ay makapag bigay ng kahit pansamantalang aliw (Prosti? Tiyars lolz), pero ganun talaga sabi nga nila nothing is permanent in this world but changes and changes is inevitable, terhey! Im englishing my selves didn't I? Hindi ko po ikakandado ang music room ko pero hindi naman natin masasabi ang panahon, who knows naman hindi ba? Baka mamaya eh may bago na kayong follower sa katauhan ko chars! Patuloy pa rin ako sa pag-hop hop sa mga blog ng mga taong sinusundan ko... Promise *insert Inday Badiday tone*


Pero bago ko tuluyang ipinid ang tarangkahan ng aking munting asylum, ako po muna ay babati ng itlog.... Ay mali, babati pala ng....






























Sana po ay i-somersault kayo ng taon na ito ng swerte, i-piledriver kayo ng kasayahan, i-karate chop kayo ng malusog na pangangatawan at i-german suplex kayo ng pagmamahalan sa taong....








Nga pala ipinagpapasalamat ko ang mga Christmas greetings na ito galing kay Fiel, Anthony at Blindpen. Tenchu mutts sa inyo hihhihi.















Ang new years greetings na ito ay handog sa inyo ng..........





Crispy Pata ni Kuya
Sa sobrang sarap nya, bukas naka-swero ka!


O sya naservan na ako ng memo sa office dahil sa entry na ito dahil doon ko ginawa ang post na ito at nakita ako ng ops (lolz kapal ng muka ko noh? ok lang new year, new memo nyahahaha)


Muli ay nagpapasalamat po ako sa inyo sampu ng mga staff, crews, writers, editors, researchers ng pahinang ito (TV Show? charut!)..



Iiwan ko sa inyo ang katagang ito...


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 



Mula dito sa aking Asylum, ako po si Rix nakilala bilang Rixophrenic, is now signing off...






God Bless!

Wednesday, December 25, 2013

Year ender chever

Check-up Time: 11:05pm

Hi...............................

way run, into the midnight sun..... kemeh lang po! Ito po ang aking year ender post, ang last entry ko sa taong 2013. Napakadami ko pa po sanang gusto i-post kaso sa totoo lang ginagawa ko din po na busy ang sarili ko kaya hindi ko na rin po na post ang mga gusto ko sanang sabihin sa pahina ko....

Masasabi ko na isang busy na taon ito sa pahina ko. 90 na entry ang nalathala ng mga kalokohan, seryoso, ma-emo at kung ano ano pang mga kakemehan ang nasaksihan at nabasa nyo sa maliit na pahinang ito sa taon na ito...

Sa totoo nga ay sabaw ang mga post ko dahil sa kadalasn ay hindi enough ang creative juice ko para masustain ang ine-expect ko sa page na ito.... Perfectionist ko lang... well sya namang dapat dahil sa para sa akin ay ang pahina na rin na ito ang naglalarawan sa akin bilang si Rix.

Sa 77 na sumubaybay sa pahinang ito ay tagos sa puso, atay, balunbalunan, esophagus, pancreas, apendix at iba pang internal organs ang pasasalamat ko sa inyo nakikisali pa ang dendrites at axon ko.

Opo, bilang sa daliri ang mga pumapatol sa post ko, ang iba ay silent reader, at ang iba ay paminsan minsang nagpaparamdan at may ilan din na man na tuluyan ng inanfollow ang pahinang ito. Kahit na ganito ang takbo ng pahinang ito ay lubos akong nagpapasalamat dahil sa ginawa ninyong masaya at kapanapanabik ang buhay ko bilang isang manunulat sa blogspero. Totoo na nakaramdan ako ng roller coaster of emotions, naks inartehan ko talaga ang pagi-english lolz.


Ang post na ito ay pagbabalik tanaw sa ilan sa mga entry ko sa blog na ito na aking naibigan. Ito po ang year ender post ng asylum ng isang Rixophrenic:


Paggawa ng makabuluhan:













Mga como-commercial at endorsement na post:






Ma-emotion na post:






Mga kalokohan kong post:
















Mga travel at food trip:













Dahil na rin sa hilig sa musika ay isinilang din sa taong ito ang isa pang blog ko, ang music room ni Maestro Sinto-Sintonado...

Sa mga kaibigan ko na sumubaybay sa music room ko nagpapasalamat po ako, hindi nyo lang alam kung gaano nyo ginawang mas lalong chubby ang heart ko....

Sa mga nameet ko na bloggers lalo na sa mga naging super close ko online at offline, ikinalulugod ko na makilala kayo... Sa mga hindi ko pa nakikilala, I'm looking forward, sideward at upward to meet you!!!


Hanggang sa susunod na taon mga pasyente ng asylum hehehe.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Tuesday, December 17, 2013

Holiday Wish

Check-up Time:7:39pm



Overrated na ata ang magkaroon ng Christmas wish na entry.


Naalala ko last year ng ganitong panahon ay naging masaya at interesting ang Christmas ko dahil sa ganitong panahon nagsimulang magkaroon ng follower ang blog ko. Nagsimulang magkaroon ng follower ang twitter account ko at bulabog ang FB account ko ng nainvite na ako ng mga ibang bloggers as FB Friend ng dahil sa blog thread na Christmas wish kenembot something... (hindi ko matandaan ang title ng thread, basta naging recipient ako nun tapos gumawa din ako ng ganung hanash).


Ang iba sa kanila nasa limbo pa, siguro nag iipon pa ng creative juices para mag simula na ulit sa pagsasalitype ang iba naman ay active na active at ang iba ay, ayun ok pa rin naman sila :D


Hindi ko matandaan kung may kabatch ako sa pagbblog eh, pero ok lang kung mag-isa lang ako hindi naman issue kung may kasabay ka sa pagbblog o wala ang importante eh may mga blogger na nakakasundo mo, nagkaka-jamming ng saltik at pareho kayo ng vibes (bigla kong naalala ang principle namin ni Tony at Fiel sa mga follower lolz).


 
Henny waste! dami ko nanaman hanash di na ako dumerecho sa point ko.... So ano nga ba ang Christmas wish ko?


Una gusto ko sana maayos si Leuke ang aking itouch na nasira. May sentimental value kasi sya dahil yun ang kauna-unahang gift sa akin ni Diko galing ng Middle East.

Pangalawa sana magkaroon na kami ng oven ng hindi na puro non-baked cake yung ginagawa ko. Gusto ko na magbake ng cake Lolz.

Pangatlo sana after na ng new year dumating yung visa ni Diko ng makasama naman namin sya ng New Year.

Pang-apat ay gusto ko sana magkaroon ng 2013 edition ng libro ng idol kong si Bob Ong na ABNKKBSNPLA ko. Maglalaslas ako pag di ako nagkaroon nito (OA much? nyahaha).

Pang-lima ay magkaroon ng lowcut na running shoes. Sira na kasi ang pasalubong ni Diko sa akin.




Yung keyboard ng laptop ko ay makakapaghintay pa naman hanggang next year. Mga damit? magpapapayat na lang siguro ako ng maisuot ko yung mga damit na nabili ko noon. CC points ng Dragon Nest? tyagain ko na lang. Ragnarok points? nahhh tagal na ako di naglalaro ng ragnarok... mag private server na lang ako. Bag? pagtyatyagaan ko na lang muna yung luma, ok pa naman sila.


So far yung naunang lima ang gustong gusto ko makuha ko magkaroon ngayon Christmas. Sana sooner or later magkaroon ako ng ganun.


Siguro sa susunod kong post ay ang mga higlights na ng aking asylum sa taong 2013... Sana po ay maging merry ang Christmas nyo. Para po sa  mga regalo ay bukas palad ko po itong tatanggapin. Tumatanggap din po ako ng cash, Charito Solis! Kahit fun sign na lang keri boom boroom boom base na siguro yun hihihi.

Isa lang ang masasabi ko sa inyo ngayong holiday.... Madadagdagan ang timbang nyo lolz.







Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik.
God Bless!

Saturday, December 14, 2013

Isaaaahhhh paahhhhh!

Check-up Time: 5:18am







Habang nagtatagal eh iba na ang hinahanap ko...













Yung tamis, ibang lasa...... kakaibang sarap....
















Hindi ko alam kung bakit ng makita ko ang bagay na gusto ko ay agad ko itong dinakma...










Hindi nag-abot ang hinlalaki ko at gitnang daliri ng aking syang dakutin...








Pinagpapawisan ako dahil sobrang sabik na ako na makuha ang gusto ko.....





Ang tikman ang bagay na ibibigay mo pagtapos kong gawin ang dapat gawin...




Binasa ko na ang mga labi ko.... handa na ako sa gagawin ko.... Nahirapan ako dahil kailangan ko pang kagat kagatin ang ulunan na bahagi nito... Pero hindi ka bumigay..







Halos pigain ko ang katabaan ng sinasapo ko para lang ibigay mo sa akin ang gusto ko, subalit bigo ako....







Naging matyaga ako sa ginagawa ko hanggang sa nagtagumay ako.....














Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!! Ito na sya.............................



















Binigyan mo din ako ng panghimagas na gustong gusto ko..... Buo buo ang isinubo ko..... Ang sarap!























Ang sarap talaga ng NATA DE COCO....











Walang hiyang bote ng NATA DE COCO ang hirap buksan... kailangn ko pa kagatin ang takip para umangat at mabuksan ko....





Hayzt, iba nanaman siguro ang iniisp nyo noh? tsk! tsk! tsk... Your so green, but I like it.... Charo Santos lang!

Mabenta ang last entry ko about sa meet up namin ng mga kaibigan kong bloggers last week... Sana next time isa naman sa inyo ang ma-meet ko....


See you around po...




















Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Monday, December 9, 2013

sa San Mateo

Check-up Time: 7:47pm

Haluuuu...

I ken si yur haluuuu, haluuuuuuuhuhuhu...

I ken si yur haluuuuuuu hu huuuuuuuu...

kanta kanta minsan... halu yan ni Beyonsi... u nose her? Charlie Sheen lungs!

Nabagabag ba kayo sa last post ko? Im sure hindi... Ang bet nyo chismis... Charice pempengco lungs! Well hindi tungkol dyan ang ichechever ko sa inyo nyahahaha.. Ito ay kwento ng 3 kolokoy hihihi...

Abril ng taon ito ng sobrang mabored ako sa asylum na ito gusto ko ng something new... something different... Something exciting ganyan...

Dahil sa napansin ko na 2 sa mga blogger na naging kaibigan ko ay pareho ng past time ko. Nasabi ko kay Fiel ng Fiel-kun's Thoughts at Anthony ng (dating) Free to Play ang balak ko. excited ang lahat subalit, ngunit, datapwat mukang hindi pa napapanahon ang balak namin at na postpone ito....

Napostpone man ang balak namin eh hindi natapos doon ang madalas na kulitan namin sa sarili naming chatroom sa FB. Kadalasan dito kami nakakakuha ng mga update sa kapwa namin bloggers, nakakakuha ng balita sa lipunan, nakikibalita sa mga activities ng mga buhay buhay namin at walang katapusang palitan ng point of view sa bawat bagay na mapagusapan namin may social relevance man o wala. Sa totoo lang bilib ako sa dalawang iyan dahil hindi rin nauubusan ng mga insights sa buhay.

Dito ko nasabi na ang buhay talaga ng tao ay mag continuous learning. Hindi sapat ang mga bagay na alam mo na at mga bagay nanatututunan mo sa paaralan dahil sa interaction sa ibang tao na ma-opinion din eh matututo ka... So ano ang pinaglalaban ko dito? Wala! Mahanash lang ako... Charlie and the chocolate factory lungs!

Pero seryoso kung ang mga bagay man na pinaguusapan namin ay seryoso eh wag kang pakakasiguro dahil sa gitna ng usapan nyo ay mag biglang aatakeng kalokohan nyahaha. Well we are used to it na kaya naman alert ako lagi sa chatroom namin nyahaha.

Rants? nyahaha hindi yan ang masyadong pinaguukulan namin ng pansin ang pinaguukulan namin ng pansin is ang observation namin sa mundong ginagawalan namin...

Hay ang haba ng intro ko.... Napagod na ba kayo kakabasa?

Well lets jump to the main topic nyahahaha.

2 weeks in the making ang planong meet up namin nila Tonio at Fiel. Araw araw siguro wala kaming ginawa kundi i-remind sa isa't isa sa gm man namin o sa FB chat ang araw ng meet-up kaya naman kahit na may Company Christmas party ako eh hindi ako sumama dahil once in a new moon lang ang ganitong pag kakataon.... once in a new moon? lolz.

Nagkita kami ni Tonio sa Mcdo, Masinag sa L.A. (Lower Antipolo) ng bandang alas-nuwebe ng umaga nagkwentuhan muna kami ng very very very very light lang after an hour ay kinita namin si Fiel sa Pure na Pure na establishment, PureGold San Mateo!!!!

Pag kakita namin eh wala kaming inaksayang panahon... chika dito, chika doon... kwento dito, kwento doon... hanash dito, hanash doon... chever dito, chever doon... hanggang sa napansin ni Tonio na parang nag lalaro kami ng hunger games dahil patatagan kami ng gutom.. So ano pa nga ba ang gagawin namin sumugod kami sa Jolibee..

Habang kumakain ay wala pa rin humpay ang kwentuhan namin pero this time tungkol sa mga kurso, pinag-aaralan, buhay estudyante naman ang topic namin hanggang sa napansin namin na wala pa kaming picture taker... para may remember, so tawag kami kay kuya crew at nagrequest ng isang photoshoot kembot... Charles Darwin lung! Simple picture lang para naman may remember kami sa amin meet up... remember? lolz again...

Kinaaliw naming tatlo ang mga comment ng mga tao sa FB nung ipost ko ng pic na iyon sa FB, dahil nga sa lumantad na si Fiel sa madla nyahaha.



Ito ang naturang litrato nyahaha.

Inabot kami ng 4 na oras sa Jolibee.... Take note lunch yun ha. Muntik pa kami mag snack doon. Sabi ko pa naman sa kanila isang linngo bago ang meet up namin na gusto ko mag palipad ng guryon sa bukid kaya nag tanong ako kung may mga bukid sa San Mateo... Yep, tama ka po sa nabasa gusto ko mag palipad ng guryon... Wag nyo na basagin ang trip ko please lolz. Pero makulimlim kaya failed ang plano namin na mag-guryon ang ending balik kami ng pure na pure na establishment, PureGold San Mateo (lolz) at this time ang topic naman namin mga Anime na interested kami at pinapanood namin...

Inabot na kami ng alas sais y medya ng gabi sa kwentuhan, madilim na din sa San Mateo kaya nagpasya na kami na mag run-away bride na papunta sa kanya kanya namin tahanan.

Sa totoo lang nag enjoy ako sa walang kamatayan namin kwentuhan... Iba talaga kapag kausap mo ng personal ang tao... More kwento, more fun.

Ang tanong ko ngayon....



























Ilang pangalan ang ginamit ko pamalit sa salitang charot? lolz.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Wednesday, December 4, 2013

wechat

Check-up Time: 1:14am

"Paano ko ba ito gagawin?"

"Hindi mo naman kailangan gawin ang isang bagay na hindi mo naman talaga gusto simulan"

ilang minuto din na naging tahimik ang cellphone... nagliwanag sa paligid ng umilaw ang screen nito hudyat na may mensaheng natanggap. Hindi na ito tumunog dahil sa naka-silent ang cellphone.

"Buti ka pa masaya ka na"

"Akala mo lang yun, hindi ibig sabihin na laging nakangiti eh masaya na ako "

" Akala ko ba masaya ka? "

" Inasume mo lang ang lahat, pero hindi mo kinumpirma "

" Pasensya na ha, hindi ko sinasadya "

" Goodluck sa bago mong buhay... Ayusin mo ang mga dapat mo ayusin, Kailangan ko na magpahinga may gagawin pa ako bukas ng maaga "

" Galit ka ba sa akin? "

Hindi na sumagot at tuluyan ng niyakap ang malabot na unan at tuluyan ng nilipad ang ulirat sa mundo ng panaginip at umasa na doon ay magiging masaya...


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Monday, December 2, 2013

ako at si bunso

Check-up Time: 10:00pm


Haluuuuuuuuuu! kamusta na kayo? kung ako ang tatanungin nyo, heto tuyabi pa rin hihihi. Naipost ko na dati ang makulit at magulong usapan namin ni bunso kapag may mga sapi kami before (sa mga hindi naabutan ito po ang link pagibig at katarungan enjoy hihihi). Last week ay foundation day sa school kaya naman halos isang linggo din kami na walang ginawa kundi mag gantihan sa mga kabaliwan namin hahaha..

Kung paano narito po lolz:




Bunso: Kuya paano ba gamitin ito? (bagong stereo ni Paping)
Ako: Ano ba yan, ikaw na lang ang hindi pa nakakaalam gumamit nyan?
Bunso: eh paano nga kasi...
Ako: saka ako... ikaw at ako ang hindi nakakaalam gumamit nyan.
Bunso: *dinagukan ako*


*******


Ako: *pupungas pungas pa dahil kagigising lang*
Bunso: good morning, gusto mo ng kape?
Ako: uu gusto..
Bunso: eh di magtimpla ka na may mainit pang tubig dyan..
Ako: Litsi ka..


*******


*nagring ang phone*
Ako: Hello
Kabilang line: Pwede po ka (Bunso)?
Ako: *tinatamad bumaba*... Ay tumatae sya tawag ka mamaya konti
Kabilang line *natawa* ok po

maya maya *binatukan ni bunso*

Bunso: Ano sinabi mo sa ka-klase ko na tumatae ako..
Ako: *Tawa ng tawa*


*******


*nagring ang phone*
Bunso: Hello!
Kabilang line: Pwede kay Rix?
Bunso: *gumanti* Ay nasa CR, tumatae.. tawag ka po uli maya maya.
Kabilang line: ah sige ti-text ko na lang.
Bunso: ok

*beep beep* (sound effect ng message sa CP)

check ako ng phone..


Bestfriend: Nasaan ka na? tumawag ako sabi ng kapatid mo tumatae ka daw...

Ako: Bunso.... motherfather you! ano sinabi mo dito walang hiya ka......


*******


Di ba ganti ganti lang kami walang nanalo walang natalo ahaha. Minsan ayaw ko na pangunahan ng kalokohan ang kapatid ko kasi mapaghiganti lolz. Anyway kahit naman ganyan kami eh naaliw naman kami sa mga saltik namin pero walang nagpapakabog nyahaha.


Kahapon ay sinapian din ako ng kakaibang saltik at nag update ako ng music room ko. Walang kaabog-abog na nilagay ko ang nirecord ko 7 months ago na kanta ni Adele nyahaha sumakit tuloy ang tenga ng mga nakarinig (I'm sure) lolz.


O sya baka sapian ako ng iba pang saltik at kung ano pa ang maikwento ko sa inyo kaya babalik muna ako sa trabaho at baka makita ako ng manager ng acount namin na mainit ang dugo sa akin hihihi....


See you latur aligatur!


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Thursday, November 28, 2013

Ika-limang sabak

Check-up Time: 1:12am


Unang beses ko na gawin ito, sobrang kinakabahan ako. Tinawag na ang pangalan ko para simulan na ang nakatakdang programa na gagawin namin para sa mga babaeng bakas sa mga kulubot na mukha at balat ang lumipas ng panahon.

Medyo makulimlim ng araw na iyon, walang umaandar na bentilador sa silid, para sa iba ay sapat ang temperatura dahil hindi sila pinagpapawisan subali't ako naman ay hindi magkamayaw sa pagpahid ng butil butil na pawis. Nagsimula na akong magsalita. Sinasabi ko lang ang kung ano ang nasa isip ko dere-derecho. Huminto ako ng wala na akong maisip sabihin.

Naalala ko ilang beses na din ako ng bumalik dito pero wala akong ginawa kundi ang umalalay lang sa mga kasama ko kapag kailangan na nilang ibigay ang mga dala namin handog para sa kanila at akayin sila papunta sa mga pwesto nila.

Siguro ito na ang magandang oportunidad para malaman ko ang dahilan ng kanilang paglagi sa lugar na iyon. Ito din pala ang magiging dahilan ng pagtingin ko sa mga taong nasa lugar na iyon.

May ilan sa kanila na pinili na kalimutan ang sarili nila at nagpursege na kumita para mapagtapos ang kanilang mga kapatid. Sa kabila ng tagumpay ang kanilang kapatid naririto sila at kinukopkop ang lugar na ito.

Nakakaaliw ang isang matandang babae sa isang sulok ng lugar. Abala sya sa paggagansilyo habang kinukwento niya ang dahilan kung bakit sya napunta sa lugar na ito. Isa syang Vietnamese na refugee na kinopkop ng lugar ng dahil wala naman syang mapupuntahan.

Ilan sa kanila ang walang matirahan dahil sa wala ng kamag-anak at ang nakakahapis pa sa kanilang kwento ay ang pag panaw din ng kanilang kabiyak at ng kanilang anak.

Nagsilbi naman inspirasyon ang isang sa kanila na sa kabila ng saklay na gamit niya sa paglalakad ay nagawa nyang makapag pa-aral ng dalawang bata at napagtapos sa elementarya subalit hindi ko alam kung nadadalaw sya ng mga batang ito.

Ilan din sa kanila ang hinayaan na lamang ng kanilang mga anak na mamalagi dito subalit kapag tatanungin mo sila kung gaano sila kadalas dalawin ng mga ito ay sasagutin kanila ng "bihira lang".

Sa isang ginang ako nagtagal dahil medyo matagal bago tuluyang natanggap ng diwa ko dahilan ng kanyang paglagi sa lugar na iyon. Hindi sya kinikilala ng kanyang anak bilang nanay.

Nang pumanaw ang kanyang kabiyak ay pinipilit sya ng kanyang pamilya na muling mag-asawa ngunit tutol sya dito kayat mabigat man sa kalooban nya ay lumisan sya sa poder ng mga ito na hindi kasama ang kanyang anak.

Lumaki ang kanyang anak sa pangangalaga ng kanyang kapatid at nanirahan sa Pransya. Nalaman ng kanyang anak ang tungkol sa kanyang ina ng ito ay dapuan ng katarata. Tinulungan niya ang kanyang ina sa operasyon pero hindi nito inisip na kunin ang ina at isama sa bansa kung nasaan sya at sinabi na magpapadala na lang sya ng pera para sa mga pangangailangan nito.

Sa kwento ng ginang na ito ay batid ko na hindi sya kinikilala ng kanyang anak bilang kanyang ina bagay na ikinalungkot ko. Maaring masama ang loob ng kanyang anak dahil sa nangyari subalit napaisip ako, ang mga taong nga na hindi kilala ang tunay nilang magulang ay ginagawa ang lahat ng makakaya nila upang makita ang kanilang tunay na magulang, pero ang anak na ito, sa kabila ng katotohanan na alam na niya kung sino ang kanyang ina ay minabuti niyang hindi kupkupin at nakasama ang tunay na ina niya.

"Sana ay magbago ang pakikitungo ng iyong anak sa iyo bago pa mahuli ang lahat, may mga bagay na nagagawa ang tao dahil sa marahil sa panahon at sitwasyon na iyon, iyon ang naisip mong tama pero hindi ka dapat husgahan ng anak mo dahil alam ko na kung masakit sa kanya ang ng yari ay mas masakit para sa isang ina na iwan ang kanyang anak" ayan ang nasabi ko sa kanya.

Napakadaming mga malulungkot na kwento akong natuklasan ng araw na iyon, pero hindi ito alintana ng mga nandoon dahil para sa kanila ang oras na nandoon kami at oras na dapat magsaya.

Hanggang sa muli nating pagkikita....






*************
Ika-limang beses ko ng nakiisa at sumuporta sa programa ng mga kaibigan ko na magbigay at maghandog ng kaunting kaligayahan sa mga lola ng Huspicio de San Jose, subalit ang karanasan ko noong 24-Nov-2013 ang isa sa pinaka kakaiba, ng makisuyo ang aking kasama kung pwede ako muna ang mamuno sa programa.



************
Tatlong araw ng sunod sunod akong nagpapaskil ng kung ano ano sa pahinang ito.. baka magpahinga muna ako dahil baka maumay na din kayo.


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Wednesday, November 27, 2013

" naka-relate "

Check-up Time: 12:55am (27-Nov-2013)



Madaling ikubli ang tunay na nararamdamn mo sa mga taong kilala ka.





Pero kahit na ganun ka kalapit at kakilala ng mga tao sa paligid mo, kung mahusay kang magkubli ang pinagdadaanan mo sa likod ang makulay na palamuti sa mukha ay maitatago mo pa rin sa kanila ang sugat ng damdamin mo..




(click the pic please)



Ang dalawang entry na ito ay nabuo hango sa karanasan ng isang kaibigan. Isinalaysay sa akin ang mga bagay na nangyari ng hindi sinasadya ay mapuna ko na may bagay na bumabagabag sa kanya. Naka-ralate ako sa mga nangyari sa kanya dahil sa halos napagdaanan ko ang mga bagay na napagdaanan nya.

( Note: Alam ng kaibigan ko ang entry na ito dahil pinabasa ko sa kanya, Hindi naman sya tumutol dahil halaw lang ito sa tunay na naganap)


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Tuesday, November 26, 2013

powerful ka...

Check-up Time: 3:01am





Bakit ba hindi ko magawang manalo sayo?












Kahit na sanayin ko ang sarili ko wala pa rin akong laban sayo...












Kahit na sabihin ko na matapang ako ay hindi kita madaig...












Kahit na sabihin ko na malakas ako eh nahihigitan mo ako ng sobra...












Kahit na madalas kitang labanan hindi man lang ako nagtagumpay kahit minsan...



















Totoo yata ang sinabi nila na kahit gaano kalakas at katapang ang isang tao, wala silang laban sa....





























ANTOK


Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko ngayon sa sobrang antok ko kaya imbes na magkamali ako sa ginagawa ko sa trabaho, gumawa na lang ako ng entry ko lolz.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
 God Bless!

Saturday, November 23, 2013

Gubye!

Check-up Time: 3:30am

Sa totoo lang buhat ng ibinigay ka sa akin ay puro pasakit na lang ang naramdaman ko.

Hirap ako na tanawin ang landas na dapat kong daan at puntahan. Hindi ako kumportable sa aking ginagawa.

Pinagtyagaan din kita ng 3 linggo. May mga bagay na dapat na magagawa ko ng maayos ngunit ikaw ang naging sagabal para magawa ko ito ng walang hirap.

Kahit sa pagtulog ko dapat nandyan ka kahit na gusto kitang mawala ng pansamantala hindi pwede dahil ako rin ang mahihirapan kung bigla na lang mawalay ka sa akin.

Salamat at pumayag na ang doctor na tanggalin ka. Ngayon ay makakatulog na ako ng maayos, ngayon ay makakakilos na ako ng walang aalalahanin, ngayon ay makakapaligo na ako ng dere-derecho, ngayon ay makakapaglakad na ako ng di ka alintana.

Sa wakas medyo maayos na ang paningin ko. Hinihintay ko na lang ang tuluyan paghilom ng mga sugat sa aking mga mata. Hindi ko man alam kung talagang ganap na magiging malinaw ang aking natatanaw pero sa ngayon ay masaya ako sa mga bagay na naaninag at nakikita ko ng walang ibang instrumento na tutulong sa akin para makita ang magagandang bagay nasa paligid ko...

Paalam eye shield, ngayon ay isa ka na lamang alaala na ako ay sumailalim sa kakaibang karanasan upang maibalik ng kakayahan kong makakita ng maayos ng walang antipara at modernong lente sa mata.





Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!

Monday, November 18, 2013

Minor Subjects

Check-up Time: 11:14am

Hello????????????? as in hellooooooooo?????

Is its me your looking for???????

Ay mali ako pala ang naghahanap sa inyo hihihi...

So much for the updates for myself. Umay na yata kayo lolz.

Nasabi ko sa inyo ang mga schedule ko ngayon sa school at promise sobrang nakakapraning ang schedule ko kahit yata pawis ko walang pahinga sa pagpatak (ang pinagtataka ko lang bat ang taas pa rin ng body fluid ko lolz).




Nakairita much pa ang iba kong mga prof ang sasakit nila sa gums parang gusto ko na nga bumili ng blade ng matapos na ang paghihirap ko. O kaya naman kumausap na ako ng mga pumapayag mag tumba ng tao for buy 1 take 1 na Angel's burger charot!

Last Friday lang ako pumasok kung bakit? eh tinatamad pa kasi ako lolz. Mukang hindi uubra ang aking best actor in a pretending role ngayon sem (last sem absent ako ng 1 month pag balik ko ay may band-aid ang kabilang bahagi ng palad ko at sinabi ko na na-dengue ako... PAK!!!! kinagat ng mga prof ang alibi ko at ang tataas ng grade ko laugh! laugh! laugh! laugh!).

Yung Computer Literacy na Prof ko naman susko frustrated na Call Center applicant at sinabi na nya sa mga ka-klase ko ang mga alam nya sa call center application sasagot sana ako kaso lang ayaw ko basagin ang trip nya... (evil ko lang lolz). Pero sa totoo lang nakakainis sya kasi naman minor subject na lang sya demanding pa. Haist! sa totoo lang 2 kami na irregular sa subject nya at pareho ng may computer subject before at pansin namin di sya credible sa subject na tinuturo nya kasi parang hindi IT-ish yung mga terms na gamit nya... Arte ko lang sa IT-ish nyahaha.

Yung subject naman namin sa Earth Science hay naku bukod sa pasakit dahil 12:00pm ang oras at ang init eh oras de piligro pa bukod doon ayaw nya ng late dahil 3 lates lang sa kanya absent na. Ang subject na ito ay minor subject lang pero parang dadaan ka sa butas ng karayon eh iniisip ko nga ano ang relationship ng Earth Science sa pag aanalize ng behaviour ng tao? kapag mainit ang lupa mainit din ang ulo ng tao kapag malamig naman hayahay sila??? ganun ba? Ay ewan.

Yung Retorika ko ewan ko ba kanuha ko na yang subject na yan ayaw nila i-credit kaya nagdudusa ako sa subject na ito super honda pa naman ng prof na ito. Honda-dot pag 7am nasa classroom na sya masipag mag check ng attendance at medyo terror-ish pa naman. Baka nga pati si Lucy(fer) sukuan sya... Another minor subject yan ha.

Naalala ko pa noon sa una kong course, Biology kailangan namin magkaroon ng experiment na mag oobserve kami ng buoyant force at ang oobserbahan namin ay ang paglutang ng tunay na tao sa tubig. So in short (shorter than me) eh nag swimming kami. Nahihiya pa ako na makita ng mga ka-klase ko ang sexy at kaakit akit kong mga taba at bilbil tapos natapat pa sa akin ang barkada ko na di marunong lumangoy. Hahayaan ko na sana sya malunod para matapos na ang ginagawa kong observation kaso wala talaga akong killer instinct (charito!) dahil dyan pasang awa lang tuloy ang grade namin.

Minsan nga naiisip ko bakit ba may mga prof na hindi naman sila ang major subjects pero bakit buwis buhay, dila laylay kung kukuin mo? Sobrang demanding dinaig pa ang major subjects namin...

Hayzt sana bigyan pansin ng Ched ito nyahahaha nandamay?...

Bago ko po tapusin ang entry na ito.... Sa mga nakakaramdam na ng Christmas season click here pero sa mga hindi pa nakakaramdam gawin ang mga sumusunod:

1) Huwag hihinga ng 2 minuto
2) Dapat ay may matinding concentrasyon
3) Umawit ng buchekek pag lagpas ng 1 minuto pero hindi pa rin hihinga
4) Subukang irevive ang sarili kung kaya
5) Kung hindi na kaya siguraduhing may naka antabay na ambulansya..

GOOOOOOO!!!!! lolz



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

Friday, November 15, 2013

few updates

Check-up Time: 2:50am



- Grabe ang bago kong sched napaka hectic. Monday to Saturday ang pasok ko sa school habang work naman sa gabi...

- Tinatanong ng ibang tao kung bakit pa ako ang 2nd course. Pinahihirapan ko lang daw ang sarili ko. Tapos na ako mag aral pero pinagsisiksikan ko pa rin ang sarili ko sa school.

- May uniform na kami ngayon. Nak ng teteng pang-nursing ang uniform namin nakaka-asiwa magsuot akala ng mga taga sa amin eh nurse ako. lolz

- Minsan eh gusto ko na sumuko sa pag-aaral ko dahil sa bukod sa napapagod ako eh tinatamad ako. Pero iba talaga pag may inspirasyon ka... Lakas maka highschool. (blush)

- May inabot na tulong ang company namin sa mga relatives ko sa Hindang, Leyte. Tinanong nila kung sino ang mga may kamaganak doon kasi ibibigay nila sa mga empleyado ang tulong at kami na ang bahalang mag bigay sa kanila.

- After ng shift ko bukas ay dederecho na ako sa Red Cross sa  Quezon City Circle HQ. Kasama ang ibang member ng PBO napagkasunduan namin tumulong sa repacking ng mga goods na ipapadala para sa mga victim ng typhoon Yolanda.

- Mahirap makipag usap sa taong walang pakialam sa sinasabi mo... Para kang nakikipagusap sa bato.

- Hindi dapat sa lahat ng oras ay ang tao sa paligid ko ang nakikibagay sayo... minsan dapat ikaw mismo ang makibagay sa kanila.

- Nakuha ko na ang ticket ko sa musical play na Wicked. Walang hiya kasi si Erin dahil aliw na aliw sya kay Miranda (Miranda Sings (try to find her in youtube) na kumanta ng defiying gravity ayun... nung nalaman na may musical play na wicked ay bumili ng ticket kaya may utang pa ako sa kanya... Ayos lang sa tingin ko ay maeenjoy ko naman ang play.

- Nakuha ko na din ang kopya ng libro na Wicked mouth ang unang Putok. Salamat din kay Erin. Pero kahit na may message na ito ni Glen at Sir Mots pupunta pa din ako ng Book signing nila.

- Ngayon pa lang ay pinaguusapan na namin ng mga kawork ko ang plano namin na out of town next year. Babalik ako ng Baguio. Hopefully this year tuloy na ang Baler at Thailand ko. Balak ko din mag Coron at baka bumalik ulit kami ni Bunso ng Boracay.

- Mag dadalawang linggo na akong may suot na eye shield. After ng lasik surgery ko eh pakiramdam ko naka contact lens ako at yung grado nya noon. Sabi ng doctora mas mararamdaman ko ang effect nya ng isa hangang 3 buwan dahil naka depende daw ang paglinaw ng mata ko kung gaano kabilis maghilom ang sugat ng tissue ng mata ko.

- Mukang magiging masaya ang holiday namin dahil kasama namin si Diko at asawa nya sa Pasko at Baging Taon... Hindi ako makakapagleave sa Pasko pero pag di nila ako pinayagan mag leave ng 31 aabsent ako kahit pa magkaroon ako ng memo lolz.




Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
 God Bless!

Tuesday, November 12, 2013

Tabang... Bulig....

Check-up Time: 9:00 pm


Uso nanaman ang pangongolekta ng stickers para sa taon-taong planer ng Starbucks...




Hindi lang sa Starbuck kundi ganun na din sa the Coffee bean, Seattle's best, at iba pang coffee shop pati na rin ang dunkin donuts.

Nakakatawa ang iba dahil lahat na lang yata ng shop na may ini-issue na planner eh gusto kumpletuhin, ang tanong magagamit mo ba ang lahat ng planner na yan sa loob ng isang taon? eh pare-pareho lang naman ang mga date sa bawat planner.

Kung sabagay kanya kanya namang trip yan, ano bang paki ko kung ku-kumpletuhin nyo lahat ng mga yan eh dito naman kayo makakatanggap at makakaramdam ng happiness di ba? (Sana lang wag nyo ako kalimutan bigyan ha, pleassssseeeee!!!)

Pero, ngunit, subalit, datapwat, bago muna natin lunurin ang sarili natin sa mamahaling kape sana ay magawa natin na isipin at tulungan ang mga kababayan natin na apektado ng nagdaang Typhoon Yolanda hindi lamang sa Tacloban kundi pati na rin sa Capiz.

Hindi man direktang tinamaan ang lugar ng mga relatives namin sa Leyte eh sobra ang pagaalala namin dahil sa inabot ng 3 araw bago namin sila natawagan at nakausap. Habang sa lugar naman kung saan ang probinsya ng sister-in-law ko ay wala na halos mapapakinabangan sa mga naiwan ni Yolanda.








ang mga pics sa taas ay random pics sa Tacloban at sa mga lugar sa Capiz, Iloilo.

Sa ngayon ay masigasig si Diko at ang wife nya sa pag-ask ng tulong sa mga kaibigan nila sa Manila na magbigay ng kahit anong tulong para sa mga taga-Capiz. Ang lahat ng tulong na ito ay direktang binibigay sa mga affected na tao sa Capiz dahil sa sobrang bagal ng distribution ng tulong sa lugar na iyon (ayon sa mga sources ay idinadaan pa sa politika ang lahat instead na maibigay na sa mga naghihirap na mga taga-Capiz). Mahirap manghingi ng tulong kaya bilang kapatid at may pusong Ilonggo din ay nagtatanong na din sa mga kaibigan kung pwede na magbigay ng tulong para sa mga apektadong mga mamamayan ng Capiz.

Bukod dito ay nakiisa na din ako sa project ng company namin na mag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda... Nagkakabiruan na lang tuloy kami na baka bukas makalawa eh ako na ang walang maisuot pero ok lang, gaya ng sinabi ko noon if you want to be the greatest you must be the least (maipilit lang) pero hindi yan ang concern ko ngayon, sa ngayon ay gusto ko lang tumulong dahil sa parang bini-blender ang puso ko kapag nakikita ko ang mga bata at matanda na very helpless dahil sa lupit ni Yolanda...

Nakaka-chubby ng heart ang sinabi ng CNN kaya sana po sa maliit na paraan ay makapag-abot tayo ng tulong para sa mga nangangailangan dahil at the end of the day tayo tayo pa rin ang mga magdadamayan sa ganitong panahon...





PS:
- Ang Title ng entry ko ay salitang Cebuano (Tabang) at Hiligaynon (Bulig) na ang ibig sabihin ay tulong...

- Ang entry na ito ay ginawa ko last week para sana magremind na bukod sa pagkompleto ng mga stickers para sa mga planners ng paborito nating coffee shop na inaasam natin ay kumpletuhin din sana natin ang Simbang Gabi ngunit mas mukang dapat pagtuunan ng pansin ang pagtulong sa mga kababayan natin..


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik
God Bless!